ANO ANG DAMONG NASA BENTO BOX?

BENTO BOX

Pinoy tayo pero dahil Asian, keri at marami sa atin ang kumakain ng ibang pagkaing mula sa ibang parte ng Asya tulad ng mga pagkain ng Hapon.

Kung mahilig ka sa Japanese food o familiar ka rito, alam mo rin kung ano ang bento box.

Ang bento box ang lagayan ng mga pagkain ng Japanese.

Sa lunch container na ito ay mayroong damo na ang akala ng marami sa atin ay dekorasyon lamang bilang bahagi ng presentation ng kabuuang pagkain.

Haran o baran ang tawag sa damong iyan sa bento box. Strips ito ng green plastic at ginupit ayon sa hugis ng damo.

Ang plastic grass na ito ay may tulong upang hindi maghalu-halo ang amoy at lasa ng mga pagkain sa bawat isa.

Ang paglalagay din nito ay upang maiwasang mamuo ang bacteria para ang shelf-life ng pagkaing nasa bento box ay tumagal.

Alam n’yo ba, maraming siglo na ang nakalipas, ang lunch container na ito ay itinuring ding status symbol mula utility hanggang sa pigiging “kawaii” o cuteness nito.

KASAYSAYAN AT DISENYO

BENTO BOX-2Noong ikalimang siglo, ang mga magsasaka, mangangaso, at mandirigma ay nagbibitbit ng kanilang mga pagkain na nakalagay sa sako o kaya ay sa kahon.

Ang disenyo ng bento box ay hinango sa seed box ng mga magsasakang Hapon, kung saan makikita rito ang maraming compartments para sa iba’t ibang pagkain tulad ng kanin, ulam na gulay o isda.

Ang salitang bento ay sinasabing hango sa Southern Song Dynasty slang term na “biàndāng” na ang ibig sabihin ay konbinyente.

Simula noon ang bento box na ito ay ginaya na rin sa iba’t ibang bansa tulad ng Korea, China, dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa.

KYARABEN NAGING PATOK

BENTO BOX-3Sa pagkaroon ng bento box, inimbento rin ang kyaraben o character bentos bilang packed lunches din.

Ang food items dito partikular ang kanin ay nakahugis ayon sa cute characters mula sa mga cartoon o anime na kadalasan ay heroes. Patok ito sa mga bata na kinagat din ng matatanda.

597

Related posts

Leave a Comment