ANO NA ANG NANGYARI SA KASO NI DATING COMELEC CHAIR ANDY BAUTISTA?

MISTULANG nakalimutan na ng pamahalaan ang ginawang kabulastugan ni dating Commission on Elections (comelec) Chairman ­Andres Bautista na sinasabing nasa Amerika na sa kasalukuyan.

Bakit mukhang walang ginagawa ang Duterte administration para mapabalik ng bansa itong si Bautista na hindi malinaw kung nakatakas ba o pinatakas???

Sana ay masagot ng dating Chairman ng Comelec ang lahat ng akusasyon at mga ­anomalya na ibinabato laban sa kaniya.

Kahit ang lehislatura nang magsagawa ito ng imbestigasyon ­kaugnay ng diumano’y mga ­anomalya sa paggamit o pagkuha ng comelec sa serbisyo ng Smartmatic upang maging ­automated na ang eleksyon ng ­bansa ay wala ring ginawang ­aksyon para mapabalik dito sa Pilipinas si ­Bautista nuong kasagsagan ng kanilang isinagawang inquiry kaugnay ng kontrobersyal na Smartmatic.

Minsan tuloy ay maiisip mo kung ang paghahabol ba natin sa mga opisyal ng pamahalaan na nakagawa ng kawanglanghiyaan ay totoo o puro porma lang.

Heto at nalalapit na naman ang halalan, yung issue ng smartmatic hanggang sa ngayon ay dipa rin natutuldukan.

Mayroon na bang napanagot sa kapalpakan ng ­smartmatic? Nagkaroon na ba ng linaw ang ginawang imbestigasyon ng Senado sa naturang issue?

Batay naman sa nakalap kong impormasyon ay patuloy pa yata ang ­isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa naturang mga isyu.

Samantala, nabatid ng inyong lingkod mula sa mga sources natin sa Supreme Court ay ibinasura ng Supreme Court En Banc ang isinampang petisyon ng senado sa pangunguna nina Senador Francis Pangilinan at Franklin Drilon at iba pang opposition senator na kumukuwestyon sa ginawang pagbawi ni Pangulong Duterte sa pagiging miyembro ng ­Pilipinas sa Rome Statue ng ­International Criminal Court o ICC.

Ayon sa source ng inyong lingkod, unanimous ang naging decision ng en banc sa pagbasura ng nasabing petition ng Senado dahil na rin sa ­pagiging moot and ­academic na ng nasabing petition dahil nagawa ng bawiin ng Pangulo Duterte ang pagiging ­miyembro ng bansa sa ICC.

Matatandaang isinailalim pa ng Korte Suprema sa Oral Arguments (OA) ang legalidad ng pagkalas ng Pilipinas sa international criminal court o ICC na idinipensa naman ng Office of the Solicitor General sa ­pangunguna ni Solicitor General Jose Calida.

oOo

CONGRATULATIONS pala kay Atty. Marife ­Cuevas sa pagkakatalaga sa kaniya bilang bagong Supreme Court En Banc Clerk of Court.

206

Related posts

Leave a Comment