KAILAN kaya magigising ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Quezon City? Hindi na kayo nakakawala sa bansag na ‘epicenter’ ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ano ba kasi ang inyong inaatupag? Totoo na ang Metro Manila ang hotspot ng COVID-19. Pero sa buong Metro Manila, walang araw na hindi nag-number 1 ang Quezon City sa dami ng bilang nang mga nahahawaan ng sakit.
Lagi na lang bang ‘paging’ Mayor Joy Belmonte? Sabagay, alam natin na pati ang alkalde ay muling tinamaan ng COVID-19 na ito. Pero kumusta ang mga iniwan mong mga tao sa City Hall? Mukhang mga batugan at praning sa kung ano ang kanilang dapat na gawin. Patay tayo dyan mga ka-QC!
Mantakin nyo ba naman, umabot na pala sa 25porsiyento ang positivity rate ng COVID-19 sa QC? Nagresulta na rin ito sa mahigit limampung libong mamamayang taga-QC ang nagpositibo sa sakit. Araw-araw ay hindi nawawala sa pagiging number 1 ang lungsod sa paramihan ng COVID-19 cases.
Hindi nakakatuwa kundi talaga namang nakakahiya. Ipinagmamalaki pa naman ninyo na pinakamayamang lungsod sa buong Pilipinas ang Quezon City. Eh di sana may sapat din kayong resources para maalagaan ang kalusugan ng inyong mga residente? Wala, as in wala!!!
At huwag na huwag ninyong idadahilan na QC rin ang may pinakamalaking populasyon sa lahat ng mga lungsod sa NCR kaya mataas ang kaso ng COVID-19! Engot lang ang magdadahilan ng ganito! Tama ba ako Pareng Gerald Dequiña na isang lehitimong Batang QC?
Alam ba ninyo, kapag bibiyahe sa probinsiya at kapag natanong sa mga checkpoints kung taga saan ka at kapag sinabi mong galing kang QC, aba hindi ka na papapasukin sa pupuntahan mong lugar o kaya ay pipilitin ka na mag-quarantine na muna. Kung ayaw mo at hindi talaga uubra, balik ka na lang sa Metro Manila.
Iyan ang imahe ng lungsod mo Mayor Joy Belmonte! Nakakahiya lang di ba?
At nakakahiya rin para sa iyo na napilitan pa itong si Anakalusugan Party list Representative Mike Defensor na mamigay ng libreng Ivermectin. Dahil siguro wala talagang maramdaman sa iyo? Kaya ayun, desperado na sa kahahanap ng paraan ang mga taga-QC dahil walang tulong mula sa lokal na pamahalaan???
Sige lang Cong. Mike, maraming mga taga QC ang natutuwa sa ginagawa mo. Kahit kalaban mo ang DOH at FDA lalo na ang mga taga-City Hall, ayos na ayos ang initiative na ipinamamalas mo.
Teka, yun pa palang pamamahagi ng ayuda. Haaay naku, bwiset na yan! Kayo na lang ang humusga. Sagutin na lang din ninyo kung bakit hindi mapigilan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa lungsod na ito.
Sa totoo lang, nakakalungkot at nakakatakot na ang mga nangyayari. Tunay nga naman na itong pandemyang ito “can make or break” ang isang lider, pulitiko o sinumang nakaupo sa pwesto. Dito natin makikita ang mahusay at mga tanga sa kanilang panunungkulan sa gobyerno at kung karapat-dapat pa ba sila sa pwesto.
Kayo na rin ang magsabi mga taga – QC kung anong klaseng lider meron tayo. Kapit lang!!!
