Anomalya sa Marcos admin sumisirit ROMUALDEZ ININGUSO SA DSWD SCAM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

INAKUSAHAN ng ilang supplier na scam ang bidding na nagaganap sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) partikular ang bilyong halaga ng hygiene kits na kailangan para ipamahagi sa mga biktima ng Bulkang Mayon.

Pinalagan ng ilang supplier ang mistula anilang palabas na bidding dahil hindi sila binigyan ng sapat na panahon para maka-comply sa requirements.

Ayon sa mga nagrereklamo, alas-5:44 ng hapon noong Miyerkoles, Hunyo 14, nang padalhan sila ng email ni Jasmin M. Asilo, Procurement Officer na nasa ilalim ni DSWD Usec for operations

Monina Josefina ‘Pinky’ Ho Romualdez na humihingi ng quotation para sa hygiene kits.

Ang proyekto ay para sa mga ipamamahaging tulong sa mga biktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Pinuna ng hindi nagpabanggit ng pangalan na supplier ang oras ng pagpapadala ng email na malinaw na tapos na ang office hours.

Hindi rin umano naka-post sa PS-DBM Philgeps website noong araw na iyon ang nasabing proyekto.

Bukod dito, pinasusumite anila ang requirements sa loob lamang ng 24 oras.

Duda ng mga ito, palabas lang ang pagpapasumite sa kanila ng requirement para lamang masabi na may mga lumahok sa bidding ngunit ang totoo ay nakapili na ng supplier ang DSWD para sa proyekto.

Ayon sa mga supplier, nagkakahalaga ang family hygiene kit ng P84 million per item na kung i-multiply sa 15 items ay aabot sa higit isang bilyong piso.

Kabilang sa items ang bath towel, underwear, T-shirt, tsinelas, at iba pa.

Si Pinky Romualdez ay pinsan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez at isa rin sa mga head ng bids and awards committee (BAC) ng DSWD.

Itinuturo si First Lady Liza Araneta-Marcos na siya umanong lumakad para italaga si Romualdez sa nasabing posisyon.

Kinuwestyon ng mga supplier ang pagiging undersecretary ni Romualdez na siyang nagre-request sa pagbili ng mga pangangailangan ng ahensya at isa rin sa mga head ng BAC ng kagawaran na namimili ng supplier.

1011

Related posts

Leave a Comment