APO KAY SARAH MAGPAPALAMBOT NG PUSO NI MOMMY DIVINE

JUST what can soften the heart of Mommy Divine on her daughter Sarah Geronimo?

Answer: Apo.

Nine months from now, or roughly, ay tiyak na mararanasan din ng Popstar ang maging isa ina maliban na lang kung wala pa silang planong magkaanak ng asawang si Matteo Guidicelli.

Baka rin kasi may “pregnancy clause” sa ilang kontrata ni Sarah which does not allow her to carry a child, hindi natin alam.

Kung ano’t anuman, of course, the next beautiful thing na inaabangan ng lahat ay ang napipintong pagbubuntis ng singer-actress. At naiimadyin na ng lahat that regardless of the baby’s gender ay pagkaganda-ganda nito getting its looks from his/her beautiful parents.

Isa rin ang tiyak: lalambot din ang puso ni Mommy Divine.

From a mother’s point of view, sariwa pa ang “betrayal” na naranasan ni Mommy Divine nang itago sa kanya ang pagpapakasal ng anak.

The last to know kasi siya gayong normally, any parent ng ikinakasal ay siyang dapat maging aligagang punong-abala sa isang mahalagang okasyon.

Hindi nga ito nangyari.

But time—gaya ng gasgas na kasabihan—heals all wounds. Pasasaan ba’t mahimasmasan din si Mommy Divine na wala nang ibang choice kundi tanggapin na naganap na ang civil wedding ng anak, at magaganap pa ang church wedding.

In time din ay huhupa rin ang kanyang sama ng loob sa kanyang manugang. Eventually, Sarah + Matteo= their baby na tiyak na iikutan na ng mundo ni Mommy Divine.

Ang ganitong precitable scenario ay napanood na natin sa maraming palabas. Ang kadalasan nga lang na kontra sa kasal ng anak ay ang ama lalo’t kung babae ang kanyang anak.

 

Harinawang makalikom ng pondo ang isasagawang song and poetry night na pinamagatang Kape’t Ka Pete: Unang Sigwa ng Salin-awit at Tula ni Jose Lacaba.

Gaganapin ito sa March 7 sa 81 anyos na Kamuning Bakery Café na pag-aari ng kasamahan sa panulat na si Wilson Lee Flores.

Originally, ito’y para makapag-raise ng funds para tustusan ang medical expenses ng batikang manunulat/mamamahayag.

Sa mga kaedaran namin na noo’y mahilig nang manood ng mga pelikulang likha nina Lino Brocka, Mike de Leon at Chito Rono, si Pete Lacaba ang sumulat ng screenplay ng Orapronobis, Sister Stella L at Eskapo, respectively.

Hindi lang para sa kanyang gamutan nakalaan ang kikitain sa event na ito kundi maging ang mga kapwa niya sa larangan ng pagsusulat na nangangailangan.

Sa hanay ng mga movie industry workers, nariyan ang Mowelfund na itinatag ni dating Presidente Joseph Estrada, it’s about time naman sigurong magkaroon ng isang asosasyon para sa kapakanan ng mga tulad namin.

 

151

Related posts

Leave a Comment