ARJO ATAYDE KASAMA SA MGA PINANGALANANG ‘NAMOMORSIYENTO’ SA MGA PROYEKTO NG DISCAYAS

PINANGALANAN si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde ng mag-asawang contractor na sina Sara at Curlee Discaya sa mga nanghingi ng porsyento sa kanilang mga proyekto at para hindi maipit ang kanilang kontrata.

Sa sinumpaang salaysay ng mga Discaya, kabilang si Rep. Atayde sa mga binibigyan umano nila ng 10 hanggang 25 porsyento. Anila, napipilitan silang magbigay dahil sa panggigipit sa kanilang kumpanya.

Ayon sa mag-asawa, inabot nila ang porsiyento ni Arjo sa ama ng kongresista na si Arturo Atayde.

“Ang hinihingi nilang porsiyento ay hindi bababa sa 10% at umaabot pa ng 25% na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kontrata,” wika nila sa kanilang affidavit.

“Ito ay ibinibigay namin sa kanila ng cash. Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasaad ng mga araw kung kailan nila ito natanggap,” dagdag pa nila.

Sinabi pa ng mga Discaya na napipilitan silang abonohan ang kabawasan sa mga proyekto na nauuwi sa kanilang pagkalugi.

Bukod kay Atayde, may pinangalanan din na iba pang mga mambabatas ang mag-asawa, kasama ang ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

94

Related posts

Leave a Comment