ARJO ATAYDE MAY NILINAW SA ‘BUHUSAN NG TUBIG’ ISSUE NI COCO MARTIN

INAMIN ni Arjo Atayde sa entertainment press na present sa launching/presscon ng Beautederm, na totoong may nangyayaring ‘buhusan ng tubig’ sa set ng teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na pinagbibidahan ni Coco Martin na napapanood sa ABS-CBN tuwing gabi.

Pero kaagad ding nilinaw ni Arjo na biruan at for fun lang daw ang nangyayaring buhusan sa taping ng ‘Ang Probinsyano’.

“Yeah, na-experience ko siya,” natatawang pagtatapat sa entertainment ng magaling na aktor.

Dagdag pa ni Arjo, hindi raw dapat gawan ng isyu ang ‘buhusan ng tubig’ sa set ng ‘Ang Probinsyano’ dahil ito ay for fun lamang.

“It’s for fun, so I don’t get the issue,” wika pa niya.

Kasali din ba siya sa buhusan?

“Hindi naman ako…  and they witnessed it. It’s for fun, so…” tugon ng aktor.

Hindi rin daw naman ito naging big deal sa mga katrabaho ni Coco dahil matagal nang kasa-kasama ng aktor ang mga nakakabiruan nito sa set.

“No! Because these people have been working for him for years,” pagdidiin pa ni Arjo. “Kung ano ‘yung tingin ni Coco from Juan Dela Cruz na kinuha niya (‘yung staff, crew) all the way to ‘Probinsyano’, so they already have a certain working relationship that everyone who went to ‘Probinsyano’ can attest to it.

“I’m just saying na I’ve witnessed that and I’m speaking from what I’ve actually experienced. It’s for fun,” pahayag pa ni Arjo.

Sa tingin ba niya na-offend ni Coco ang mga kasamahan niya sa show dahil ginagawa niya?

Tugon niya,  “Hindi po. It’s for fun. It’s nothing, it’s a joke!”

Sa palagay niya, bakit naging negatibo ang dating sa tao ng pagbibiro ng ‘Ang Probinsyano’ lead actor?

“Showbiz!” Ang pagkikibit-balikat niyang reaksyon.

When asked kung wala ba siyang nabalitaan na may nagreklamo sa pagbibiro ni Coco, ani Arjo, hindi raw niya alam.

“I haven’t been there in a long time. Wala na po ako sa ‘Probinsyano’ and they’re running for four years and I was there for two years only. So, I have no clue, I just know they’re okay and they’re all biking, ‘yon lang ang alam ko.

“Hindi naman po ako nakikitsismis talaga sa mga bagay-bagay at saka ayoko ring ma-isyu. I never had issues with anyone or whatever, basta I’m just telling what I actually experienced,” paliwanag ng aktor.

Samantala, si Arjo ang brand ambassador ng pinakabagong line of products ng Beautéderm na kung tawagin ay Spruce & Dash.

Ang Spruce & Dash ng Beautéderm ay isang patented line of amazing products na dinivelop at nilikha ng president at CEO ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan para sa mga kalalakihan.

 

462

Related posts

Leave a Comment