ARMADO PUMASOK SA GOLF COURSE

MABILIS na nagresponde ang mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct ng Station 5 ng Manila Police District, makaraang pumasok umano ang isang 25-anyos na binata na armado ng improvised firearm, sa Club Intramuros sa Bonifacio Drive, Intramuros Manila noong Linggo.

Ang suspek na binata na kaanib ng Batang City Jail, at residente ng Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, ay nahaharap sa kasong  paglabag  sa Article  282 ng Revised Penal Code (grave threats) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

 

Ayon sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Zedrick Jade Dumon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang maispatan ng security guard na si Ricky Jay Doctolero ang armadong suspek sa loob ng golf course.

Tinangka nitong palabasin, subalit nagbunot umano ang suspek ng isang improvised firearms na kargado ng isang bala ng 9MM pistol, at siya ay tinutukan.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang gwardiya sa PCP na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

(RENE CRISOSTOMO)

131

Related posts

Leave a Comment