ARMY AT AIR FORCES NAGSAGAWA NG SURRENDER LEAFLET AIRDROPS

NAGSAGAWA ng surrender leaflet air drops ang mga tauhan ng Philippine Army 601st Infantry Brigade at Philippine Air Force (PAF) nitong nakalipas na Linggo sa Maguindanao del Sur, bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa loose firearms at violent extremism.

Ayon kay Brig. Gen. Edgar Catu, 601st Brigade commander, ilang bundles ng leaflets, na nakasulat sa Maguindanao language, ang ibinagsak at pinalipad sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha, Mamasapano at mga karatig na bayan.

Naglalaman ito ng mensaheng halong Tagalog at Maguindanaon, na humihikayat sa hanay ng lawless elements, kabilang ang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah, na tanggapin na ang alok na pagbabago at pangmatagalang kapayapaan ng gobyerno.

“Surrender with your firearms to military and police authorities in Maguindanao del Sur. The local governments and the military are ready to assist you,” bahagi ng mensahe sa pinalipad na leaflets.

Naglalaman din ito ng mobile numbers ng Army’s 601st Infantry Brigade at Maguindanao del Sur Provincial Police Office.

“This is part of our continuing efforts to bring about peace, not only in Maguindanao del Sur, but also in other parts of the region,” ani Catu.

Ang Maguindanao del Sur ay isa sa limang lalawigan na nakapaloob sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pinapurihan naman ni Major General Jose Vladimir R. Cagara, 6th Infantry Division commander, ang pagsisikap ng 601st Brigade at sa panawagan nito sa hanay ng nalalabing mga kasapi ng DI at BIFF na magsalong na ng kanilang mga sandata at samantalahin ang alok na mamuhay nang normal at mapayapa sa piling ng mga mahal sa buhay at iwaksi na ang violent extremism.

Layunin ng leaflet dropping activities na kumbinsihin ang remnants ng BIFF-Bungos faction at DI-Hassan Group na tanggapin na ang alok na kapayapaan.

(JESSE RUIZ)

77

Related posts

Leave a Comment