Ni ANN ENCARNACION
MARAMI ang nagulat sa pag-trade kay Arwind Santos ng San Miguel tungo sa NorthPort. Lalo pa’t ang nakapalitan niya ay si Vic Manuel.
Si Santos ay bahagi ng Beermen simula noong 2009 at nakasama sa siyam na kampeonato ng koponan, kabilang ang limang magkakasunod na Philippine Cup titles noong 2015 hanggang 2019. Parte rin siya ng tinaguriang ‘Death 5’ o starter five ng San Miguel.
Siya rin ang huling Beermen, na ‘di nagngangalang June Mar Fajardo, na nahirang na Most Valuable Player ng liga noong 2013.
Samantala, si Manuel ay tinrade ng Alaska sa Phoenix noong nakaraang taon. At nitong nagdaang linggo lang, itinapon siya ng Super LPG sa NorthPort.
Ayon kay Manuel, masaya siyang magbalik sa NorthPort, na pinakauna niyang PBA team. Ngunit matapos ang kanyang pahayag ay sumingaw ang ulat na ang totoong destinasyon niya ay SMB o sister team nitong Magnolia.
Agad namang inaprubahan ng PBA trade committee ang one-on-one deal ng Beermen at Batang Pier.
282 