HINIKAYAT ng Atin Ito Coalition ang gobyerno na dagdagan pa ang mga hakbang para masiguro ang laban sa teritoryo sa West Phil. Sea (WPS).
Kabilang dito ang pagdaragdag ng mga barko at tauhan na magagamit ng Phil Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Phil Navy sa pagbabantay sa mga dagat na sakop ng bansa.
Nais din nilang ipadeklara ang July 12 bilang WPS Victory Day dahil dito inilabas ang arbitral award pabor sa Pilipinas.
Binigyang pagkilala rin ng koalisyon ang BFAR, PCG at PN sa kanilang paninindigan para ipaglaban ang teritoryo at interes ng bawat Pilipino.
Kasabay nito, inihayag ng Atin Ito Coalition ang plano nilang magsagawa ng panibagong paglalayag sa WPS matapos ang panahon ng eleksyon.
