CAMILLE TINIYAK SERBISYO SA OFWs

MULING nakipagbakbakan si Camille Villar para sa proteksyon ng overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa kanilang napakalaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa lalawigan ng Quezon noong weekend, inalala ni Camille Villar kung paano inuuna ng kanyang pamilya ang kapakanan ng mga OFW sa mga nakaraang taon.

Ang legal na tulong, repatriation, livelihood opportunities, OFW hotlines, at iba pa, ay kabilang sa mga paraan ng pagtulong ng mga Villar sa mga OFW, ani Camille.

Sa 18th Congress, kabilang si Camille Villar sa mga mambabatas na sumuporta sa pag-apruba sa Republic Act 11641, na lumikha ng Department of Migrant Workers Act, partikular na nakatalaga sa pamamahala sa kapakanan ng mga OFW.

Sinamantala rin ni Camille Villar ang pagkakataon na magpasalamat kay Quezon Gov. Helen Tan, at sa mga lokal na opisyal sa pagsuporta sa kanyang senatorial bid, at pagpapahintulot sa kanya na makipag-ugnayan sa kanilang mga nasasakupan.

Sa parehong kaganapan, binigyang-diin din ni Camille Villar ang pangangailangan na balansehin ang mga pagsisikap na mapabuti ang agrikultura, at bumuo ng karagdagang imprastraktura upang mapalakas ang pag-unlad sa kanayunan.

Sinabi ni Camille Villar na ang pagsuporta sa mga OFW, agrikultura at imprastraktura ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng serbisyo publiko na nais niyang ipagpatuloy, kasunod ng halimbawang ipinakita ng kanyang mga magulang.

Bilang isang millennial leader, nagpahayag din siya ng kumpiyansa na makakapagdala siya ng mga bago at makabagong ideya sa mesa — naglalayong tumulong sa pag-angat ng buhay ng bawat Pilipino, sa bawat araw.

(DANNY BACOLOD)

46

Related posts

Leave a Comment