Atty. Rodriguez kay Quimbo PHILHEALTH FUNDS NASAAN NA?

PINUNA ni senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa kanyang ginagawang fashion show sa Kamara bitbit ang iba’t ibang mamahaling bag gaya ng Hermes.

Ito’y sa kasagsagan ng isyu ng paglilipat ng pondo ng PhilHealth pabalik sa national treasury at ang kontrobersyal na 2025 budget.

Isa si Quimbo sa mga kongresistang nagbigay ng zero subsidy sa PhilHealth sa 2025 budget.

“Hindi pa ba sapat iyong nagpa-fashion show ka diyan sa House of Representatives. Tangan-tangan ang mga Hermes bag, tatlong milyon, dalawang milyon, apat na milyon, limang milyon ho ang isang bag ngayon,” wika ni Rodriguez sa kanyang programang “Hakbang ng Maisug”.

“Pera ho iyon ng sambayanang Pilipino. Yung mga mamahalin mong relos, yung magagara mong damit. Kayo sa Marikina, matauhan na kayo,” dagdag pa niya.

Una nang naghain si Atty. Vic Rodriguez ng petisyon sa Kataas-Taasang Hukuman na kumukuwestiyon sa pagiging constitutional ng 2025 budget bunsod ng nadiskubreng blangkong items sa bicameral conference committee report.

Kinastigo rin nito ang hindi pagbibigay ng subsidiya ng pamahalaan sa naturang health insurer.

Samantala, tinawag ni dating presidential spokesperson Salvador Panelo si Quimbo na mas masahol pa sa pinalitan nito sa House Committee on Appropriations na si Rep. Zaldy Co.

Binansagan pa ni Panelo si Quimbo na poster girl ng “unexplained wealth” dahil sa maluhong pamumuhay matapos maging miyembro ng Kongreso, mula sa pagiging karaniwang guro.

Una nang nanawagan si Panelo sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang yaman ni Quimbo, kasabay ng pagkuwestiyon kung saan nakuha ng mambabatas ang pera para masuportahan ang kanyang maluhong pamumuhay.

51

Related posts

Leave a Comment