DIGITALIZATION NG DISTRIBUTION UTILITIES PINABIBILISAN

PINABIBILISAN ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa distribution utilities ang digitalization ng kanilang serbisyo upang protektahan ang consumers sa panahon ng “new normal” partikular sa pagbabayad ng bills. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy, na mahalaga ang digitalization na may kaugnayan sa kaligtasan at kagalingan ng consumer dahil patuloy na nananalasa ang corona virus 2019 (COVID-19) pandemic. Ipinunto ito ni Gatchalian sa ginanap na Energy and Sustainable Development Webinar, na inorganisa ng Ateneo School of Government kamakailan. “The current bill shock that many households have…

Read More

TRO HINIRIT VS ANTI-TERROR LAW

HUMIRIT ng temporary restraining order (TRO) ang grupo ng mga abogado laban sa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Anti-Terrorism Act of 2020. Sa pamamagitan ng e-filing ay inihain ang petisyon ng grupo sa pangunguna ni Atty. Howard Calleja sa Supreme Court. Bukod sa TRO, hiniling din ng mga ito ang writ of preliminary injuction para mapigilan ang implementasyon ng naturang batas sa Hulyo 19. Nais din ng mga petitioner na mapawalang bisa ang 10 sections ng naturang batas dahil may mga nilalabag umano ito sa karapatang pantao. Samantala, ikinatuwa…

Read More

JOLO PNP MASAKER, KINONDENA NG FFW

TAHASANG kinondena ng Federation of Free Workers (FFW) ang pagmasaker ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa apat na intelligence officer ng Philippine Army (PA) sa Jolo nitong Hunyo 29. Binatikos din ng FFW ang “unprofessional police attitude” matapos maganap ang krimen dahil hindi sinunod ng siyam na pulis ang alituntunin matapos ang isang krimen. Nitong Hunyo 29, tinutugis nina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Jaime Velasco at Corporal Abdal Asula ang dalawang suicide bombers ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang harangin at pagbabarilin sila ng…

Read More

SAP 2 KAPOS SA 18M PAMILYA

HINDI 18 milyon kundi mahigit 12.5 milyong pamilya lamang ang mabibiyayaan sa second tranche ng Social Amelioration (SAP). Ito ang lumabas sa ika-14 report ng Palasyo ng Malacañang sa Kongreso na ayon sa Makabayan bloc ay paglabag sa Bayanihan to Heal as One Law dahil nakasaad umano sa nasabing batas na dalawang beses bibigyan ng pinansyal na ayuda ang 18 milyong pamilya na apektado sa COVID-19 pandemic. Kinastigo rin ng nasabing grupo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mabagal pa rin umanong pamamahagi ng second tranche ng…

Read More

Kano magpapadala ng battleship DND, DFA KABADO SA CHINA WAR GAMES

NABABAHALA ang Department of National Defense at Department of Foreign Affairs sa nakatakdang war games ng China sa South China Sea malapit sa mga pinag-aagawang teritoryo. Ito ay kasunod na rin ng ulat na nakatakdang magpadala ng dalawang battleship ang United States sa area na bahagi rin umano ng kanilang pagsasanay malapit sa pagdarausan ng Chinese war exercises. Nagpahayag ng pagkaalarma sina DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa dalawang war games na ito. Pangamba ng Defense Department, posibleng ang ginagawa ng China ay lalong magpalala…

Read More

AFP, PNP HIWALAY NA PINULONG NI PDU30

HIWALAY na nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi, Hulyo 3 sa mga kapulisan at kasundaluhan. Kasama sa pagpupulong ang mga hepe ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa video message ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na iisa lamang ang naging mensahe ni Pangulong Duterte at iyon aniya ay siguraduhin na magkakaroon ng katarungan, makukulong at parurusahan ang lahat ng mga nagkasala sa Sulu shooting incident. Bukod aniya sa apat na sundalo na miyembro ng Hukbong Sandatahan, kasama na ang major na…

Read More

CBC AT CBSI, PINAIIMBESTIGAHAN SA BSP

MAHILIG umutang ang mga masang Filipino, ngunit iyong maliitang halaga lang dahil ito lang ang kaya nilang bayaran. Madalas sa Bumbay pa nga umuutang ang karamihan na iskema ay ‘5/6’ na ang ibig sabihin ay masyadong mataas ang interes o tubo. Kapag umutang sa Bumbay, tiyak malalaman ito ng mga kapitbahay dahil hindi sa halip na kanilang i-sikreto, ipapamalita pa nila sa buong barangay na ikaw ay may utang. Kung milyun-milyon o bilyun-bilyon na ang halaga ng utang, halimbawa ng isang negosyante o kumpanya sa bangko, ay hindi rin daw…

Read More

PANDEMYA SINASAMANTALA NG CHINA

MARAMI ang nagtatanong sa akin, bakit daw mainit ang ulo ko sa China? Hindi raw ba ako natatakot sa China at baka kapag pumunta ako sa kanilang bansa ay hindi nila ako papasukin dahil naka-ban na ako? Sagot ko: Hindi naman mainit! Ayaw ko lang ang ginagawa nila sa ating bansa lalong-lalo na ang pagsakop nila sa ating teritoryo sa West Philippine Sea at wala akong balak na pumunta ulit sa Mainland China. Kung hindi papalagan ng lahing kayumanggi ang paggagago ng China sa atin, lalong lalakas ang loob nila…

Read More

SENADO HATI SA NILAGDAANG ANTI-TERROR BILL

HATI ang mga senador sa tuluyang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na Anti-Terror bill. Sinabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, hindi na ito nagulat nang sang-ayunan ni Pangulong Duterte ang nilalaman ng nasabing batas. “I am not surprised. From Day 1 this Administration unleashed draconian and authoritarian measures as a showcase of its brand of leadership. These draconian measures however have been exposed as nothing more than a show of senseless, mindless violence as means to sow fear amongst the people. From the murderous drug war, to the…

Read More