PNP TINIYAK PARUSA SA BARUBAL NA PULIS

NAGBABALA si Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis na mahaharap sa parusa ang sinomang hindi maayos magserbisyo o walang galang sa publiko.

Inilabas ng PNP chief ang babala kasunod ng pag-viral sa social media ng isang kawani ng Migrant Workers Office na umano’y nagpakita ng kawalan ng respeto sa isang overseas Filipino worker.

Pinayuhan ni Nartatez ang police frontliners na panatilihin ang propesyonalismo at respeto sa pakikitungo sa publiko.

Aniya, may kaukulang parusa ang sinomang pulis na mapatutunayang bastos o hindi maayos ang serbisyo sa mga humihingi ng tulong sa himpilan man o sa lansangan.

Hinimok din ng PNP chief ang publiko na i-report ang anomang maling asal ng pulis upang agad itong maimbestigahan.

(TOTO NABAJA)

120

Related posts

Leave a Comment