SPOX ROQUE HIBANG NA SA COVID-19

PARANG nahihibang na si Presidential Spokesperson Harry Roque kung ilarawan ng ilang netizen matapos itong mapasuntok sa hangin sa labis na katuwaan dahil nagupo o natalo na aniya ng bansa ang prediksyon ng University of the Philippines researchers na papalo sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo (kahapon). Hindi kumbinsido ang netizens na mali ang projection ng UP lalo pa’t libo umano ang backlogs sa COVID test results. Ang Pilipinas ay may kumpirmadong 36,438 kaso ng COVID-19 ‘as of Monday”. Isang research group…

Read More

JOLO PNP, MURDERER – PHIL ARMY

PARA kay Philippine Army chief Lieutenant General Gilbert Gapay, ang insidente sa Jolo, Sulu ay hindi misencounter kundi murder. Inihayag ito ng galit na si Gapay sa pagharap sa mga reporter nitong Martes makaraan ang arrival honors para sa labi ng tatlo sa apat na sundalong napatay ng mga pulis noong Lunes. Ipinunto ni Gapay na kung may nangyaring sagupaan, imposibleng walang magiging casualty sa panig ng mga pulis. “It was murder. It is murder… there is no mis-encounter dahil hindi naman pumutok ‘yung tropa namin. Nandoon ‘yung mga baril…

Read More

WALA MUNANG PABONGGAHAN SA SONA

WALANG magaganap na parada ng bonggang mga kasuotan, gown o magagarang barong sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na sa kauna-unahang pagkakataon ay magiging virtual ang SONA, sa July 27. Sa press briefing via zoom sa Senate Media, sinabi ni Sotto na tatlong opsyon ang kanilang ikinukonsidera sa pagsasagawa ng ikalimang SONA ng Pangulo na pawang ila-livestream. Una ay ang opsyon na mananatili ang tatlong lider ng gobyerno (Pangulo, Senate President at House Speaker) sa Batasan…

Read More

MARAMI PA RING MATITIGAS ANG ULO – NTF COVID 19

DISMAYADO si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa nakitang katigasan ng ulo ng ilang mamamayan kaya’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID 19  sa bansa partikular sa Metro Manila. Kaugnay nito, binawi ni Sotto ang naunang pahayag na may problema sa mga ipinatutupad na hakbangin ng Inter Agency Task Force for Emerging Diseases at iginiit na mas malaking sakit ng ulo ang katigasan ng ulo ng publiko. “I think the (non) compliance of the people, mas malaking sakit ng ulo ‘yun kaysa sa program. The reason I say…

Read More

LPGH NABIGYAN NG 5 YUNIT NG KAGAMITAN VS COVID-19

MULING pinalakas ni Senador Cynthia Villar ang kapasidad at pagtugon ng Las Piñas General Hospital and Satellite  Trauma Center (LPGH & STC) sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagbigay ng ilang kagamitan. Sa pahayag, sinabi ni Villar na kamakailan lamang, nagbigay siya ng 5 unit ng hospital equipment sa LPGH & STC na  tinanggap ni Dr. Rodrigo Hao, Medical Director. Kabilang dito ang passbox, biological freezer, biological refrigerator, autoclave sterilizer at ventilator. “Now, more than ever, it is crucial for our local hospitals to have the necessary equipment and facilities…

Read More

EMPLEYADO NG 96 PRIVATE COMPANIES, SUMALANG SA COVID TEST

TINATAYANG umabot na sa may 96 kumpanya ang nakatapos na ng kani-kanilang inisyatibong pagsasailalim sa  kanilang mga empleyado sa COVID test. Ito ang ibinahagi ni Dra. Minguita Padilla ng Project ARK sa Laging Handa public briefing. Ito ang grupong naka-monitor sa hakbangin ng mga nasa pribadong sektor para makapagsagawa ng rapid at PCR test. Subalit sa nasabing bilang aniya ng mga kumpanyang nagsagawa na ng COVID test sa kanilang mga kawani, wala pang iniuulat na resulta kung ilan ang positibo o tinamaan ng virus. Ang hawak pa lang aniya nila…

Read More

NIA KINALAMPAG SA PROBLEMA SA IRIGASYON

DISMAYADO ang isang mambabatas sa Kamara matapos dumagsa ang grupo ng mga magsasaka na nagpapasaklolo para sa irigasyon sa kanilang mga sakahan. Agad namang tinawagan ng pansin ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat ang pamunuan ng National Irrigation Administration para tugunan ang problema ng mga magsasaka. Ayon kay Rep. Cabatbat, maraming maliliit na magsasaka ang dumulog sa kanyang opisina upang humingi ng tulong patungkol sa sistemang irigasyon at tawagin ang pansin ng NIA sa delay na patubig sa kanilang mga sakahan. Nabatid sa mambabatas na napakaraming imprastraktura ang apektado sa…

Read More

SPECIAL SESSION NG KONGRESO, ‘DI NA KAILANGAN

HINDI na kailangan magpatawag pa ng special session ang Kongreso para madaliin ang pagkakaruon ng Bayanihan act 2 sa harap ng patuloy pa ring kinakaharap na suliranin sa COVID 19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, may resources pa namang magagamit ang gobyerno para tugunan ang anomang pangangailangan na may kinalaman sa corona virus. Aniya pa, hindi na rin dapat pang magkaroon ng special session ang Kongreso para sa panibagong stimulus package. Pwede naman aniyang matalakay ang Bayanihan act 2 sa regular session ng Kongreso. Sa ulat, planong paglaanan ng…

Read More

Kahit 20-taon na sa kumpanya 400 MANGGAGAWA SA VICTORY BUS, SINIBAK

INAASAHANG maraming manggagawa sa mga bus company ang mawawalan ng trabaho tulad ng 400 empleyado ng Victory Liner Inc. (VLI) na tinanggal sa kabila ng paninilbihan sa loob ng 20 taon dahil 50 porsiyento ang mababawas sa kita sa bawat byahe ng bus. Siguradong dagdag ito sa 7.3 milyong Filipino na nawalan ng trabaho hanggang nitong Abril. Matatandaang isinapubliko ng Philippine Statistics Authority (PSA) ilang linggo na ang nakalipas na 17.7% ang itinaas sa unemployment rate ng bansa nitong Abril. Sa datos na ‘yan, ang tatlong nangunguna sa kawalan ng…

Read More