PAG-ANGKAT NG MANOK TIGIL MUNA

HINDI muna papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga manok at poultry products mula sa Czech Republic matapos na magpositibo sa avian influenza. Sa ipinalabas na memorandum ng Department of Agriculture, ipinatitiyak na hindi makalulusot ang importasyon ng manok mula sa nasabing Central European country. Una nang kinumpirma ng State Veterinary ng Czech Republic sa World Organization for Animal Health na may outbreak na ng H5N8 bird flu sa kanilang bansa. Tinukoy ni Agriculture Secretary William Dar ang mga sakop ng ban ay ang poultry meat, avian semen, day-old chicks, wild…

Read More

INOOBSERBAHAN SA NCOV, 215 NA-DOH

UMAKYAT na sa 215 ang mga itinuturing na patients under investigation (PUIs) ng Department of Health (DOH) dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD). Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Dr. Eric Domingo, umabot na sa 215 ang cumulative total ng PUIs sa bansa, kabilang dito ang tatlong kumpirmadong kaso ng sakit, na pawang Chinese nationals na mula sa Wuhan City sa Hubei, China. Sinabi ni Domingo na sa naturang bilang, 184 ang naka-admit at isolated na, habang siyam na ang ilan ay mga dayuhan, ang tumanggi…

Read More

Tatanggi sa nCoV patients binalaan ng solon; OSPITAL, DOKTOR BABAWIAN NG LISENSYA

NAGBABALA ang mababang kapulungan ng Kongreso sa mga private hospital na tumatanggi sa mga pasyenteng pinaghihinalaang may sintomas ng novel coronavirus na posible silang tanggalan ng lisensya. Ginawa ni House health committee chairperson Angelina Tan ang babala matapos umano itong makatanggap ng mga report na pinaaalis ng mga private hospital ang mga pasyente na may sintomas ng nCoV. “Let me remind these hospitals that this is against the law and they run the risk of having their license to operate and Philhealth accreditation cancelled,” pahayag ng mambabatas. Ayon sa mambabatas,…

Read More

MAG-UTOL NAGTAGAAN SA CELLPHONE

TACLOBAN City – Kapwa kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng magkapatid na lalaki makaraang magtagaan dahil sa pinag-aagawang cellphone, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang magkapatid na sina Israel Beltran, 38-anyos, at Elmer Beltran, 34 anyos, kapwa residente ng Brgy. San Pedro, Alangalang, Leyte. Batay sa report ng Alang-alang Police Station, bago ang insidente, isinanla umano ng panganay sa nakababatang kapatid ang cellphone ngunit hindi naman ibinigay ang perang pinagsanlaan. Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa parehong kumuha ng itak ang magkapatid at nagtagaan…

Read More

SAFETY VAULT ‘DI NABUKSAN, NAGTIYAGA SA CELLPHONE KAWATAN BUKING SA CCTV

CAVITE – Hindi nabuksan ang safety vault, nagtiyaga na lamang sa isang cellphone ang isang 22-anyos na lalaking nahagip ng Closed Circuit Television (CCTV) habang nagnanakaw sa isang tindahan sa Gen. Trias City sa lungsod na ito. Nakakulong na sa Gen. Trias City Custodial Center ang suspek na si Melbert Mercado, walang trabaho, ng NIA Road, Brgy. San Juan I sa naturang lungsod, dahil sa reklamo ni Marcianito Chavez Jr., area manager ng Alfa Mart Store sa Brgy. San Juan, Gen. Trias City branch. Sa salaysay ni Chavez kay P/SSgt.…

Read More

Hindi magsusuot ng face mask parurusahan ng LTFRB; P5K MULTA SA TSUPER

PAGMUMULTAHIN ang mga jeepney driver na hindi susunod sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsuot ng face mask sa kanilang pagbiyahe sa gitna ng nararanasang banta ng 2019 novel coronavirus sa bansa. Sa isang interview, inihayag ni LTFRB Chair Martin Delgra III, na nag-isyu sila ng Memorandum Circular 2020-005 na humihiling sa mga jeepeney driver na magsuot ng facemask para makatulong upang hindi na kumalat ang virus. Nabatid na may polisiya ang LTFRB na nagpapataw ng parusa sa mga hindi sumusunod sa kanilang circulars. Bunsod…

Read More

KALARO KRITIKAL7-ANYOS HINIGOP NG ILOG

NAGA City – Nalunod ang isang 7-anyos na batang lalaki habang kritikal ang kasama niyang 5-anyos, nang maglaro sa gilid ng ilog, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang namatay na si Adrian Sumanday, habang inoobserbahan sa ospital ang 5-anyos. Lumabas sa imbestigasyon, naglalaro ang mga bata sa gilid ng Naga River na sakop ng Balatas, Naga City, nang bigla na lamang nadulas ang mga biktima at nahulog sa ilog. Agad nagresponde ang mga awtoridad at natagpuan ang mga biktimang palutang-lutang sa ilog kaya mabilis na…

Read More

DALAGITA GINAWANG PARAUSAN; STEPDAD SWAK SA KULUNGAN

ISABELA – Bumagsak sa kulungan ang isang lalaki makaraang gawing parausan ang dalagitang anak-anakan, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang arestadong suspek na si James Natividad, 29-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Masipi East, Cabagan, Isabela. Batay sa report ng Tumauini Police station, nadakip ang suspek matapos isilbi ang warrant of arrest sa Centro, Cabagan, Isabela. Ayon sa pulisya, nahaharap ang suspek sa 16 na bilang ng kasong rape matapos paulit-ulit na gahasain ang dalagitang anak ng kanyang kinakasama. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa…

Read More

PDu30 muling binira ang Maynilad, Manila Water; IBALIK ANG PERA NG TAUMBAYAN

BINANATAN na naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pribadong water concessionaire na Maynilad at Manila Water para ibalik ng mga ito ang perang ibinayad ng publiko para sa water services kung ayaw umanong na i-takeover ng gobyerno ang distribusyon ng tubig at serbisyo sakali’t tumanggi sila. Sa naging talumpati ng Pangulo sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees na idinaos sa Rizal Hall, Malakanyang kamakalawa ng gabi ay isinapubliko ng Pangulo ang ginagawang panliligaw umano sa kanya ng mga may-ari ng dalawang water concessionaire matapos gumawa ang…

Read More