Isinusulong sa Eddie Garcia Act; EXTRA, CREW SA SHOWBIZ POPROTEKSYUNAN

HINDI lamang ang malalaking aktor at aktres ang makikinabang sa Occupational Safety and Health Standards Act (OSHA) sa film, television at theater industry kundi ang mga extra at crew members. Ito ang tiniyak ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa nasabing panukala na mas kilala bilang “Eddie Garcia Act”  na kasalukuyang pinagdedebatehan sa House committee on labor. “I was close to Tito Eddie Garcia as I worked with him in 2 projects. Siguro, ito na rin ang legacy niya sa atin kasi hindi lang ‘yong mga sikat ang masasama dito…

Read More

PRESYO NG SURGICAL MASK BANTAY-SARADO

NAGBABA ng Executive Order ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Valenzuela para protektahan ang mamamayan nito laban sa mapagsamantalang negosyante. Ang aksyon ng Valenzuela LGU ay kaugnay ng sunod-sunod na pagtaas at pagsasamantala sa presyo ng surgical masks at N95 face masks ng mga negosyante sa gitna ng pangamba sa 2019 novel coronavirus (nCoV). Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kailangan sumunod ang mga negosyante sa Suggested Retail Price (SRP) sa pagbebenta ng mask alinsunod sa Department of Health (DOH) Memorandum No. 0005, Series of 2020, at batay…

Read More

KALIWA DAM LOAN DEAL ILEGAL; Makabayan solons nanindigan

HINAMON ng Makabayan bloc  sa Kamara ang administrasyong Duterte na patunayang hindi lugi ang mga Filipino sa pinasok nitong kontrata sa China para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam at Chico River Pump Irrigation na magmumula sa Quezon hanggang sa Tanay sa Rizal. Nanindigan ang grupo na labag sa Konstitusyon ang loan agreement para sa naturang dam project na nagkakahalaga ng P12.20 bilyon. Inilista ni Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate ang ilang ilegal  na probisyon sa kontrata kabilang ang 1) Article 5.7 na  nagsasaad na “Philippines or any of its…

Read More

HIGIT P2-B GUGUGULIN SA PAGSUGPO SA NCOV ARD

HIGIT dalawang bilyong piso ang supplemental budget na isinusulong sa Kongreso para tugunan ang 2019-novel coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD). Nabatid na inihain na nina House Committee on Health Chairman Angelina Tan at House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang dalawang panukala. Sa House Bill 6166 na inihain ni Tan at House Bill 6177 ni Salceda, aabot sa P2.040 Billion ang supplemental budget na gagamitin para tugunan ang mga pangangailangan ng mga Filipino laban sa sakit. Gagamitin ang pondo para sa pagbili ng protective equipment, surgical…

Read More

2020 MPBL Lakan Cup: DAVAO, MAKATI ON TOP

NANANATILI sa 1-2 posisyon ang Davao Occidental at Bacoor sa South division, habang ang Makati ay nakabalik naman sa North division sa papalapit na pagsasara ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season elimination round sa magkahiwalay na laro, Huwebes sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna. Ang Davao Occidental Tigers ay nagwagi laban sa Binan City Luxxe White Krah Heroes, 72-66 para selyuhan ang No. 1 seed laban sa Bacoor Strikers, na naunang nagtala ng 79-68 win matapos talunin ang Iloilo United Royals. Inakay naman ni Jeckster Apinan ang Makati Super Crunch…

Read More

BEACH VOLLEYBALL U-18, HAHATAW SA TAGUIG

GAGAMITIN ng mga batang atleta ang kanilang talento sa pagsabak sa Philippine Volleyball Federation (PVF)-Tanduay Athletics Beach Volleyball Under 18 Boys and Girls Championships bukas (Pebrero 9) sa Athletics Volleyball Center sa Taguig City. Kabilang sa mga koponang kasali sa torneo ay mula sa Pangasinan, Pampanga, Bataan, Laguna, Quezon, Bulacan, Muntinlupa at Metro-Manila. Ang naturang beach volleyball tourney ay bahagi ng grassroots sports development program ng PVF sa pamumuno ni presidente Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada. Tulad sa mga nakalipas na programa ng PVF at pamilya Cantada, tiniyak ng mga ito…

Read More

MIGHTY SPORTS NO.1 SA JONES CUP

MATAPOS ang 7-game sweep ng Mighty Sports Pilipinas sa Dubai International Basketball Championship, kinukonsidera ngayon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ito ang ipadala sa William Jones Cup sa Hulyo. Sinabi ni SBP official Ryan Gregorio, dahil sa tagumpay ng koponan sa Dubai tourney, nasa priority list nila ito ngayon para sa taunang Jones Cup. “They have been supportive to the programs of the federation. It’s just overwhelming that they were able to win the Dubai Cup, the first ever for a non-Middle Eastern country. In the future tournaments…

Read More

UAAP 82 HS Boys’ Basketball: FIGUEROA, MVP

TULUYAN nang ibubulsa ni Jake Figueroa  ang Most Valuable Player award para sa UAAP Season 82 High School Boys’ Basketball tournament. Ang Grade 11 Adamson Baby Falcon ay nakaipon ng kabuuang 73 statistical points, mas mataas ng 6.21 points sa sumegundang si Josh Lazaro ng Ateneo. Si Figueroa ay nag-averaged ng 13.21 points, 14.14 rebounds, 3.14 assists, 1.64 steals, at 1.21 blocks per game. Pinangunahan niya ang Baby Falcons sa stepladder bilang fourth seed, na may 8-6 record. Ang 6’2” forward mula sa Pampanga ang unang basketball MVP mula sa…

Read More

MA-TRAFFIC NA WEEKEND ASAHAN

MATINDING trapik ang aasahan ng mga motorista dahil sa isinasagawang road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend. Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong alas-11:00 ng gabi nitong Biyernes nang simulan ang pagsasaayos sa southbound A. Bonifacio Avenue Cloverleaf hanggang 11th Ave. (1st lane magmula sa sidewalk); EDSA Bulakan St. hanggang West Ave. (3rd lane buhat sa sidewalk) at EDSA pagsapit ng BP Tuazon flyover hanggang pagdating naman ng A. Boni Serrano flyover (2nd…

Read More