Nagpa-story conference na noong nakaraang Lunes ng gabi sa GMA 7 ang programa ni Sen. Bong Revilla Jr. na Agimat ng Agila. Exciting ang kuwento na tingin ko hindi pang-weekly lang ‘yan dapat. Pero siguro pakiramdaman muna nila, at kapag maganda ang feedback at maganda ang rating, malamang na madagdagan ng araw ‘yan. Puwede siguro every Saturday and Sunday ‘di ba? Sa ngayon, sa Linggo lang daw ito mapapanood, na ang unang napabalita ay ito ang ipapalit sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko’. Pero ang latest na nabalitaan ko nga,…
Read MoreAuthor: admin
HIDWAANG SHARON AT KC LUMALALIM
NAKAIINTRIGA na talaga kung gaano na ba kalalim ang hidwaan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Ipinost kasi sa social media kaya tuloy hindi maiwasang pag-usapan ng netizens at magbigay ng kani-kanilang opinyon. Si Sharon ang unang nag-post. Nagbigay ng mensahe si KC, pero hindi pa natapos doon. Lately ay kung ano-anong ipinu-post nila na ang dating sa ating nagbabasa sa social media, parang nagpapatutsadahan silang mag-ina. Si KC nandoon sa tatay niya, kay Gabby Concepcion. Nag-post din si Gabby na kahit na anong mangyari, nandiyan lang daw siya…
Read MoreJANINE: ‘BAKA PAGBALIK KO ‘YUNG FANS KO NAWALA NA!’
PATULOY nang umaayos ang kalagayan ngayon ni Janine Berdin kaya nakabalik na sa trabaho. Matatandaang pansamantalang nagpahinga ang dalaga sa pagkanta sa ‘ASAP Natin ‘To’ at ‘It’s Showtime’ nang matuklasang mayroong nodules sa lalamunan ang singer. Aminado si Janine na nakaramdam siya ng takot na baka makalimutan na ng mga tagahanga kung mas matagal pa siyang hindi napapanood sa telebisyon. “A lot better na. Siyempre not everyone gets the chance to perform on ASAP and It’s Showtime. Ako na-feel ko po na nasasayangan ko ang opportunity tsaka baka pagbalik ko ‘yung…
Read MorePAMBANSANG PALARO TULOY!
NAGDESISYON ang Department of Education (DepEd) na kanselahin ang Palarong Pambansa dahil sa novel corona virus. Ipinaalam ito ni Education secretary Leonor Briones sa kasagsagan ng Senate inquiry kaugnay sa 2019-nCov, Martes. Ngunit kahapon ay binawi ni Briones ang naunang pahayag at sinabing tuloy na tuloy na ang taunang summer meet na gaganapin sa Mayo sa Marikina City. “We reiterate that the Palarong Pambansa is not included in the list since it will officially open by May this year,” paglilinaw ng DepEd sa pamamagitan ng official social media sites nito.…
Read MoreFAJARDO OUT NA SA 2020 PHL CUP
TATLONG linggo bago magbukas ang 45th PBA Season, isang malaking dagok ang dumating sa San Miguel Beer matapos kumpirmahin ng management na nagtamo ng injury si big man June Mar Fajardo. Sa opisyal na pahayag ng team kahapon, nakasaad na nitong Lunes sa team practice ay na-injure ang five-time MVP. “San Miguel Beermen center June Mar Fajardo suffered a complete fracture on his right tibia during team practice last February 3. He was immediately brought to a hospital, where assessment on the extent of his injury and initial treatment were…
Read MorePINAS KAISA SA ASW; 3 PORTS GAGAWING PILOT AREA
TATLONG ports ng Bureau of Customs ang tatayong pilot ports makaraang pormal nang sumama sa live operations ng ASEAN Single Window (ASW) ang Pilipinas. Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, ang BOC kasama ang tatlong port nito na tumatayong pilot ports – Port of Manila, Manila International Container Port at Ninoy Aquino International Airport – at Export Coordination Division (ECD) ang mag-iisyu ng electeonic Certificate of Origin (eCO) gamit ang national single window ng bansa. Sinabi pa ni Beltran, ang pag-isyu ng eCOs ay alinsunod sa Customs Memorandum Order (CMO) No. 15-2019…
Read MoreBOC NAGDIWANG NG 118TH ANNIVERSARY; MOVING TOWARDS A PROFESSIONAL CUSTOMS ADMINISTRATION – GUERRERO
IPINAGDIWANG ng Bureau of Customs noong Lunes ang kanilang 118th Founding Anniversary kung saan ipinahayag ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang kanyang pagnanais na maging maayos, moderno at mapagkakatiwalaan ang ahensiya. Naging sentro ng kanyang mensahe ang “Moving Towards a Credible, Modern and Professional Customs Administration” kung saan marubdob ang kanyang pahayag na sa pag-upo pa lang niya sa puwesto ay ninais niyang maging malinis ang ahensiya mula sa katiwalian. Kasabay ng kanyang pahayag ang pasasalamat sa mga tumanggap ng papuri at awards kaugnay ng pagdiriwang. “To all our awardees…
Read MoreBABAENG DRUG MULE NAARESTO NG CUSTOMS; P28-M SHABU NAKUMPISKA SA THAI PASSENGER
DAHIL mas pinahigpit ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabantay sa puerto upang hindi makalusot ang pagpasok ng ilegal na droga, isang babaeng Thai passenger ang inaresto ng mga tauhan ng ahensiya kaugnay sa tangkang pagpupuslit ng P28 milyong halaga ng droga sa Ninoy Aquino International Airport. Ang suspek na nakilalang si Pakira Janwong, 27, ay inaresto matapos tangkain nitong ilusot ang 4.125 kilos ng shabu na may street o market value na P28,050,000 na nakatago sa kanyang luggage. Natuklasan ang shabu nang dumaan ang luggage ni Janwong sa x-ray…
Read MoreBRGY. CHAIRWOMAN PATAY SA AMBUSH
COTABATO City – Binawian na ng buhay ang isang barangay chairwoman habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan makaraang tambangan ng hindi kilalang mga suspek nitong Enero 28 sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Bai Ella Biruar ng Barangay Bagua Mother, Cotabato City habang ligtas na ang mga sugatang sina Jasmin Samson at Princess Odin. Matatandaan, nitong Enero 28, bandang alas:12:30 ng tanghali nang tambangan ang biktima at mga kasama nito habang lulan ng sasakyan sa harap ng San Roque Chapel,…
Read More