KISSES NAPILITAN LANG BUMATI SA AKIN

Kisses Delavin-1

Nakakaloka nung Miyerkules ng hapon nang makipag-meeting ako kay Jeremy Marquez sa may Victorino’s diyan sa Quezon City. Itong baklang Gorgy, nag-CR siya tapos pagbalik niya bitbit na niya si Kisses Delavin. Nandun din pala sina Kisses kasama ang magulang niya na may ka-meeting din yata sila. Nag-hello naman siya sa akin, pero feel ko talagang parang hindi siya kumportable. Hindi siya lumapit para magbeso. Sumunod dun ang Mommy niya at sinabi ko namang okay na at ipinost ko namang tapos na yung isyu namin. Kaagad umalis na si Kisses…

Read More

P10-K IPINAGKALOOB SA CENTENARIAN NG NAVOTAS

Mayor Toby Tiangco

NAKATANGGAP ng cash gift mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan kamakailan sa lungsod. Personal na iniabot ni Mayor Toby Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay Teofilo Lopez, Jr. Ayon kay Mayor Tiangco, ang natatanggap na P10,000 na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014  bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod at sa lahat ng kanilang nagawa para sa Navotas. Bukod sa P10,000 regalo, si Lopez, sa…

Read More

‘PASAWAY’ NA VICE MAYOR BUMANAT KAY AÑO: TALISAY RESIDENTS MAMAMATAY SA TOTAL LOCKDOWN

Vice Mayor Charlie Natanauan Sr

MULING humirit si Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan Sr. hinggil sa ipinatutupad na total lockdown sa 11 bayan sa nasabing lalawigan na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Sa pagkakataong ito,  si DILG Secretary Eduardo Año naman ang kanyang kinuwestyon. Sa text message na ipinadala ni Natanauan, tatlong katanungan ang ipinasasagot nito kay Año. Unang tanong nito ay kung hanggang kailan ipatutupad ang total lockdown kasama na ang kanilang bayan ng Talisay. Aniya,  kung magtatagal ito, tuluyan nang mamamatay ang kanilang mga alagang hayop na naiwan sa kani-kanilang iniwang…

Read More

BAGONG KOMISYONER NG KWF SI CASANOVA

Arthur Casanova

Ang  may akda ng mga libro na si Arthur Casanova ay itinalaga bilang bagong commissioner ng  Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para  lengwaheng Tagalog. Si Casanova na isa ring  guro, linggwistiko, at direktor sa  teatro  ay magsisilbi bilang , full-time commissioner ng pitong taon.  Sinundan niya ang  National Artist para sa Literatura  na si Virgilio Almario. Bilang may akda , si Casanova ay nakasulat na ng 40 libro. Nakapagdirek siya ng 50 theater production. Si Casanova ay nakapagtapos ng  Bachelor of Secondary Education in Chemistry at Bachelor of Secondary Education…

Read More

PARANG BAKLA AKONG MAGMAHAL

MY FATTY VALENTINE

“Para akong bakla pag na-in love. Ibibigay ang lahat-lahat. Pero pag umayaw ako, you will never like me…” Hugot iyan ng 50-anyos na singer-comedienne na si Marissa Sanchez, nang makatsikahan namin sa Messenger kaugnay sa Valentine concert nila ni Eric Nicolas na My Fatty Valentine, na nakatakda sa Pebrero 14 nang 9:00 PM sa Km. 19, East Service Road, Sucat, Muntinlupa City. Expect Marissa to bare her soul in this show! And more! Aba! Hataw siya sa rehearsal ng dance number para sulit ang tiket na P1,000 sa concert. “This…

Read More

PANININGIL NG BUWIS SA BATANGAS SINUSPINDE

bir1

SINUSPINDE ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paniningil nito ng buwis sa buong lalawigan ng Batangas sa gitna ng pag-aalburoto ng bulkang Taal. Batay ito sa ipinalabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 7-2020 ni Internal Revenue Commissioner Caesar R. Dulay. Kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity ang Batangas at mayorya ng mga bayan at lungsod nito ay apektado. May deadline na hinahabol ngayong Enero para sa paghahain at pagbabayad ng income tax return sa BIR. “In view of the announcement of Batangas Gov. Mark Leviste, declaring the…

Read More

ASIA-OCEANIA OLYMPIC QUALIFIERS, WALA PANG VENUE

BOXING-1

IKINASA ng IOC Boxing Task Force ang panibagong petsa para sa Asia-Oceania Olympic qualifiers sa Marso 3-11. Pero hindi pa rin nadesisyunan kung saan ito gaganapin. Kinansela na ang naturang event sa Wuhan, China, na dapat sana’y gagawin sa Pebrero 3-14,  sanhi ng coronavirus outbreak. Dahil sa kanselasyon ng event sa Wuhan, ang Africa qualifiers na nakatakda sa Pebrero20-29 sa Dakar, Senegal na ang magiging una sa kalendaryo para sa 2020 Tokyo Olympic qualifying event. Ang Pilipinas ay nagpaabot na ng interes para tumayong host sa Asia-Oceania, kung saan tatlong…

Read More

KAHANDAAN NG GOBYERNO SA KALAMIDAD PINASISILIP

Sen Sherwin Gatchalian-3

SA kabila ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal, naghain si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon upang magkaroon ng isang pagdinig sa pagpapatupad ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 o Republic Act 10121. Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang gagawing pagdinig upang mapalakas ang kahandaan at kakayahan ng bansa sa pagresponde sa mga sakunang tulad ng pagputok ng Bulkang Taal. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mahigit limampu’t tatlong libong (53,716) pamilya sa Batangas, Quezon, Laguna, at Cavite ang naapektuhan ng…

Read More

PAGLALARO NI CRUZ SA GUAM, BAWAL

IPINAGBABAWAL ng Philippine Basketball Association (PBA) na ang isang player ng kasapi nitong team ay maglaro sa ibang koponan habang nakontrata pa ito, gaya sa kaso ni Jericho Cruz ng NLEX Road Warriors. Si Cruz ay kinuha para sa 24-man pool ng national team ng Guam para sa Fiba Asia qualifiers sa susunod na buwan. “Bawal talaga yan sa liga. Pero kung papayagan naman ng kanyang koponan, papayagan natin,” ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial. “Kailangan lang natin na may sulat mula sa mother team na pinapayagan nila ang player…

Read More