P10-K IPINAGKALOOB SA CENTENARIAN NG NAVOTAS

Mayor Toby Tiangco

NAKATANGGAP ng cash gift mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan kamakailan sa lungsod.

Personal na iniabot ni Mayor Toby Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay Teofilo Lopez, Jr.

Ayon kay Mayor Tiangco, ang natatanggap na P10,000 na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014  bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod at sa lahat ng kanilang nagawa para sa Navotas.

Bukod sa P10,000 regalo, si Lopez, sa ilalim ng ordinansa ng lungsod, ay makatatanggap din ng P1,000 buwanang allowance pagkatapos.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga Navoteño na simula Enero 1, 2020, ang nakatatandang mamamayan na nakatira sa lungsod ay tatanggap ng P500 NavoRegalo sa kanilang kaarawan.

Sa ilalim ng City Ordinance 2019-15 na naipasa noong Oktubre 14, 2019 na tinawag na “NavoRegalo Para sa mga Lola at Lolo” ay matatanggap ng mga senior citizen ang P500 sa kanilang kaarawan.

Upang maging kwalipikado para sa programa, ang isang aplikante ay dapat na rehistradong botante ng Navotas at may ID ng isang senior citizen na inisyu ng City Social Welfare and Development Office bago ang Hulyo 31, 2019. (ALAIN AJERO)

273

Related posts

Leave a Comment