SOLON: KOOPERASYON ANG PANLABAN SA CORONAVIRUS

REP GARIN

KOOPERASYON ng lahat ng mamamayan ang kailangan upang labanan ang Novel Coronarivus na patuloy na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang United States (US) at Russia. Ito ang mariing panawagan sa taumbayan ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin na naninindigan na sa pamamagitan lamang ng kooperasyon ay mapipigilan ang paglaganap ng nasabing mikrobyo. “Puwedeng maapektuhan ang mga Filipino. Maski ano ang dugo mo, lasa mo, posibleng kang maapektuhan nito because viruses do not recognize nationality. Kaya we need cooperation,” ayon kay Garin.…

Read More

LADY CHIEFS 3-0 NA!

NCAA women's volleyball tournament

PINATAOB ng defending three-time champion Arellano University ang Jose Rizal University, 25-19, 25-16, 25-17 para manatiling walang talo sa tatlong laro sa 95th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. May 12 points at 15 digs si Regine Arocha, 10 points naman mula kay Carla Donato at may eight points, kasama ang tatlong service aces si Princess Bello para sa Lady Chiefs. Kumamada ang Arellano ng 36 attacks, na bigong masalag ng Lady Bombers. “Kung kaya ninyong pigilin sa ibabaw, gawin natin,” lahad ni…

Read More

VOLUNTEERS FOR TAAL VICTIMS: UNITED AS ONE

Hindi pala kataka-taka  na pag may nangyayari sa paligid natin kahit pa nga hindi tayo involved ay affected tayo. Iyon human nature natin na pag meron nasaktan sa sakuna o kalamidad, pag meron tayong narinig na nangyari hindi puwede na hindi tayo apektado. Iyon heart tugging na mga pangyayari will always bring tears sa mga mata natin. You wonder sometimes why, pag meron balita ng sakuna o kalamidad, you cry with the victims. Siguro nga, wala naman tao na bato ang puso, siguro nga all of us are brothers, we…

Read More

TECHNOHUB WORKERS NANAWAGAN KAY DU30: ‘WAG SANA KAMING MAWALAN NG TRABAHO

TECHNOHUB-2

(SAKSI NEWS TEAM) HINDI pa man gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa lease contract sa pagitan ng Ayala Land Inc (ALI) at ng University of the Philippines (UP) ay aminado ang mga empleyado sa Technohub, partikular ang BPO workers, na nababahala sila sa sitwasyon at ngayon pa lamang ay nangangamba nang mawalan ng trabaho. “Sa mga nangyayari ngayon at sa mga nababasa mo, nakakatakot na baka isang araw magising ka na lang na wala ka na palang mapapasukan kasi ipinasara na,” pahayag ni Virmel Villareal, 31, nagtatrabaho sa Synnex-Concentrix, isang BPO…

Read More

PRODU-DIRECTOR KUMITA NG LIMPAK-LIMPAK

Atty Joji Alonso

Gumastos ang movie producer na si Atty. Joji Alonso ng P3.5M para sa (K)AMPON na nag-first shooting day na. Bida sina Kris Aquino at Gabby Concepcion sa nasabing film project. Naligwak sa MMFF 2019 ang nasabing horror project, kaya hindi na natuloy ang shooting niyon. In-invest na lang ni Atty. Joji ang pera niya sa pelikulang The Panti Sisters, na kumita ng limpak-limpak sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino. Blessing-in-disguise na na-shelve ang (K)AMPON. FIESTA SA KATAWANG LUPA NI MARCO SA NETFLIX Nasa Netflix na ang hit movie na Just…

Read More

30% NG MAGMA HINDI LALABAS SA BITAK – PHIVOLCS

Phivolcs Director Renato Solidum-2

AABOT pa rin sa tatlumpung (30) porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng malaking at mapanganib na pagsabog ang Bulkang Taal sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Sinabi ni PHIVOLCS Undersecretary Renato Solidum Jr., mayroong namo-monitor na bagong magma sa ilalim ng main crater ng bulkan bagaman wala ng usok at bumababa na rin ang mga naitalang volcanic quakes. Ani Solidum, kahit 30-porsiyento na lang ang tinatawag na probability nang pagsabog, mataas pa rin ang antas ng bantang ito lalo na sa mga nasa loob ng…

Read More

MIKA REYES, TUMALON SA STA LUCIA

MIKA REYES

TIYAK na mas palabang Sta. Lucia Lady Realtors ang mapapanood sa 2020 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix matapos nilang kunin ang serbisyo ng middle blocker na si Mika Reyes. Ang 25-anyos na si Reyes ay five-time PSL champion at isa sa key players ng Petron Blaze Spikers. Inaasahang malaki ang maitutulong ng pagdating niya sa Sta Lucia, na hindi pa nananalo nang sumali sa liga noong 2017. Hanggang eighth-place finish lang ang naabot ng Lady Realtors  sa import-flavored conference na magsisimula sa susunod na buwan. Isang malaking challenge naman para…

Read More

KATHRYN: ‘MEDYO PRIVATE KAMI AS A COUPLE!’

Malaki ang pasasalamat ni Kathryn Bernardo sa lahat ng tagahanga at netizens na nag-subscribe na sa kanyang sariling YouTube channel na ‘Everyday Kath.’ Kahit dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang simulan ng aktres ang naturang channel ay mayroon na itong mahigit isang milyong subscribers. Nakatanggap na rin  ng ‘Silver Play Button’ o parangal mula sa pamunuan ng YouTube si Kathryn. “Oo nga eh, kinikilig nga ako eh. Kasi siyempre sobrang baguhan ako sa mundo na ‘yan,” nakangiting bungad ni Kathryn. Ayon sa aktres ay talagang naisipan niyang magkaroon ng…

Read More

MGA PINOY ININSULTO NG IBON FOUNDATION

MALINAW na pang-iinsulto sa mga Filipino ang naging pahayag ng iBON Foundation at ng ilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon na umanoy nabibigyan lamang daw ng maling datos o impormasyon ang publiko kayat nakakuha ng +72 points o excellent net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa survey ng Social Weather Stations bago matapos ang 2019. Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, matalino at marunong  kumilatis at mag-analisa ang mga Filipino hinggil sa kung ano at alin ang totoo at maling impormasyon na kanilang natatanggap. Ayon kay Andanar, mas mainam na…

Read More