ISDANG TAAL, LIGTAS KAININ – BFAR

ISDA-10

PINAWI ng isang ahensya ng gobyerno ang labis na pangamba ng mga residente sa Taal Island sa Batangas dahil sa ibinabalang hindi ligtas kainin ang mga isda roon kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal noong January 12, 2020. Pero sa ipinalabas na abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ligtas kainin ang mga isda mula sa lawa ng Taal. Ayon sa BFAR, nagsagawa sila ng laboratory analyses sa tubig at fish samples sa Taal Lake at lumitaw na ligtas kainin ang mga ito. Subalit kailangan muna umanong matiyak…

Read More

“THANK YOU, MRS. MARCOS”

PAGKATAPOS ng welcome remarks ni Ms. Margarita Moran Florendo, CCP Chairperson, sa pa-dinner noong Enero 15, 2020 para parangalan ang Cultural Center of the Philippines Founding chairman na bahagi ng selebrasyon ng 50th anniversary ng CCP, ay sinundan ito nang pagtayo na may masigabong palakpakan ng mga panauhin nang sabihin ni Miss Universe 1973 ang “Thank You, Mrs. Marcos”. Ilang minuto rin ang naging palakpakan ng mga kaibigan ng mga Marcos. Pati na ang mga malalapit na mga kaibigan.. Isa pang pinalakpakan nang husto ay ang pahayag ng presidente ng…

Read More

MULTA SA MAGBEBENTA NG YOSI, ALAK SA MINORS

yosi

SAKALING maisabatas ang panukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, pagmumultahin ng P500,000 at makukulong ng hanggang 12 taon ang sinomang mapatutunayan na nagbebenta ng sigarilyo, alak at vape products sa menor de edad. Sa pahayag, sinabi ni Recto na nakapaloob ito sa Senate Bill No. 1208 na kikilalanin bilang Protection of Minors from Sin Products Act, upang protektahan pa ang mga bata sa hazards ng alcohol at produktong tabako kabilang ang vapor products. Ayon kay Recto, kahit may umiiral na batas tulad ng Tobacco Regulation Act of 2003 at…

Read More

PELIGRO NG KARBON MAS MALALA SA ASHFALL

coal-fired power plants

MAS mapanganib at nakamamatay ang polusyon na ibubuga ng  ‘coal’ o karbon kumpara sa ‘ashfall’ na nagmumula sa mga pumuputok na bulkan. Ganito ikinumpara ng mga environmentalist ang ashfall sa Taal na may sangkap lamang umano na PM 10 at sulfur dioxide, habang ang mga planta ng coal ay may  PM 2.5, na may maliliit na butil na mas mapanganib at nakamamatay dahil may iba pang nakalalasong sangkap na carcinogenic, mercury at arsenic. “For communities living near the twenty-nine coal-fired power plants currently operating in the Philippines, particulate matter, toxic…

Read More

PINOY BINALAAN SA PAGPASOK NG MEAT PRODUCTS SA KOREA

DAF12

MAHIGPIT ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nagnanais pumunta sa South Korea na sumunod sa batas doon na nagbabawal sa pagdadala ng animal at livestock products. Ayon sa DFA, mayroong malaking multa at pagbabawalan na muling makapasok sa South Korea ang sinumang mahuhuling lalabag sa nasabing batas. Ipinag-uutos din ng Embahada ng Pilipinas na agad dalhin upang ideklara ang mga dalang animal at livestock products sa quarantine office sa port of entry para hindi maharap sa multang 10 million Korean Won o mahigit P430,000.…

Read More

TITULO DEDEPENSAHAN NI TADURAN SA MEXICO

Pedro Taduran

NAKATAKDANG umalis ngayong weekend patungong Mexico si International Boxing Federation (IBF) mini-flyweight champion Pedro Taduran para sa first title defense niya sa susunod na buwan. Makakalaban ng 23-anyos na si Taduran si challenger Daniel Valladares sa isang 12-round bout sa Guadalupe, Nuevo Leon sa Pebrero 1. Si Taduran, may 14-2 win-loss record na may 11 KOs ay nakatakdang umalis sa bansa sa Sabado kasama ang kanyang chief handler na si Art Monis at lead trainer at ex-world champion Tacy Macalos. Nagpahayag ng kumpiyansa si Monis na mananalo ang kanyang alaga…

Read More

MIGHTY PALABAN KAHIT WALANG ‘KAI’

Mighty Sports Philippines team

SISIMULAN sa Biyernes ng Mighty Sports Philippines team ang kampanya sa 2020 Dubai International Baskeball Tournament laban sa UAE National Team nang walang Kai Sotto sa lineup. Ito’y matapos ihayag kahapon na nabigo ang koponan na makuha ang serbisyo ng 7’2” player, na nauna nang naghayag ng kagustuhang makasama sa nasabing torneo. “The Mighty Sports – Creative Pacific Team assures its supporters in the Philippines and the Filipino community in Dubai that this development was beyond its control and this sudden change of circumstances with Kai’s non-inclusion will not affect…

Read More

RED BOOTERS NANGIBABAW SA 95TH NCAA MEN’S FOOTBALL

95th NCAA men’s football tournament

INAGAW ng San Beda ang unang pwesto nang talunin ang Mapua, 2-0 sa 95th NCAA men’s football tournament, Lunes sa Rizal Memorial Stadium. Unang naka-goal si Jimmar Castillo sa 7th minute at sinundan ni Rosi Sumudivila sa 16th minute para ilista ang kanyang ikaapat na goal sa season at ihatag sa Red Booters ang anim na puntos sa torneo. Ang San Beda at College of St. Benilde, na bumokya sa Letran, 10-0 ay parehong may six points, pero mas lamang ang Mendiola-based squad sa goal difference. Nauwi naman sa scoreless…

Read More

MANILA, HOST NG 2020 FIBA 3X3 WORLD TOUR

Ronald Mascariñas-2

MULING tatayong punong abala ang Pilipinas ng World Tour leg ng FIBA 3×3. Napag-alaman na ang Manila ang magiging host ng 2020 FIBA 3×3 World Tour season, sa pamamagitan ng Chooks-to-Go Manila Masters sa Mayo 2-3 sa SM Megamall Fashion Hall. Ito ang ikatlong beses na tatayong host ang Manila, matapos ang level-10 event noong 2014 at 2015. “Last year, 3×3 basketball once again entered the collective consciousness of the Filipino people,” lahad ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas. “We had three conferences in our local league while…

Read More