KASIYAHAN, PAGKAIN AT MODA NG ANTIQUE TAMPOK SA PHL HARVEST

Antique-1

Ang Philippine Harvest ay muling nagbabalik para sa kanilang ikapitong edisyon kung saan itatampok nito ang mga ipinagmamalaki ng lalawigan ng Antique. Ang Philippine Harvest ay proyekto ng Department of Tourism (DOT). Kasiyahan, pagkain at moda ng Kanlurang Visaya na kilala rin sa kanilang industriyang pag-hahabi ang siyang bibida sa Central Square sa Bonifacio Global City para sa tatlong-araw ng sustainable food at travel fair. “For this edition of Philippine Harvest, the spotlight will be put on our indigenous textile. These fabrics made from cotton, piña, and abaca are important…

Read More

UNSPOILED PLACES SA PILIPINAS NA MASARAP DAYUHIN

Kalanggaman Island

Isa sa mga lugar na dapat puntahan ng isang tunay na manlalakbay ay ang lugar na hindi pa talaga nadadayo ng maraming tao o ang unspoiled places. Sa unspoiled places, mararamdaman ninyo na tila kayo mismo ang nakadiskubre ng lugar o kaya naman kayo ang isa sa mga naunang nakaranas ng mga bagay-bagay rito. Ito ang bagay na talagang hindi ninyo mapagsisisihan kung bakit ninyo ito sinadya. Ito ang dalawa lamang sa mga lugar na masarap puntahan sa ‘Pinas: KALANGGAMAN ISLAND Matatagpuan ito sa Palompon, Leyte. Napakaganda ng isla na…

Read More

3 POULTRY FARMS ‘WAG TANTANAN

PUNA

Hindi dapat tumigil ang Sanitation Health Department ng San Miguel, Bulacan laban sa inirereklamong tatlong poultry farms na malangaw sa Brgy. Calumpang sa nasabing bayan. Hindi na mawala-wala ang dami ng langaw na nagmumula sa RTV-VTV 28 farm, J2 Plus farm at BIGA farm. Tuwing makalipas ang 28-araw ay nagha-harvest ang mga poultry farm na ito. Kaya naman sobrang daming langaw na napupunta sa mga kabahayan na mga katabi nito. Hindi po sabay-sabay nagha-harvest ang mga farm na ito kaya hindi na nawawalan ng langaw sa mga kabahayan. Matatagpuan po…

Read More

TAGUMPAY VS TERORISMO

FOR THE FLAG

Maiging mapag-aralan ang ugat ng terorismo sa Pilipinas upang nang sa gayon ay malunasan na ito at hindi na muling lumitaw pa sa ating bansa. Ang terorismo ay pandarahas upang makamit ang minimithing karaniwan ay hindi pinaniniwalaan ng mga mamamayan at taliwas sa sangkatauhan. Naging kasangkapan ang terorismo, ang paghahasik ng lagim, upang makamit ang makasariling interes o upang itulak ang baluktot na paniniwala. Tunay na ang karahasan ay natural sa tao. Salat sa katwiran ang mga naghahasik ng terorismo, salat sa dunong ang mga nangdadahas, salat sa pang-unawa ang…

Read More

CLEANING TIPS PARA SA ATING TAHANAN

HOUSE CLEANING

Kung sa mga gawain lamang, marami tayong magagawa sa loob ng ating mga tahanan. At sa gawaing-bahay, kailangan talaga natin dito ang sapat na oras at hindi ‘yong madalian para ang resulta nito ay maging kaaya-aya. Saan mang kuwarto sa bahay ay may mga mahahanap tayong hindi normal, hindi maganda o wala sa ayos pero mareremedyuhan naman kung gugustuhin natin. Alamin natin ang mga bagay na ito. MALABONG MGA BASO Mayroong built-up film na nababalot sa mga baso lalo na kung matagal na ito o nalipasan na ito ng panahon.…

Read More

NAPABAYAAN NG GOBYERNO

DPA

ISA sa malapit sa puso ko ay ang pagsasaka dahil nagkaisip ako sa probinsya (sasabihin ko sana lumaki pero hindi naman ako masyadong lumaki) kung saan ang pangunahing hanapbuhay ay nasa bukid. Mula nang magkaisip ako, wala akong nakitang magsasaka na umasenso maliban lang doon sa mga may malalawak na sakahan kaya maraming kabataan o halos lahat na ng kabataan ngayon ay walang planong sundan ang kanilang magulang sa pagsasaka. Hindi ko masisisi ang mga kabataan kung aayawan nila ang bukid dahil nakikita nila ang hirap sa pagsasaka at pagkatapos…

Read More

SOLGEN CALIDA TAGAPAGTANGGOL NG POGO

BADILLA NGAYON

MAGKAKASALUNGAT talaga mag-isip at mag-interpret ng batas ang mga abogado. May kanya-kanya silang pananaw o opinyon sa iba’t ibang kaso. Intindido ko ang usaping ‘yan dahil kung naging abogado ako, siguradong iba rin ang opinyon ko sa ibang abogado. Ang hindi ko maintindihan at nakaaalarma ay ang ginawa ni Solicitor General Jose Calida na pagtatanggol sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi raw dapat nagbabayad ng buwis ang mga kompanyang bahagi ng industriyang ito at ang kanilang mga empleyado. Mayorya ng mga negosyante sa POGO ay mga Intsik. Sa…

Read More

IBA’T IBANG SAKIT SA BLADDER

Bladder-1

PREVENTION is better than cure. Tandaan na ang anumang uri ng karamdaman ay napapagaling agad at hindi magiging pahirap kapag agad na naagapan at hindi pa malala. Huwag nating hintayin na saka lamang tayo aaksyon kung kailan huli na ang lahat. Mainam kung huwag nang pairalin ang hiya o takot at sa halip ay agad na magpakonsulta sa doktor dahil para rin naman ‘yan sa inyong kapakanan, bukod sa sila ang higit na makatutulong sa inyo. ‘Ika nga, iwasan natin ang self-medication. At para sa inyong kaalaman, narito ang ilang…

Read More

BATAS VS TEENAGE PREGNANCY ITINUTULAK NI REP. NOGRALES

Rep Fidel Nograles-4

(Ni KIKO CUETO) ITINUTULAK ng isang mambabatas ang panukalang batas na naglalayong turuan ang mga kabataan na mabigyan ng “sapat at komprehensibong impormasyon na makatutulong sa kanila para umiwas sa maaga at hindi sinasadyang pagbubuntis.” Sa House Bill 5516 o kilala bilang “Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2019”, hihikayatin din ang mga nabuntis na kabataan na magbalik sa pag-aaral nang walang anumang mararanasang diskriminasyon. “Para du’n sa mga da­ting mahirap, ang pagbabalik sa pag-aaral ay hindi na isang mahalagang pagpipi­lian at ang paghahanap ng trabaho ang alternatibong mas pinagtutuunan para mabuhay,” ani Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles. “Kapag walang edukasyon at kasanayan, nangangahulugan ito ng mababang sahod at…

Read More