BAKIT NAKARARANAS NG PULIKAT?

PULIKAT

Ang pulikat na muscle spasm o muscle cramp sa Ingles ay ang paninikip ng mga kalamnan sa isang espesipikong parte ng ating katawan. Ito ay kadalasang masakit at mas masakit habang tumatagal. Ito ay maaaring humantong sa iba’t iba ring sintomas. Agad naman itong nawawala sa karaniwang kaso pero maaa­ring magtagal bilang sensyales na dapat na itong ipaeksamin sa doktor. MGA SANHI NG PULIKAT Maraming klase ng pulikat at ito ay nakadepende sa predisposing factor (o bagay na nakaapekto), parte ng katawan na involved at nasasaktan. Nangyayari ang pamumulikat kapag…

Read More

SSS PENSION NG ASAWANG NAMATAY MAAARI BA’NG ISALIN?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, nais ko pong humingi ng payo ukol sa SSS pension ng aking namatay na asawa kasi minsan ninyong natulungan ang aking manugang na namatay sa pamamagitan ng inyong kolum. Kasalukuyan po kaming naninirahan sa Bayan ng Bacolod City, Negros Occidental. Matagal po kaming nagsama ng aking asawa at nagbunga ang aming pag-iibigan. Nang mamatay siya ay doon na pumasok ang aking problema. Hindi ko po alam na may unang asawa siya. Kasal sila at may mga anak. Inilihim niya sa akin ito nang matagal na panahon pero natuklasan ko rin sa huli.…

Read More

UMUNAWA TAYO

SA TOTOO LANG

Ayon sa statement ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magsisimula sa araw na ito ang tatlong araw na pansamantalang pagliban ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo. Ang balita rin namang iyan ay galing mismo kay Senador Christopher “Bong” Go, ang dating top aide ni Duterte. Nais kasi ng pangulo na makapagpahinga nang maayos dahil mayroon itong iniinda. Bilang mamamayan ay huwag na muna tayong gumuhit ng espekulasyon. Doktor na rin ni Pangulong Duterte ang nagtagubilin sa kanya na kailangan niyang magpahinga. Pinagbasehan ng doktor ang iniindang muscular spasm ng pangulo kasunod…

Read More

INTELLIGENCE NETWORK PINALAKAS NG BOC

BRAVO

SUNUD-SUNOD ang na­ging accomplishments ng Bureau of Customs sa iba’t ibang panig ng bansa bunga ng pinalakas na intelligence network ng ahensiya. Bago maupo si Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa Customs, sirang-sira ang pangalan ng ahensiya dahil sa mantsang iniwan ng kanyang pinalitan kaya naman nang maupo ito bilang hepe ay kanyang hinikayat ang  mga tauhan nito na sumama at makiisa sa kanyang paglilinis ng ahensiya o lumayas kung hindi kayang gampanan ang tungkulin na nakaatang sa kanila. Kaya naman, mabilis ang pagbabagong naganap sa iba’t ibang tanggapan ng BOC…

Read More

P40.8-M SHABU NAKUMPISKA

SHABU-19

(Ni Joel O. Amongo) Napigilan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) sa pamumuno ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo “Jagger”  Guerrero ang tangkang pagpupuslit sa bansa ng isang pinay ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P40.8 milyon nitong Biyernes, Nobyembre 8 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Batay sa ulat, ang suspek na si Marie Rusol, 28, ay pasahero ng flight 5J258 mula sa Siem, Reap, Cambodia na lumapag sa Terminal 3 ng NAIA na may bitbit na back pack na naglalaman ng Methamphetamine hydrochloride o…

Read More

KARGAMENTO SA PORT OF NAIA LUSOT NA SA BUWIS DAHIL SA DOOR-TO-DOOR

IMBESTIGAHAN NATIN

Hindi na pumapasok sa kaban ng bayan ang buwis na dapat sana ay nagagamit ng pamahalaan para sa mga programa at proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malawakang pagpapalusot ng mga kargamento sa Bureau of Customs (BOC). Direkta na itong pumapasok sa bulsa ng mga tiwa­ling kawani ng BOC sa pamamagitan umano ng malawakang sabwatan. Batay sa ipinaabot na impormasyon sa SAKSI Ngayon Reportorial Team, ginagamit ng mga ‘Tara Boys’ ang door-to-door na estilo upang makopo ang buwis na dapat sana ay direktang ipinapasok sa kaban ng pamahalaan. Napag-alaman…

Read More

PAGTUGON SA WATER CRISIS DAPAT NAAAYON SA BATAS

FORWARD NOW

Ang Pilipinas, partikular ang Metro Manila, ay nakararanas ng krisis sa tubig na kailangang mabilis na maaksiyunan; ito ay hindi pinag-uusapan. Subalit ang anumang solusyon na gagawin ng gobyerno ukol dito ay dapat naaayon sa batas. Naging mainit na usapin ito matapos na maglabas ng advisory ang water concessionaires na Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services, Inc. na re­gular silang magpapatupad ng rotational water service interruptions sa kalakhang Maynila. Hindi natin itinatanggi na wala tayong krisis sa tubig. Pero kung anuman ang hakbang na gagawin dito ay kailangang alinsunod…

Read More

BALIKBAYAN BOXES MAAARI NANG MA-MONITOR GAMIT ANG BOC TRACKING SYSTEM

HAGUPIT NI BATUIGAS

Isang magandang balita para sa mga kababayan nating nasa ibang bansa  sa inihayag ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na kung saan maaari nang mamonitor ang mga ipinapadalang Balikbayan Boxes sa bansa. Ang kanilang Bureau of Customs Parcel Tracking System ay madali na nilang mati-trace kung nasaan na ang kanilang mga ipinapadalang parcel sa bansa. Ayon kay Customs Assistant Commissioner, Atty. Vincent Maronilla, inihahanda na rin nila ang kanilang system lalo’t malapit na ang Christmas season dahil siguradong dadagsain sila ng balikbayan boxes. Kumpiyansa naman si Maronilla na magi­ging…

Read More

MABILISANG PAGKILOS UPANG SAKUNA AY MAIWASAN

Sa Ganang Akin

Naudlot ang mahimbing kong pagtulog noong Huwebes ng umaga dahil sa aking naramdamang lindol. Biruin mo, ang 5.5 magnitude na lindol na ito na ayon sa NDRRMC ay tumama sa Jomalig, Quezon, ay aking na­ramdaman sa aming condominium unit sa may Pasig. Buti na lang at walang nasawi dahilan sa nasabing lindol, hindi katulad noong mga tumama sa Cotabato City at Kidapawan City. Nagdulot din ng pagguho ng mga gusali sa Soccsksargen at Davao ang mga lindol na ito sa Mindanao, dahilan para mawalan ng tirahan ang humigit sa 35,000…

Read More