ILEGAL NA SUGAL HAMON KAY GEN. DANAO

HAGUPIT NI BATUIGAS

Malaking hamon sa liderato ni Region 4-A director Brig. Gen. Vicente Danao ang naglipanang ilegal na sugal sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON). Matatandaan na sa unang araw pa lamang ng kaniyang pagkakatalaga bilang kapalit ni Brig. Gen. Edward Carranza, hinika­yat niya ang hanay ng kapulisan sa CALABARZON na tumulong upang ipatupad ang mga programang kinabibilangan ng Anti-Criminality; Anti-Corruption at Anti-Illegal Drugs na siya ring prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Subalit sa kabila ng ‘No Take Policy’ na iniutos ni Danao, nabalitaan natin na pa­tuloy pa rin ang operasyon ng mga…

Read More

LIBONG MGA BULAKENYO LUMAHOK SA ‘TAKBO PARA SA KALIKASAN 2’

HAGUPIT NI BATUIGAS

Libu-libong mga Bulakenyo ang nakibahagi para sa “Takbo Para Sa Kalikasan 2” upang ipakita ang kanilang suporta sa pag-rehabilitate ng Manila Bay. Ang okasyon ay pinangunahan ni Gover­nor Daniel Fernando at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan na ginanap kamakalawa sa Bulacan Sports Complex. Ang nasabing okas­yon ay dinaluhan din nina Senadora Cynthia Villar; bilang speaker, DENR Undersecretary Benny Antiporda; DILG Assistant Secretary for special concerns Marjorie N. Jalosjos; PCOO Assistant Secretary Ramon Cualo­ping, III; at National Youth Commission (NYC) chairperson Ryan Enriquez. Ayon kay Jalosjos, ang nasabing programa ay inorganisa ng DILG sa pakikipagtulungan ng DENR at Bulacan government at iba pang…

Read More

BALIKBAYAN BOXES MAAARI NANG MA-MONITOR GAMIT ANG BOC TRACKING SYSTEM

HAGUPIT NI BATUIGAS

Isang magandang balita para sa mga kababayan nating nasa ibang bansa  sa inihayag ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na kung saan maaari nang mamonitor ang mga ipinapadalang Balikbayan Boxes sa bansa. Ang kanilang Bureau of Customs Parcel Tracking System ay madali na nilang mati-trace kung nasaan na ang kanilang mga ipinapadalang parcel sa bansa. Ayon kay Customs Assistant Commissioner, Atty. Vincent Maronilla, inihahanda na rin nila ang kanilang system lalo’t malapit na ang Christmas season dahil siguradong dadagsain sila ng balikbayan boxes. Kumpiyansa naman si Maronilla na magi­ging…

Read More

MGA OPISYAL NG DOTr, HANDANG IBIGAY ANG KANILANG 14TH MONTH PAY

HAGUPIT NI BATUIGAS

SALUDO tayo kay Department of Transportation Secretary Art Tugade at sa kanyang mga tauhan dahil nakahanda silang ibigay ang kanilang 14th month pay sa mga kababayan nating nasalanta ng lindol sa Mindanao. Ayon kay Secretary Tugade, napagkasunduan nilang ibigay ang kanilang 14th month pay para sa mga nasalanta ng lindol. Kabilang pa sa mga magdu-donate ay ang kaniyang management team na binubuo ng lahat ng undersecreta­ries, assistant secreta­ries at mga pinuno ng attached agencies. Katunayan ng kanilang pagkakaisa ay umabot na umano sa P1.2 milyon ang kanilang nalikom dahil sa…

Read More

GOVERNOR DANIEL FERNANDO, HINDI MAAWAT SA PAGBIBIGAY-SERBISYO SA MGA BULAKENYO!

HAGUPIT NI BATUIGAS

GAYA ng kanyang ipinangako na ilalapit ang Kapitolyo sa mga mahihirap na Bulakenyo ay pinanindigan at tinupad ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang kanyang pangako na hindi na mahihirapan pang pumila, pumunta sa kanyang bahay at sa kanyang tanggapan ang mga tao dahil siya na mismo ang lalapit sa mga ito para magbigay ng tulong medikal at pinansiyal sa kanyang mahal na kababayan. Sunud-sunod ang isinasagawang medical mission ng Damayang Filipino Foundation Inc. sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan upang masiguro na nabibigyan ng tulong-medikal at pinansiyal ang…

Read More

OBESE NA MGA PULIS DAPAT MAG-DIET!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Noong panahon ni dating PNP chief Director General at ngayon ay Senador Panfilo “Ping” Lacson ipinag-utos nito sa lahat ng mga tauhan ng pulisya na sumailalim sa training para maging maliksi, malusog at epektibo sa pagpapatupad ng batas. Napag-aralan nang husto noon ni Lacson na marami sa mga pulis ang hindi na halos makapagtrabaho dahil sa sobrang katabaan at hindi makahabol sa mga kriminal sa oras ng may responde kaya ni-require nito ang 40 inches waistline sa lahat ng mga pulis. Maraming mga pulis na matataba noon ang nahirapan na…

Read More

‘ROSEBEE’ NAGLATAG NG GAMBLING EMPIRE SA KAHARIAN NI MAYOR CARMELO LAZATIN, JR.?

HAGUPIT NI BATUIGAS

MATINDI ang direktiba nina Officer-In-Charge Philippine National Police Chief Lt. General Archie Gamboa at National Capital Region Police Office director Brig. Gen.  Director Debold Sinas sa lahat ng mga tauhan ng pulisya na paigtingin ang kampanya laban sa illegal gambling operation sa buong bansa. Sa direktiba ni General Sinas, kanyang sisibakin sa puwesto ang sinumang pulis na mahuhuling nagtutungo sa mga night club at nagbibigay ng proteksiyon sa mga ilegal na pasugalan. Ibig ni Sinas na malinis ang imahe ng mga pulis sa Metro Manila kaya parurusahan niya ang mga pulis na lalabag sa…

Read More

TAMBALANG GOB. DANIEL FERNANDO AT VG WILHELMINO SY-ALVARADO, HINDI MATITINAG!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Marami ang nag-iintriga sa magkapartner at magkasanggang-dikit na sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na maghihiwalay daw ang dalawa, kesyo maglalaban daw ang mga ito sa mga hinaharap na panahon. Makailang beses nang ipinaliwanag ni Fernando na maganda ang kanilang samahan ng kanyang partner na si Alvarado at wala sa kanilang bukabularyo na sila ay mag-aaway at maghihiwalay. Pinabulaanan din ni Fernando ang mga intriga na si Alvarado umano ang nagpapatakbo ng Kapitolyo. “Uulitin ko, maayos ang aming pag-uusap ni Willy, nagkakasundo kami at nag-uusap kami…

Read More

PANDI HOG RAISERS, UMAPELA NG TULONG; MAYOR RICO ROQUE, NAMUMULITIKA?

HAGUPIT NI BATUIGAS

Lubhang apektado na umano ang mga nego­syante ng baboy sa ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) partikular sa bayan ng Pandi kung saan nanawagan ang mga ito ng suporta sa pamahalaang lokal subalit tila hindi sila pinapansin ng kanilang alkalde. Ayon sa grupo ng Livestock Raisers of Pandi, tulungan silang makabangon dahil lubha na silang naapektuhan ng ASF makaraang sunud-sunod na tamaaan ng virus ang mga alagang baboy. Kinumpirma naman ni Mayor Rico Roque na may isang farm sa Brgy. Baka-Bakahan ang…

Read More