(Ni ANN ESTERNON) Sa halos pagbubukas pa lamang ng klase ng mga bata sa paaralan, ang palaging iniisip ng mga magulang ay kung paanong magiging alerto at matalino o kaya’y maging productive ang kanilang mga anak. Iiwas ang mga bata sa electronic gadgets. Hindi sila kailangang maging electronic overload. Sa mga ganitong bagay ay nauubusan sila ng panahon para sa activities na dapat sana ay makakapag-develop ng galaw ng kanilang mga utak at magpapalakas sa kanilang mga katawan. Patunay sa maraming pag-aaral na kapag ang bata ay lantad nang husto…
Read MoreAuthor: admin
RETENTION NG CONTRACTOR NASA P.5 MILYON
Misyon Aksyon, nabasa ko po ang kolum ninyo sa SAKSI Ngayon noong June 8, 2019 na may titulong “Retention ng sub-contractor ibalik.” Totoo po, katunayan nais ko ring magreklamo dahil malaki rin ang back fee retention ko mula nang umpisahan ang pabahay ng gobyerno noong 2016 na ang developer ay ang Atlantica Realty Development Corporation. Totoo po, wala pa ka¬ming natatanggap na 10% retention at clean up retention na kinaltas mula sa aming lingguhang billing ng aming weekly accomplishment sa bawat unit na a¬ming kontrata na labor basis. Halos lahat…
Read MoreMAKABAGONG AMA
NakaMamanghang isipin kung paanong binago ng panahon ang pagdiriwang ng Father’s Day dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang sulok ng mundo. Hindi lang pamamaraan sa pagdiriwang ang nagbago, maging ang bahaging ginampanan nila sa pamilya at lipunan ay naging progresibo. Dati-rati, ang pagbati ay natatanggap nang personal, sulat-kamay na mga liham, tawag sa telepono, o kaya naman ay isang malikhaing scrapbook. Tatapusin ang pagdiriwang sa paboritong kainan o sa masarap na salu-salo sa tahanan. Sa kasalukuyan, matatanggap na ang mga pagbati sa pamamagitan ng social media gamit ang napiling larawan o isang video clip.…
Read MoreBAKIT WALANG MAAARING IKASO KAY APOLINARIO?
Bago pa pumutok itong isyu tungkol sa KAPA (Kapa Community Ministry International) ay naging bahagi na ito ng ating kolum noon pang Pebrero. Noon pa man ay alam na natin na puputok ito gaya ng iba pang mga pyramiding scam. Ang kaibahan lang ng scam ng KAPA ay mas sopistikado ang ginawang panloloko nitong si Joel Apolinario na siyang utak sa likod ng naturang grupo. Ito ang dahilan kung bakit kahit harap-harapan nang niloloko ang mga miyembro nito ay todo pa rin ang ginagawang pagtatanggol sa kanya. Alam ni Apolinario…
Read MoreACUTE GASTROENTERITIS: NAKAMAMATAY
Base sa pinakahuling balita, sumampa na sa 4,773 o tumaas sa 75 porsyento ang naitatalang kaso ng acute gastroenteritis sa lalawigan ng Pangasinan. Ang masakit dito ay umabot na sa 26 pasyente ang nabawian ng buhay dahil sa nasabing sakit. Tumaas ang bilang ng mga pasyente nito kumpara sa naitalang kaso noong parehong mga buwan noong nakaraang taon. Sa pahayag ng Pangasinan Provincial Office, isa sa mga posibleng dahilan ng lumalalang kaso ng acute gastroenteritis ay dahil sa pabagu-bagong lagay ng panahon dahilan para agad na masira o mapanis ang…
Read MorePOLICE ATTACHÈ DAPAT ITALAGA SA EMBAHADA SA KUWAIT
Taong 2007, ay nakausap ko ang dating Ambassador sa Kuwait na si Amb. Ricardo Endaya. Bilang pinuno o chairman ng Filipino Badminton Committee sa Kuwait ay personal kong ipinarating sa kanya ang bawat kahilingan ng kapwa ko OFWs sa Kuwait. Noon ay halos mapuno ang OWWA shelter sa Jabriya dahil sa rami ng distressed OFWs. Kaya aking personal na ipinarating sa kanya ang pagkabahala kaya isa sa aking mungkahi ay ang pagkakaroon ng DSWD Attaché na may kasanayan sa pagbibigay ng counselling at emotional debriefing upang matulungan ang mga biktima…
Read More‘MAY BALIK SA PLASTIK’
May magandang patutunguhan itong naging inisyatibo ng pamahalaang lokal ng Valenzuela City sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian na nakipag-partner sa Nestlé Philippines Inc. at CEO nito na si Mr. Kais Marzouki nang kanilang i-launch kamakailan ang ‘May Balik sa Plastik!’ project. “One of the big sources of waste are the laminates and tetra packs. These are the things that we want to recover back to the system for reuse and repurpose so we can actually lessen the trash volume of the city,” ani Mayor Gatchalian. Ani Marzouki: “None of…
Read MorePNP OFFICIAL SIBAK SA “DIRTY” STATION
Parang isang malaking oo na dapat tawaging “dirty” station ang anumang police stations kapag ito ay nagmukhang tapunan lamang ng mga basura. Isang “dirty” station kasi ang nadatnan kamakalawa ni NCRPO PMajGen Guillermo Eleazar nang gumawa ito ng isang surprise inspection sa isang Police Community Precinct 1. Ang kinahinatnan ng surprise visit ni Sir Eleazar ay sorpresa rin sa lahat. Nasibak lang naman ang kumander dito. Nakakahiyang bumulaga rin sa isang mataas na opisyal ng Philippine National Police na may mga upos ng sigarilyo, balat ng candies, mga plastic bottle…
Read MoreBOC-LANDBANK BRANCH BUKAS KAHIT SABADO NGAYONG BUWAN NG HUNYO
(Ni JO CALIM) Bukas ang Landbank BOC-Port of Manila Tellering Booth sa lahat ng araw ng Sabado ngayong buwan ng Hunyo. Ito’y bilang tugon sa kahilingan ni Atty. Rhea Gregorio, District Collector ng Bureau of Customs Port of Manila sa pamunuan ng Land Bank of the Philippines. Sa ipinadalang sulat ni Atty. Gregorio kay Jennifer Delloro, head, South Harbor Branch ng LandBank na petsang Mayo 20, 2019 hiniling nito na buksan para sa kanilang mga stakeholders ang over-the-counter (OTC) transactions ng BOC sa lahat ng Sabado ngayong buwan na kinabibilangan…
Read More