AUSTRALIAN NAGPASOK NG SEX TOYS SA PINAS BLACKLISTED SA BI

bureau of Immigration-2

(Ni Joel O. Amongo) Isinailalim na sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian na nagpasok ng mga sex paraphernalia sa Pilipinas kamakailan. Sa report, nakasaad na noong Marso 16,  2019, dumating sa Pilipinas si  Timothy Philip Coleman na may Australian Passport No. PA5891588 sakay ng China Southern Airlines na may flight no. CZ8373 mula Guanzhou, China. Dala umano ng dayuhang Australyano ang maraming  sex paraphernalia na kinabibilangan ng mga vibrators, dildos, lubricants, at iba pa. Nakumpiska ang mga ito ng Customs Examiners na nakatalaga sa Passenger Service,…

Read More

UNDECLARED GOODS NASABAT NG BOC, BITBIT NG ISANG HAPON

UNDECLARED GOODS

Iba’t ibang  ‘undeclared goods’  na bitbit ng isang pasaherong  Hapon ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs  na dumating sa Sub-Port ng Mactan, Cebu kama­kailan. Batay sa ulat ng Customs, Enero 21, 2019 ,dumating ang naturang shipment na dala-dala  ng Hapon na nakilalang si  Kazunori Yamamoto. Ayon sa Customs Examiner na si Cirila Lumacad,  sa isinagawang physical examination ng nasabing kargamento ng pasahero ay  natuklasan ang mga ‘undeclared goods’ Kabilang dito ang  dalawang kahon na naglalaman ng 50 tubes ng Belta Mother cream; 100 na maliliit na bote…

Read More

KONDENAHIN ANG PAGDUKOT KAY FIDELINA VALLE!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Dinukot ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang miyembro ng media na si Fidelina Margarita Abellanosa-Valle, 61 taong gulang, sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental bandang alas-10:30 ng umaga noong Linggo. Siya ay inaresto sa isang halos isang dekada nang warrant of arrest sa isang Elsa Renton na mayroon din daw alyas na Tina Maglaya at Fidelina Valle. Ilang oras na hindi nalaman kung nasaan si Valle matapos siyang hulihin, na labis na pinag-alala ng kanyang mga kaanak, kasamahan, at mga kaibigan. Inihayag ni Col.…

Read More

SINDIKATO SA PHILHEALTH

SIDEBAR

Taong 2013 pa natukoy ng pamunuan ng PhilHealth ang tungkol sa fraudulent claims sa ahensya na nagagawa sa pamamagitan ng paggamit ng pirma ng mga namatay ng pasyente pero patuloy na kumukubra sa PhilHealth partikular ang mga sumasailalim sa dialysis. Sa Northern Mindanao, halimbawa, taong 2014 napag-alaman ng PhilHealth mula sa Commission on Audit na nagkaroon ng overpayment sa may 20 porsyento ng mga pasyente na kumukubra ng insurance claims sa ahensya na nasa ilalim ng Department of Health. Si Health Secretary Reynaldo Duque na rin ang nagsabi na base…

Read More

PWEDENG KASUHAN NG SEDISYON — PACC

FOR THE FLAG

Mukhang aabutan na ng kamay ng batas si Sen. Antonio Trillanes. Si Trillanes ay avid critic ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, maging noong ito’y tumatakbo pa lamang sa pagka-pangulo. Marami itong hamon, katulad ng mga umano’y secret bank account ng pangulo at mga miyembro ng kanyang pamilya. Subalit walang tumumpak sa mga akusasyon nito kaya naman mabilis ding bumulusok ang kredibilidad nito bilang public official. Inakusahan pa ito ni dating Sen. Johnny Enrile na isang traydor sa bayan dahil sa umano’y mga backdoor dealing nito sa bansang Tsina na hindi…

Read More

PAGKILALA AT PAGBABALIK-TANAW: IKA-121 TAONG ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN

ARAW NG KALAYAAN

(Ni ANN ESTERNON) Kaisa ang SAKSI Ngayon sa pagdiriwang ng Pilipinas ngayong araw sa ika-121 taon ng ating kasarinlan. Ang unang deklarasyon ng kasarinlan ng bansa ay naganap noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite kung saan ang puwersa ng rebolusyonaryong mga Filipino sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ay nagdeklara ng soberanya at kasarinlan ng bansa mula sa pananakop ng mga Kastila. Ang pagdedeklarang ito ni Heneral Aguinaldo ay nang matalo ang mga Kastila laban sa mga Filipino sa Battle of Manila Bay, na kilala ring Battle of Cavite…

Read More

PROBLEMA ANG BAHA SA SUBIC BAY FREEPORT

TINGNAN NATIN

HALOS tiyak na naman ang magaganap na mga pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Subic Bay Freeport itong pahahon ng tag-ulan at sa susunod pang mga taon. Tingnan Natin: noong nakaraang taon, binaha ng “bigtime” ang Central Business District (CBD), ang Tipo Road, El Kabayo at iba pang bahagi ng Subic Freeport. Marami ang napinsala, nasirang mga gamit, sasakyan at mga transaksyong hindi natuloy at marami pang ibang masamang epekto sa negosyo na maaaring daan-daang milyong piso, kung hindi bilyon, ang naglahong parang bula dahil sa mga pagbaha. Tingnan Natin:…

Read More

BAKIT GALIT ANG US SA HUAWEI?

SIDEBAR

Teknolohiyang 5G (5th Generation) na ang pinag­hahandaan ng telcos dito sa Pilipinas at kabilang ang Huawei ng China sa mga partner ng PLDT Inc. na siyang may-ari ng mobile phone companies na Smart at Sun Cellular. Mismong si PLDT Inc. chairman at CEO Manuel Pangilinan ang nag-testing ng isang 5G-enabled Huawei phone kamakailan at indikasyon ito ng tiwala sa Huawei sa kabila ng negatibong kampanya ng US laban sa Chinese telecom company. Abante ng isa’t kalahating taon sa 5G technology ang Huawei ng China sa mga kakompetensya nito sa buong…

Read More

MAHISTRADO NG SC INIS SA SENIOR MEMBER NG CA

PRO HAC VICE

Sobrang inis ang nararamdaman ng isang mahistrado ng Korte Suprema sa isang senior member ng Court of Appeals dahil sa ginawa nitong pagbago sa komposisyon ng kanyang iniwang tapos nang desisyon. Ang kaso ay may kaugnayan sa kaso ng pamahalaan laban sa isang kilala at kontrobersyal na negosyante. Plano ngayon ng mahistrado ng Korte Suprema na kasuhan itong si senior Member ng Court of Appeals (CA) dahil sa ginawa nitong pamemeke ng kanilang decision. Ayon sa justice ng Supreme Court (SC) na bago siya naitalaga rito ay natapos na nilang…

Read More