GO: SOLUSYON SA KRISIS ISABAY SA PANAWAGANG PAGTITIPID NG TUBIG

HINIMOK ni Senador Christopher “Bong” Go ang gobyerno na sabayan ng mga solusyon sa krisis sa suplay ng tubig ang kanilang panawagan sa publiko para sa pagtitipid sa paggamit nito. “Kailangan rin po natin sa mga ahensya ng gobyerno, sa mga LGUs, lalo na sa mga barangay level, mas paigtingin po natin ‘yung kampanya sa water conservation. Kung hindi naman po kailangan, ‘wag n’yong gamitin ‘yung tubig, i-check n’yo kung may mga leakage para walang masayang. Gamitin lang natin nang tama para hindi tayo magkaroon ng water shortage,” saad ni…

Read More

PAGDADALA NG ARMAS NG MEDIA OK SA CHIEF PNP

SUPORTADO ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Benjamin Acorda Jr., ang pagdadala ng armas ng mga kasapi ng media bilang proteksyon sa kanilang propesyon. Tugon ito kahapon ng PNP chief matapos pangunahan ang pagbubukas ng PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa Camp Karingal, Quezon City na pinangunahan ng tagapangulo ng PNP Press Corps na si Mar Gabriel. Ipinahayag ni Gen. Acorda na lubhang importante na protektahan ng mga mamamahayag ang kanilang sarili sa mga bantang dulot ng kanilang propesyon sa pamamagitan ng responsible gun handling. Kaya aniya,…

Read More

Gagamitin sa RP-US Bilateral war exercise MARINE TANKER TINULAK NI ‘DODONG’ SA DALAMPASIGAN

ISANG marine tanker na gagamitin sana sa ginaganap na RP-US bilateral war exercise, ang sumadsad sa may dalampasigan ng Bataan sanhi ng malalaking alon at malakas na hangin dulot ng Bagyong Dodong. Ayon sa inisyal na ulat kahapon, dahil sa sama ng panahon sumadsad sa baybayin ng Morong, Bataan ang isang malaking barko matapos hampasin ng malalaking alon. Base sa paunang ulat na ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG), bandang alas-8:00 ng umaga nang namataan ng mga residente sa Sitio Crossing, Brgy. Poblacion ang pagsadsad ng MT Lake Caliraya. Ayon…

Read More

BAHAGI NG MANILA HOTEL NASUNOG

AGAD na pinostehan ng mga tauhan ng Manila Police District – Ermita Police Station 5 ang Manila Hotel kung saan nasunog ang bahagi nito sa Katigbak Drive, Ermita, Manila noong Huwebes ng hapon. Upang maiwasan ang pananamantala ng mga taong may masamang balak, at para sa seguridad sa mga dayuhan, iniutos ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz sa kanyang mga tauhan na higpitan ang pagbabantay. Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau ng Fire Protection (BFP). bandang alas-2:50 ng hapon nang makatanggap sila ng report hinggil sa nasusunog…

Read More

P.5-M SHABU NASABAT SA 3 DRUG PERSONALITIES

BATANGAS – Nasamsam ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Batangas PPO at ng mga tauhan ng Batangas City PNP, ang tinatayang kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Libjo, Batangas City nitong Biyernes ng madaling araw. Naaresto sa operasyon ang tatlong drug personality na kinilalang sina sina John Paulo Reyes, Eligio Mauhay na parehong nakatala bilang mga High Value Individual (HVI), at ang street level individual (SLI) na si Royland Manalo, pawang mga residente ng bayan ng San Pascual. Ayon sa ulat,…

Read More

2 TINEDYER NALUNOD SA CEBU

CEBU – Dalawang tinedyer ang nalunod nang maligo sa dagat sa Barangay Panantaran, sa bayan ng San Fernando, sa lalawigang ito, noong Huwebes. Nitong Biyenes ng umaga ay natagpuan ng rescue team ng Philippine Coastguard at PNP, ang wala nang buhay na mga biktima matapos iulat na nawawala noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Jozel Apao, 13, at Frances Ramayrat, 16, parehong residente ng Barangay Tungo, San Fernando. Ayon sa report ng pulisya, ang dalawang biktima kasama ang isa pa nilang barkada, ay naligo sa dagat noong…

Read More

2 LALAKI HULI SA SEX EXTORTION

ARESTADO ang dalawang lalaki sa operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa kasong online sexual abuse sa isang dalagita sa lalawigan ng Tarlac. Sa ibinahaging ulat, Huwebes ng madaling araw, kumagat sa pain ang ang dalawang lalaking sangkot umano sa pambibiktima online sa isang menor de edad. Inaresto ng mga tauhan ng PNP-ACG ang dalawang suspek pasado alas-12:00 ng madaling araw sa isang convenience store sa bayan ng Moncada, ng nasabing lalawigan bunsod ng reklamo ng mga magulang ng dalagitang biktima ng online sexual abuse and…

Read More

WANTED SA RAPE SA CAVITE, NASILO SA NORTHERN SAMAR

DUMAYO pa sa Northern Samar ang mga operatiba ng Cavite Police upang arestuhin ang isang rape suspect at tinaguriang most wanted person, regional level, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jaylord Balein y Rabato, 30, ng Sitio Barayong, Brgy. Poblacion Norte, San Isidro, Northern Samar. Ayon sa ulat, nakipag-koordinasyon ang Tagaytay City Police sa pamumuno ni P/Lt. Col. Charles Daven M. Capagcuan, chief of police, sa San Isidro Municipal Police Station, at PIU-Northern Samar Police Provincial Office, matapos nakakuha ng impormasyon na si Balein, na may kasong…

Read More

PERA NG KUMPANYA NILUSTAY SA ONLINE SABONG, COORDINATOR ARESTADO

CAVITE – Arestado ang isang 31-anyos na coordinator matapos lustayin umano sa online sabong ang pera ng kumpanya sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kasong qualified theft ang kinahaharap ng suspek na si Charlie Cancisio, binata, dahil sa reklamo ng FPBJ Battery Center na matatagpuan sa Brgy. Bangcal, Governor’s Drive, Carmona, Cavite. Ayon sa ulat, nagtungo si Mary Ann Swering, 32, negosyante at kanyang asawa, sa kanilang shop sa Brgy. Bangcal, Governor’s Drive, Carmona, Cavite upang kunin ang sales nito mula Hulyo 8 hanggang 13…

Read More