MERALCO MAS PINABUTI PA ANG SERBISYO NG KURYENTE SA CALOOCAN AT BULACAN

Bilang bahagi ng pagsisikap ng nito na mas mapabuti ang paghahatid ng kuryente, nagsagawa ng upgrade ang Manila Electric Company (Meralco) sa Camarin Substation na nagse-serbisyo sa mga customer sa lungsod ng Caloocan at San Jose del Monte, Bulacan.

Nag-install ang kumpanya ng bagong 83-megavolt amperes (MVA) power transformer bank, 34.5 kilovolt (kV) Gas Insulated Switchgear (GIS), apat na 115 kV power circuit breakers at walong 115 kV Disconnect Switches.

Makatutulong ang pag-upgrade na ito para matugunan ang lumalaking demand sa kuryente ng mga customer sa North Caloocan at ilang bahagi ng San Jose del Monte, kabilang na ang malalaking konsyumer gaya mg Maynilad Water Services – La Mesa Water, SM Deparo, SM San Jose Del Monte, Regan Industrial Sales Inc., at Converge J3 Caloocan DC.

Patuloy na namumuhunan ang kumpanya sa mga proyekto na makapagpapabuti ng kalidad ng serbisyo ng kuryente para sa mga customer nito.

179

Related posts

Leave a Comment