IMINUNGKAHI kahapon ng ACT-CIS party-list ang pagsasagawa ng ‘cloud seeding’ upang tugunan ang problema sa El Niño phenomenon. Kasunod na rin ito ng anunsyo ng Angat Dam officials na nasa below operating level na ang tubig sa naturang dam. Ayon kay ACT-CIS 3rd Cong. Erwin Tulfo, bago pa matuyuan ng tubig ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan ay kailangan nang simulan ang “cloud seeding” sa lugar. “Wag na siguro nating antayin na magrasyon na ng tubig dito sa Metro Manila dahil wala nang tubig ang Angat,” pahayag pa ni Cong.…
Read MoreAuthor: admin 4
ROMUALDEZ: GOBYERNO NASA TAMANG DIREKSYON
INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pagbaba ng unemployment o bilang ng walang trabaho, pagpapababa ng inflation ng bansa at ang pag-angat ng ekonomiya ay ilan lang sa senyales na nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng Marcos Administration. Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Romualdez na batay sa statistics, “isang taon pa lang sa panunungkulan ang Pangulo ay bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho.” Ayon kasi aniya sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 4.5 percent o 2.17 million na lang ang walang trabaho…
Read MoreMAHARLIKA FUND WALANG SILBI SA 51% PINOY – SURVEY
NANINIWALA ang 51% ng mga Pilipino na kakaunti o wala silang benepisyo habang 46 percent ang umaasang labis silang makikinabang sa Maharlika Investment bill. Mayorya naman ng mga Pilipino ay nananatiling walang alam sa isinusulong na Maharlika Investment Fund ng pamahalaan. Base sa survey ng Social Weather Station (SWS) halos kalahati ng publiko o 47 porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing halos o wala talaga silang alam tungkol sa MIF bill. Habang nasa 33 bahagdan naman ang nagsabing kakaunti lamang ang kaalaman nila tungkol sa panukala. Ayon sa SWS, 15%…
Read MoreHIGH VALUE DRUG SUSPECT NALAMBAT SA HIGIT PHP3.6 MILYONG HALAGA NG DROGA
TINATAYANG nasa 3 milyong pisong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa naarestong high value drug suspect sa buy-bust operation sa Brgy. Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon nitong Huwebes ng hapon, July 7. Kinilala ni PCOL Ledon D Monte, Provincial Director ng Quezon PNP, ang naaresto na si Samuel Marino, 23, residente ng Brgy Sta. Catalina Pagbilao. Ikinasa ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Quezon PPO, ang operasyon at nahuli ang suspek habang nagbebenta ng ilegal na droga sa operatibang poseur-buyer. Ayon kay Col. Monte, nasamsam…
Read MoreLIQUID MARIJUANA ISINILID SA VAPE CARTRIDGE
ARESTADO ang dalawa katao nang makuhanan ng apat na gramo ng liquid marijuana na isinilid sa isang vape cartridge sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga naaresto na sina Sebastian Miguel Magsila at Aubrey Rose Jumawan, kapwa nasa wastong edad at nasa listahan ng Street Level Individual (SLI). Sa ulat, dakong alas-11:45 kamakalawa ng umaga nang magsagawa ng Anti-Illegal Drugs operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor City Police sa P1 Brgy. Molino 5, Bacoor City, Cavite kung saan nakikipag-transaksyon ang…
Read MoreSAMPUNG KABATAAN PINAGKALOOBAN NG SERTIPIKO NG KAPANGANAKAN
BUONG pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga magulang sa pamunuan ng Manila Police District – Station 8 makaraang pagkalooban ng Birth Certificate ang kanilang mga anak kamakailan sa Sta. Mesa, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel, Bostah Dionelle Brannon, commander ng MPD- Sta. Mesa Police Station 8, nitong nakalipas na Hulyo 4, binigyan ng Birth Certificate ang sampung kabataan na nakatira malapit sa riles ng tren. Kasama sa programa ang iba pang tauhan ng MPD-Station 8 gayundin ang Station Advisory Group nito sa pangunguna ni Ms. Diwata Pag-ibig Silangan Gabat…
Read MoreTOP 1 MWP SA MINDORO, TIKLO SA CAVITE
NATUNTON sa lalawigan ng Cavite ang rank no. 1 most wanted person, municipal level, sa Oriental Mindoro na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa isinagawang police operation sa Imus City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang akusado na si Willy Bagui y Cultura, alyas “Pogi”, 33, isang negosyante, ng Bansud, Mindoro Oriental at naninirahan sa Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga, nagsagawa ng operasyon kontra MWP ang pinagsanib na pwersa ng Imus City Police, Warrant Section at Bansud Municipal Police Station ng Oriental Mindoro, sa…
Read MoreRETIRADONG SUNDALO, BINOGA SA DUYAN
CAVITE – Sugatan ang isang 61-anyos na retiradong miyembro ng Philippine Army (PA) nang paulanan ng bala ng suspek habang natutulog sa duyan sa kanilang bahay sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Greg Sanchez y Erojo, may live-in partner, retiradong army, residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang alyas “Franco” na ‘person of interest’ sa pamamaril sa biktima. Ayon sa ulat, dakong alas-11:48 ng gabi, habang natutulog ang biktima sa duyan…
Read MoreNAAKSIDENTENG INDIAN TINULUNGAN NG PCG
TINULUNGAN ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Indian national mula sa isang international vessel nang masugatan ito dahil sa aksidente, at dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Batay sa pahayag ng PCG, agad silang nagsagawa ng medical evacuation sa biktima mula sa M/V Formento II na naglalayag sa 8.3 nautical miles southeast ng Virac, Catanduanes noong Miyerkoles, dahil sa severe injury na dinanas nito sa daliri na labis ang pagdurugo. Ang biktima ay lulan ng barko na isang Singaporean-registered bulk carrier, na umalis sa Baoshan Port sa…
Read More