2 TULAK NABITAG SA BUY-BUST

NASADLAK sa likod na rehas na bakal ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Manila Police District ang isang lalaki at isang babae makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa panulukan ng Laon Laan at Marzan Streets, Sampaloc, Manila. Kinilala ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang dalawang suspek na sina Arlene Hipolan, 24, ng Tondo, at si Kenjie Martin, 22, ng Sampaloc, Manila. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., hepe ng DDEU, bandang alas-12:25 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation…

Read More

GWARDIYA NAG-SUICIDE SA BANGKO

CAVITE – Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili ang isang gwardiya sa loob ng binabantayang bangko gamit ang kanyang service firearm sa Cavite City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Luisito Bico. Ayon sa ulat, dakong alas-7:55 ng umaga, nag-duty ang biktima bilang pang-umagang gwardiya sa isang bangko sa P. Burgos Ave., Barangay 19, Caridad, Cavite City. Una siyang nagtungo sa banyo upang magsuot ng kanyang uniporme at paglabas ay dumiretso sa entrance ng bangko kung saan kinuha ang kanyang service firearm na kalibre 9mm pistol na…

Read More

MEKANIKO TIMBOG SA P240K SHABU

QUEZON – Timbog ang isang mekaniko matapos masamsaman ng mahigit P200,000 halaga ng ilegal na droga sa inilatag na anti-drug operation ng Quezon PNP sa Purok Baybayin Uno, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City noong Martes ng gabi. Ikinasa ng mga tauhan ng PDEU 4A Quezon ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Kalabaw,” 51, residente ng Brgy. Mayao Crossing, Lucena City dakong alas-9:00 ng gabi. Nakumpiska sa suspek ang 5 sachet na naglalaman ng 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P204,000 ang street value.…

Read More

TRICYCLE DRIVER, PASAHERO HINOLDAP NG 2 NAKISAKAY

LAGUNA – Humantong sa kamalasan ang pagmamagandang loob ng magkapatid na sakay sa tricycle matapos na maholdap ng dalawang lalaking nakisakay mula sa ilang na lugar sa Brgy. Cueva, sa bayan ng Santa Maria sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Ayon sa report ng Sta. Maria, Laguna Police, sakay ng tricycle ang magkapatid na sina Norman at Cesar Bainto at tinatahak ang Marilaque Highway mula sa Infanta, Quezon patungong Mabitac, Laguna nang pagsapit sa welcome arch ng Brgy. Cueva, Santa Maria ay pumara ang dalawang lalaki dakong alas-4:00 ng…

Read More

16-ANYOS ESTUDYANTE PATAY SA ARARO NG JEEP

CAVITE – Patay ang isang 16-anyos na lalaking estudyante matapos araruhin ng isang jeepney na palabas sa isang mall at umano’y nawalan ng preno sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kapwa isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktimang si Renz Jether A. Matias, 16, ng Brgy. H2, Dasmariñas City, at Rene Lohera, helper, ng Brgy. Burol 1, Dasmariñas City, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas si Matias. Kinilala naman ang driver ng isang jeepney na may plakang DNK 214, na si Zaldy Bago y Digma, 43, ng Alfonso, Cavite,…

Read More

TRIKE DRIVER PATAY SA BOGA NI BAYAW

QUEZON – Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng kanyang bayaw na seaman sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ng Tiaong Police ang biktimang isang na 43-anyos na residente ng Brgy. Bula, Tiaong. Batay sa report ng Tiaong Police, kumakain ng almusal ang biktima kasama ng isa pa niyang bayaw sa kanilang bahay nang dumating ang suspek na kanila ring bayaw. Bigla na lamang itong nagbunot ng .45 kalibre ng baril at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa ulo na agad nitong ikinamatay.…

Read More

SORIANO DAPAT IMBESTIGAHAN SA PAKIKIALAM SA DOT

DAPAT imbestigahan si Presidential Adviser on Creative Communication Paul Soriano dahil sa umano’y pakikialam sa bagong proyekto ng Department of Tourism (DOT) para i-promote ang turismo sa bansa. Ito ang reaksyon ni BenCyrus G. Ellorin, ng Mindanawon, Political Communications Strategist, hinggil sa kinasasangkutang kontrobersiya ng DOT. Kaugnay nito, kinuwestyon ni Ellorin kung ano ang papel ni Soriano sa DOT project. Aniya, dapat imbestigahan ng DOT ang mga ulat na nakialam si Soriano sa trabaho ng DDB advertising. “If Paul Soriano is a creative person, a man of the culture and…

Read More

LAS PIÑAS BAHAY PAG-ASA GINAWARAN NG LEVEL II CERTIFICATE OF ACCREDITATION NG DSWD

INANUNSYO ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar na iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Level II Certificate of Accreditation para sa Bahay Pag-asa, isang youth center ng lungsod. Inihayag ni Mayor Aguilar na ang Las Piñas lamang sa mga lokal na pamahalaan sa katimugang Metro Manila ang nakatanggap ng Level II accreditation mula sa DSWD. Sa sulat na pinadala kay Aguilar, ipinabatid ng DSWD sa alkalde ang kumpletong pagtalima ng lungsod tungkol sa kanilang mga rekomendasyon ng assessment sa center na isinagawa ng kanilang…

Read More

600 BATA NAKINABANG SA LIBRENG TULI, FEEDING PROGRAM SA TONDO

UMABOT sa 600 mga batang Tondo ang nakinabang sa libreng tule at feeding program na isinagawa ng mga tauhan ng Manila Police District- Moriones Police Station 2 sa Tondo, Manila. Ang “operation tule” ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagkaisang “Endless Community Outreach Program” (ECOP) na may kaugnayan sa 28th Police Community Relations (PCR) Month 2023, na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., station commander. Kasama rin sa progama si Police Captain Leonardo Bernardo Blanco Jr., ng Station Community Affairs Development Section (SCADS), sa kooperasyon ng Medical Team sa…

Read More