MODERNIZATION PROGRAM NG BFP PINABORAN NG COA

NANINIWALA ang Commission on Audit (COA) na walang mali sa aksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa modernization program ng BFP upang makaagapay sa makabagong panahon. Nabatid sa COA report, walang mali sa ginawang aksyon ng BFP sa paglalagay ng teknikal na requirements na kailangang makasabay ang Bureau of Fire sa makabagong pamamaraan at modernization program. Ayon sa ulat ng COA nitong nakalipas na 2010, ang BFP ay naglunsad ng kanilang Modernization Program alinsunod sa Comprehensive Fire Code of 2008 ng pamahalaan. Sinabi pa sa ulat, ang pangunahing adhikain ay…

Read More

HOMEWORK SA MGA ESTUDYANTE IPAGBABAWAL NA

IPAGBABAWAL na ang homework na ibinibigay ng mga guro kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Kamara ukol dito, dahil wala umano itong naitutulong sa mga estudyante kundi stress lamang. Sa House Bill (HB) 8243 “No Homework Law” na inakda ni Tutok to Win Party-list Rep. Sam Verzosa, iginiit nito na lalong hindi nakapopokus sa pag-aaral ang mga bata dahil sa tambak na homework. “Ayon sa isang research na ginawa ng Stanford University, ang mga estudyante na babad sa homework ay mas madalas nakararanas ng stress, problema sa kalusugan at…

Read More

KAMPANYA KONTRA DROGA HINDI DAPAT PURO ENFORCEMENT

NANAWAGAN si Senador Risa Hontiveros sa administrasyon na huwag lamang idaan sa law enforcement ang kampanya kontra droga. Umaasa ang mambabatas na makikiisa at makikipagtulungan ang kasalukuyang gobyerno sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng war on drugs; sa pagrepaso ng mga kasalukuyang polisiya tungo sa mas komprehensibo, inklusibo, makatao at makatarungang drug response; at sa pagsusulong ng isang community-based drugs prevention and voluntary treatment and rehabilitation. Inaasahan din ni hontiveros na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay mas mabibigyang-diin ang pagtugon sa mga health at social services ng…

Read More

ELIGIBILITY KAPALIT NG 5 TAON SA SERBISYO SA GOBYERNO

HINDI na kailangang maipasa ng government employees ang civil service eligibility para maging regular ang mga ito sa trabaho kapag nakapagserbisyo sila ng 5 taon sa gobyerno. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 8475 na inakda ni North Cotabato Rep. Ma. Alana Samantha Taliño Santos, upang mabigyan ng tsansang umangat ang contractual at casual employees sa gobyerno. Base aniya sa record ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot sa 3.8 million ang empleyado sa gobyerno kasama na ang mga nagtatrabaho sa Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC). “However, there are a…

Read More

ASO KINALADKAD SA MOTORSIKLO, MAG-UTOL KINASUHAN

LAGUNA – Sinampahan ng kaso ng isang animal welfare organization ang magkapatid na nakita sa viral video na kumakaladkad sa isang aso habang sakay ng kanilang motorsiklo sa highway sa San Pablo City. Ayon kay Heidi Caguioa, program director ng Animal Kingdom Foundation, sinampahan nila ng kasong paglabag sa RA 8485 o ang Animal Welfare Act ang dalawa. Batay aniya sa naturang batas, ipinagbabawal ang pagmamaltrato o ang pag-inflict ng cruelty sa mga hayop. Base sa video na kumakalat sa social media, makikitang buhay pa ang aso habang kinakaladkad nang…

Read More

EX-BF IPINAARESTO NG NEGOSYANTE SA SEXTORTION

CAVITE – Arestado sa entrapment operation sa bayan ng Silang ang isang lalaki makaraang pagbantaan ang kanyang dating karelasyong negosyante na ipakakalat ang hubad na larawan nito at mga video noong Martes ng gabi. Kasong paglabag sa Art 286 “Grave Coercion” ng RPC in relation to Sec. 6 ng RA 10175; RA 11313; RA 9995 at RA 9262 ang kinahaharap ng suspek na si Raymart Guingab y Baguna, 28, binata, ng Brgy. Maguyam, Silang, Cavite dahil sa reklamo ng isang 27-anyos na negosyanteng dalaga. Ayon sa reklamo ng biktima, dati…

Read More

Brig. Gen. Kraft, Col. Baesa kaladkad sa STL bookies ALYAS YANKEE UNTOUCHABLE SA TAGUIG?

WALANG nangangahas bumangga sa bookies ni alyas Yankee sa Southern part ng Metro Manila dahil gamit na gamit umano nito ang pangalan nina Southern Police District director Brig. Gen. Kirby Kraft at Taguig City Chief of Police Col. Robert Baesa. Ganito ang reklamong nakarating sa SAKSI Ngayon mula sa impormanteng humiling huwag siyang pangalanan para na rin sa kanyang kaligtasan. Ayon sa impormante, mistulang pader ang operasyon ni ‘Yankee’ dahil ang ipinangangalandakan nito ay malakas siya sa mga nabanggit na opisyal. May mga insidente pa umano na sinusulot ng mga…

Read More

Paalala sa mga nagtapos sa QCU PANGARAP ABUTIN PARA SA PAMILYA – MAYOR BELMONTE

“PATULOY ninyong abutin ang inyong mga pangarap para sa inyong sarili, pamilya, komunidad, at sa ating bansa.” Paalala ito ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga bagong nagtapos sa Quezon City University (QCU) kamakalawa ng umaga. Dumalo ang alkalde at nagsilbing panauhing pandangal sa graduation ceremony. Nasa 179 ang mga nagsipagtapos sa kursong BS Accountancy habang 620 sa kursong BS Entrepreneurship para sa Batch Pinagtibay Class of 2023. Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte sa kanyang mensahe na layunin ng pamahalaang lungsod ang makapagtapos ang mahuhusay na mga mag-aaral at…

Read More

BAGONG PANGALAN NG HEALTHWAY MEDICAL NETWORK PINASINAYAAN

PINASINAYAAN nitong Martes ng hapon ang bagong pangalan ng Healthway Medical Network sa compound ng Philippine General Hospital sa Taft Avenue, Malate, Manila. Ang dating Ayala Healthcare Holdings Incorporated ay opisyal nang pinangalanang Healthway QualiMed Manila. Sa nasabing pagtitipon, dumalo ang matataas na opisyal ng PGH, Health Secretary Ted Herbosa at Congressman Erwin Tieng ng Manila District 5. Ayon sa kalihim, magagamit pa rin ang libreng bakuna para sa COVID-19 para sa mahihirap na Pilipino kahit na tinanggal na ang COVID-19 state of public health emergency. Habang ang mga may…

Read More