Kahit naka-break ang Kongreso SPEAKER ROMUALDEZ: PAGTULONG SA MGA RESIDENTENG APEKTADO NG PAG-AALBUROTO NG BULKANG MAYON TULOY-TULOY

TINIYAK kahapon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na kahit pa naka-break ang Kongreso sa ngayon ay walang sawa at walang tigil ang gagawin nilang pagtulong, pag-aasikaso at pagkakaloob ng ayuda sa mga residente na naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon. Ayon kay Speaker Romualdez, nag-request na siya ng P10 million cash assistance sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mga residente na malapit sa Bulkang Mayon. Bukod dito, humiling din umano siya ng P10 million cash…

Read More

PAGTATAYO NG PERMANENT EVAC CENTER GIIT NG ACT-CIS

SA halip na classrooms, sa mga evacuation center na lang sumilong ang mga biktima ng kalamidad. Ayon kay ACT-CIS Cong. Jocelyn Tulfo, “dahil wala tayong evacuation centers, sa mga eskwelahan nag-e-evacuate ang mga tao kapag may bagyo o lindol at iba pang kalamidad. “Pero ang problema walang pondo sa pagpapatayo ng mga ito kaya nagdo-doble ang function ng mga paaralan dahil ginagamit ding evacuation center,” ani Cong. Tulfo. Suhestiyon ni Mrs. Tulfo, maglaan ng pondo para sa mga ito na maaring gamitin as multi-purpose buildings pag walang kalamidad. “One fine…

Read More

FILIPINO NURSES HINIKAYAT NA SUMAPI SA PCG

UPANG maging bahagi sa paglilingkod, hinihikayat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Filipino nurses na sumapi sa kanila. Base sa ulat ng PCG, bukas ang coast guard nursing service sa Pinoy nurses na pasado sa Philippine Nurse Licensure Examination na edad 21 hanggang 28. Kabilang din sa mahalagang kwalipikasyon ay ang mga sumusunod: good moral character; single; at least 5’0” in height; physically and mentally fit. Sa mga nais maging bahagi ng Coast Guard Nursing Service, kailangan lamang ihanda ang mga sumusunod na dokumento: Application form; PSA Birth Certificate; NBI…

Read More

CARGO TRUCK SINALPOK, RIDER PATAY

PATAY ang isang 41-anyos na motorcycle rider nang bumangga ito sa isang cargo truck nang mag-red signal ang stop light sa Jose Abad Santos Avenue, malapit sa kanto ng Tayuman Street, Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi. Namatay noon din ang biktimang kinilalang si Vincent Hernandez, residente ng Grace Park, Caloocan City. Samantala, agad namang sumuko ang driver ng cargo truck na si Adan Badal, 64, ng Binondo, Manila. Si Badal ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. Ayon sa ulat ni Police Corporal…

Read More

BABAE PINATAY, IBINAON NG BF DAHIL SA CHATMATE

PINATAY at ibinaon sa lupa ng isang lalaki ang kanyang nobya dahil sa selos sa chatmate ng huli Caloocan City. Arestado ang suspek na si Jeffrey Montales, nasa hustong gulang, na umamin umanong pinatay niya ang biktimang si Arjean Cabangunay, 21, ng Balong Bato, ng lungsod. Ayon sa suspek, noong nakaraang Linggo pa niya pinatay ang katipan ngunit nito lamang Martes niya inilibing sa Barangay 171, Bagombong, Caloocan. Nabuking ang krimen ng suspek matapos mabasa ng mga kaanak ng biktima ang mga mensahe nito na magkikita sila ng nobyo. Nabatid…

Read More

9 KINASUHAN NG NBI SA PALUWAGAN SCAM

SIYAM na opisyal ng isang investment group ang kinasuhan ng NBI Lucena District Office ng 40 counts ng syndicated estafa matapos na mangolekta ng milyong pisong halaga ng contributions mula sa tinatawag nilang “investors” sa kanilang “paluwagan” scheme sa lalawigan ng Quezon. Ayon sa rekomendasyon ni Atty. Bernard de la Cruz, Agent-in-Charge ng NBI-Lucena, sinampahan sa Provincial Prosecutors Office sa bayan ng Infanta, Quezon ng kasong paglabag sa Article 315, Paragraph 2 ng Revised Penal Code in relation to Presidential Decree no. 1689, at ng kasong paglabag sa Securities Regulation…

Read More

DLSUMC NABULABOG SA BOMB THREAT

BAHAGYANG nagdulot ng tensyon sa mga doctor, guro, mag-aaral at staff ng De La Salle University Medical Center (DLSUMC) ang natanggap na text messages na umano’y may nakatanim na bomba sa paligid nito sa Dasmariñas City, Cavite noong Huwebes ng hapon. Ayon sa ulat ni Police Corporal Arthur Rejano ng Dasmariñas City Police, dakong alas-3:09 ng hapon nang makatanggap ng text si Mansueto Ibabyo y Mejia, 60, security guard ng DLSUMC, mula sa number na 09329788456 na may mensaheng: “Mga guro, estudyante at opisyal ng HIS, gusto ko malaman ninyo na kaming CPP-NPA-NDF ay…

Read More

One Meralco Foundation Kaisa ng Pamahalaan sa Pagpapalakas ng Kahandaan sa mga Kalamidad at Sakuna

Suportado ng One Meralco Foundation ang paglulunsad ng PlanSmart Ready to Rebuild web app ng gobyerno upang mapalakas ang kapasidad at kakayanan ng mga lokal na pamahalaan na rumesponde sa mga likas na sakuna at kalamidad.   Matatagpuan malapit sa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas kaya naman madalas itong makaranas ng mga likas na sakuna at kalamidad gaya ng lindol, pagsabog ng bulkan, at mga bagyo. Suportado ng Manila Electric Company (Meralco), sa pamamagitan ng social development arm nito na One Meralco Foundation (OMF), ang pagpapalakas ng kahandaan at…

Read More

‘Wag nang pasaway

HINDI mapipigilan ang mga turista na dumagsa sa Albay para makita ang Mayon Volcano, ngunit hindi dahil sa ganda ng bulkan. Iba ang rason ng pagdayo ng mga turista. Ang pagputok ng Mayon ang inaabangan, ang pagbulwak at pagdausdos ng nagbabagang mga bato at lava ang hangad nilang masaksihan. Likas na sa iba na makaramdam ng pambihirang thrill habang nasa harapan nila at abot ng kanilang paningin ang kakaiba pero nakatatakot na buga ng isa sa hinulma at singaw ng kalikasan. Pinaalalahan na ng Department of Tourism – Bicol (DOT-5)…

Read More