DAHIL SA TWEET NI JANINE, SEN. BONG BASHED-TO-THE-MAX ULI

(NI LOLIT SOLIS) HAY naku day! Matatapos na ang taon, lalong gumulo ang buhay ko! Lumalaki na ang isyu ng 150 thousand na pinabibigay daw ni Gretchen Barretto sa amin ni Cristy Fermin. Wala akong natikman sa 150K na’ yan, kaya magkakaalaman pa ‘yan. Nadamay pa ang PEP.Ph sa isyung ‘yan na mabuti nagkausap kami ni Jo Ann Maglipon, nagkaliwanagan at inaalam niya ang totoo sa isyung ito. Sabi ko nga kay Gorgy na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon, mabuti na lang wala siya rito at hindi niya nasaksihan…

Read More

TRUST, APPROVAL RATING NI DU30 TUMAAS NGAYONG DISYEMBRE

pulse asia du3044

NAKABAWI at nakabangon si Pangulong Rodrigo Duterte sa trust and approval ratings ngayong Disyembre matapos sumadsad noong Setyembre, ayon sa latest survey na inilabas ng private pollster na Pulse Asia. Tumaas ng siyam na porsyento ang approval rating ni Duterte  sa 87 mula sa 78 porsiyento noong Setyembre kung saan mas maraming indibidwal mula sa Luzon, hindi kasama ang Metro Manila, at class ABC, ang nagpahayag ng pag-sang-ayon sa Pangulo. Tumaas din ang trust rating ni Duterte mula 74 porsiyento sa 83 Mas marami rin sa Luzon sa labas ng…

Read More

TONY ON JULIA: ‘WHEN SHE GETS MARRIED, THE MAN WILL BE A LUCKY MAN!’

(NI BOY ABUNDA) SA kauna-uanahang pagkakataon ay nagkatambal sina Julia Barretto at Tony Labrusca para sa iWant digital series na ‘I Am U.’ Wala pang kasintahan ang aktor kaya may ilang mga nagtatanong kung posible kayang may mamuong espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa. “Let’s not get ahead of ourselves, Tito Boy. I’m just gonna say this, you know what, one day, when she gets married, the man that she marries will be a very lucky man,” makahulugang pahayag ni Tony. Ayon sa aktor ay naging malapit sila ni…

Read More

PASAWAY NA DRIVER I-VIDEO N’YO — LTFRB

(NI KIKO CUETO) NAGPAALALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na videohan ang mga pasaway na taxi driver na mangongontrata ngayong Pasko hanggang Bagong Taon. Kabilang na riyan ang mga namimili ng pasahero na taxi driver. Paliwanag ng LTFRB, dapat isumbong ng mga pasahero ang mga mapagsamantalang tsuper. “Para po sa mga pasahero natin, lalo na ngayong Christmas season, advice po namin sa kanila sa mga kasong ‘pag sumasakay sila ng taxi at hindi sila sinasakay o minsan nangongontrata, kunin lang nila ‘yung pangalan ng taxi,…

Read More

BAGYONG URSULA NAKAAMBA SA PASKO

(NI ABBY MENDOZA) PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko na bibiyahe ngayong Kapaskuhan para umuwi sa kanilang mga probinsya na gawin na ito ng mas maaga upang makaiwas sa ma-stranded dahil sa inaasahang papasok na bagyong Ursula. Ayon sa Pagasa, itataas nila ang gale warning signal sa Lunes ng gabi, Disyembre 23, mangangahulugan ito na sususpendihin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe ng mga barko dahil sa sama ng panahon at inaasahang mataas na alon. Sa pinakahuling monitoring ng Pagasa ay isa…

Read More

SEAG 3-GOLD MEDALISTS LALABAN SA VIETNAM

(NI DENNIS IÑIGO) SARIWA pa mula sa kanilang gold medal finish sa 2019 Southeast Asian Games, tatangkain naman ni Sean Aranar at partner niyang si Ana Nualla na magwagi sa 2019 Giai Vo Dich KVTT T&T DanceSport Cup Invitational Open competition bukas (Disyembre 22) sa Ho Chi Minh, Vietnam. Tatlong gintong medalya ang naibulsa nina Aranar at Nualla sa katatapos lang na 30th SEAG na ginanap sa Pilipinas. Magko-compete sina Aranar at Nualla sa amateur standard open five dance category laban sa powerhouse Hong Kong, host Vietnam, Thailand at China.…

Read More

CPP: NO HITLIST

(NI MAC CABREROS) PINABULAANAN ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na may hitlist sila. “National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr’s hype of an alleged ‘NPA hitlist’ only aims to sow intrigue in order to sabotage the planned resumption of formal peace talks,” diin CPP sa statement. Binanggit ng grupo na katulad nina DND Secretary Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Año, tila nag-aatubili si Esperon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang usapang pangkapayapaan sa NDFP. “On the…

Read More

GRETCHEN GAMIT NA GAMIT, NAPUNO NA

(NI JERRY OLEA) NAI-SHARE ni  Gretchen Barretto at last ang kanyang reaksiyon tungkol sa kontrobersiya na kanyang kinasasangkutan. Nilinaw ng  actress ang tungkol sa isyu na naipost ni Lolit Solis sa kanyang Instagram. Tungkol ‘yon  sa gift ni Gretchen para kay Manay pati na ang P150,000 in cash na hindi nakarating kay Lolit at nawawala. Nagpapasensiya si  Gretchen. Kailangan niya ilabas ang katotohanan dahil marami ang nadadamay. Nagdagdag pa si Gretchen na ginagamit lang ang pangalan niya. Pati nga sa pag-book ng  hotel suites  at pagbili ng mga mamahalaing bagay ay gamit na gamit ang pangalan niya. Ito…

Read More

ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL ‘NATUTULOG’ PA RIN SA KONGRESO

(NI BERNARD TAGUINOD) NATUTULOG sa Kongreso ang panukalang batas na tatapos sana, hindi lamang sa  political dynasty kundi, sa private armies sa Pilipinas. Dahil dito, umapela si Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun sa liderato ng Kongreso, partikular na sa House committee on suffrage and electoral reforms, na dinggin na ang nasabing panukala. Ang House Bill (HB) 110 na magbabawal sa political dynasty ay inendorso sa nasabing komite noong Hulyo 23, 2019 subalit hanggang ngayon ay hindi pa umano itong isinasalang sa pagdinig. Base nasabing panukala, ipagbabawal na sa isang pamilya…

Read More