(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang isang senador sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na agad na aprubahan ang pagpasok ng kumpanyang Gojek para mawala ang monopolasyon ng kumpanyang Grab. Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chair ng Senate Comittee on Trade and Industry, kung saan hindi na aniya dapat pang magtagal ang LTFRB sa pag-aaral sa akreditasyon ng dayuhang kumpanya. “Ang Gojek, dapat i-approve na kaagad ‘yan para meron tayong choice,” aniya pa. Ngunit may nakikitang balakid umano ang LTFRB dahil sa ang business partner ng Indonesian…
Read MoreAuthor: Jet
MAULAN NA PASKO ASAHAN — PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) ISANG low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging ika-21 bagyo na papasok ng bansa ngayong taon. Ayon sa Pagasa kung hindi magbabago ang direksyon ng LPA ay maaaring maging ganap na bagyo na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa sa araw ng Kapaskuhan. Sa ngayon ang sama ng panahon ay namataan 2,000km sa Mindanao, maaari itong pumasok ng PAR sa Martes, o Christmas eve subalit sa darating na weekend…
Read MoreMARIAH SHATTERS CHART RECORDS
(NI BEN BAÑARES) GRABE ito! Sa December 21, 2019 issue ng Billboard magazine (tomorrow na ‘yun!), ang bagong #1 song sa Hot 100 chart ay ang kanta ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You” na unang ni-release noong October 1994 o 25 years ago! Hindi ito eligible na mag-chart sa Hot 100 noon dahil hindi naman siya ni-release as a single. FIRST AND SUCCEEDING HOT 100 PEAKS Noong 1998, nagbago na ang rules ng Billboard Hot 100, kaya nag-chart na ang kanta, at nag-peak ito sa…
Read MoreKAMARA NAGBUNYI SA GUILTY VERDICT
(NI BERNARD TAGUINOD) IPINAGBUNYI ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang guilty verdict na ipinataw sa mga Ampatuan at mga tauhan ng mga ito sa Maguindanao massacre. “After 3,678 days, justice is served to victim of Maguindanao massacre,” ani Cavite Rep. Pidi Barzaga matapos sentensyahan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes Quezon City Regional Trial Court Branch 211 ang guilty verdict kina Datu Zaldy “Puti” Ampatuan, Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr., Datu Anwar Zajid “Ulo” Ampatuan at iba pa. Magugunita na noong Nobyembre 23, 2009 ay 58 katao na kinabibilangan ng 32…
Read MoreSALAMAT SA SUPORTA, DALANGIN SA HUSTISYA — MANGUDADATU
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS makamit ang hustisya, hindi lang para sa kanyang asawa at mga kaanak, kundi sa mga kagawad ng media at iba pang sibilyan na brutal na pinatay ng ilang miyembro ng angkan ng mga Ampatuan dahil sa pulitika, nagpasalamat si Maguindnao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu sa mga Filipino na sumuporta at mananalangin para sa mga ito. “Ako, kasama ang aking mga anak, kapatid at kamag-anakan…ang mga pamilyang naulila…ay lubusang nagpapasalamat sa inyong pagdalangin at suporta upang makamit natin ang katarungang ating hinintay ng sampung taon,” ani Mangudadatu.…
Read MoreGUILTY VERDICT TAGUMPAY NG BAYAN — SOLONS
(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY RAFAEL TABOY) ITINUTURING ng mga senador na tagumpay ang initial decision ni Judge Jocelyn Solis Reyes sa kaso ng Maguindanao Massacre, 10 taon na ang nakalilipas. Kasabay nito, pinuri ng mga senador ang hukom sa katapangan at dedikasyong ipinakita nito sa paghawak sa kaso. Sinabi ni Senador Joel Villanueva na ang desisyon ng hukom ay magpapabalik sa tiwala ng taumbayan sa justice system. “This decision restores faith in the justice system. I salute Judge Jocelyn Solis Reyes for her dedication and her courage to stand for…
Read MoreJUDGE SOLIS-REYES SA SUPREME COURT?
(NI BERNARD TAGUINOD) KUWALIPIKADONG-kuwalipikado na sa mas mataas na posisyon sa Hudikatura si Judge Jocelyn Solis-Reyes Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 211. Kung ang mga militanteng mambabatas, nais ng mga ito na ilagay sa Korte Suprema si Solis-Reyes dahil kailangan umano ang tulad nito sa kataas-taasang hukuman. “Siya ang tipo ng mahistrado na kailangan natin. (ang kanyang tapang) ang hinahanap natin sa hustisya,” pahayag ni ACT party-list Rep. France Castro sa press conference sa Kamara. Si Solis-Reyes ang ikalawang Judge na humawak sa Maguindanao massacre matapos mag-inhibit si Quezon…
Read MoreSIN TAX LAW RATIPIKADO NA SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang package 2+ ng Comprehensive Tax Reform Program na magtataas ng excise tax rates sa alcohol products, heated tobacco at vapor products sa bansa. Ang nasabing panukala ay niratipikahan na rin sa Senado kaya inaasahang isusumite na ito sa Malacanang para sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ilalim ng panukala ang mga inuming distilled spirits ay papatawan ng ad valorem tax na 22 percent ng retail price at additional specific tax na P42 per liter sa taong 2020, P47 sa 2021, P52…
Read MoreKAPOS NG P97-B; LIBRO NG MGA CASINO BUBULATLATIN
(NI BERNARD TAGUINOD) BUBULATLATIN ng House committee on games and amusement ang libro ng mga casino sa bansa matapos kapusin umano ng P97 Billion ang kinita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) noong 2018. Sa House Resolution (HR) 672 na iniakda ni House assistant majority leader Nina Taduran, ng ACT-CIS party-list, inaatasan nito ang nasabing komite na imbestigahan kung talagang P200 Billion lamang ang kinita ng Pagcor noong 2018. Ginawa ni Taduran ang nasabing resolusyon matapos lumabas na ang tinataya ng Credit Suisse, na isang investment bank, na ang kita sa…
Read More