(NI BERNARD TAGUINOD) MALAKI ang paniniwala ni Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu na makakamit na ng mga ito at pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre, ang katarungan matapos ang 10 taon. Ginawa ni Mangudadatu ang pahayag kasunod ng pagbasa sa sentensya sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao, kabilang na ang ilan sa mahal nito sa buhay at 38 kagawad ng media. Inaabangan, hindi lamang ng mga Filipino kundi ng international community, ang promulgation sa nasabing krimen na nag-ugat sa pulitika kung saan pangunahing salarin ang…
Read MoreAuthor: Jet
2 MALALAKAS NA AFTERSHOCK TUMAMA SA DAVAO DEL SUR
(NI DONDON DINOY) MAGSAYSAY, Davao del Sur — Dalawang malalakas na lindol na naman ang tumama dito sa lalawigan ng Davao del Sur, Miyerkoles ng umaga. Nagulantang ang mga dumalo sa Simbang Gabi matapos biglang maramdaman ang malakas na pagyanig. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isang magnitude 5.3 aftershock ang tumama sa Davao del Sur at mga karatig lalawigan dakong alas 4:18 ng umaga. Naitala ang episentro ng lindol mga 28-kilometros southeast sa bayan ng Padada, may siyam na kilometrong lalim at tectonic ang origin. Naramdaman…
Read MoreCONCESSIONAIRE AGREEMENT WALANG EXTENSION
(NI CHRISTIAN DALE) TINIYAK ng Malakanyang na hanggang taong 2022 na lamang ang concessionaires agreement sa pagitan ng pamahalaan at Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. Dapat sana ay tatagal nang hanggang taong 2037 ang concessionaires agreement subalit nauna nang sinabi ng Pangulo na isusulong na makasuhan ng economic sabotage ang dalawang water concessionaires dahil umano sa hindi patas na kontrata ng mga ito sa gobyerno. Napag-alaman na nakuha ng dalawang water concessionaire ang ekstensyon ng kanilang kontrata na mula 2022 hanggang 2037. Kinumpirman naman ni MWSS deputy administrator Leonor Cleofas…
Read MoreCHACHA AYAW ISUKO NG KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) AYAW isuko ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Charter Change (ChaCha) kaya umapela ang mga ito sa mga senador na “buksan ang kanilang isip” sa isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas. Sa panayam ng mga mamamahayag kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, chair ng House committee on constitutional amendments, hindi aniya isara agad ng mga senador ang kanilang pintuan sa ChaCha. “I really appeal to our good senators. Instead of brushing aside our proposals for them to really study because there are four proposals which…
Read MoreCSC NAGLABAS NG MGA BAWAL SA CHRISTMAS PARTY
(NI ABBY MENDOZA) NAGPAALALA ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng gobyerno na magdaos lamang ng mga simpleng parties at tiyakin na walang solicitation na gagawin at iinom ng mga nakalalasing na inumin. Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, itinatakda sa 2011 CSC resolution na bawal ang magarbong Christmas parties gayundin ay ipinagbabawal ang pag-inom ng alcoholic beverages sa government premises tuwing office hours. “Number 1, bawal ho yung mga alcohol within government offices, premises. So kahit na sa parking lot or yung nasa field offices. Exceptions lang po,…
Read MoreLENI PAPANSIN LANG! — PANELO
(NI CHRISTIAN DALE) WALANG nakikitang koneksiyon ang Malakanyang sa ginawang pagpapaliban ni Vice President Leni Robredo ng kanya umanong gagawing ‘expose’ sa drug war ng administrasyon at sa pokus na dapat gawin ng gobyerno para sa mga naging biktima na paglindol sa Southern Mindanao. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala sa lugar ang pakikisimpatiya ng Bise Presidente gayung hindi naman aniya titigil ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan kahit magsalita o ibunyag nito ang umano’y kanyang nadiksubre sa drug war ng pamahalaan. Inihayag ni Panelo na halatang nais lang na makakuha ng…
Read More10-M OFWs PINASALAMATAN SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) KASABAY ng pagdiriwang ng International Migrants Day ay dapat na purihin at pasalamatan ang 10 milyong overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo. Ayon kay Senador Francis Pangilinan, marami ang dapat na ipagpasalamat ng gobyerno sa OFWs dahil sa malaking pondong idinaragdag nito sa kaban ng bansa. “Sa maraming bahagi ng mundo, preferred ang manggagawang Pilipino sa husay at sipag. At salamat sa kanila, meron nang US$27.6 billion remittances sa unang 10 buwan ng taon. Kabilang ito sa nagbibigay ng stability sa…
Read More4.6 MAGNITUDE LINDOL YUMANIG SA MAGSAYSAY, DAVAO DEL SUR
(NI ABBY MENDOZA) ISANG 4.6 magnitude quake ang tumama sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur, dalawang araw matapos ang 6.9 magnitude na pagyanig sa kalapit na bayan na Matanao, Davao del Sur kung saan 7 ang nasawi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs), alas 2:07 ng hapon naramdaman ang lindol na may lalim na 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan. May kalakasan ang naramdamang lindol kung saan naitala ang Intensity 5 sa Hagonoy, Davao del Sur; Intensity 4 sa Davao City at Intensity 3 sa Kidapawan City.…
Read MoreDA GINISA SA GALUNGGONG IMPORTATION
(NI NOEL ABUEL) KINASTIGO ni Senador Francis Tolentino ang Department of Agriculture (DA) sa pagpayag nitong mag-import ng galunggong sa kabila ng sapat ang bilang nito. Ayon kay Tolentino, una nang sinabi ni DA Sec. William Dar na marami ang supply ng galunggong sa bansa kung kaya’t nakapagtatakang kailangang mag-import sa ibang bansa. “Exactly 34 days ago, sinabi mo sa budget hearing na 98.5% ang ating round scad pero bakit ngayon nag import na tayo ng galunggong? Tayo pa naman ang may 5th largest shoreline sa mundo,” pag-uusisa ng senador kay Dar,…
Read More