(NI NOEL ABUEL) KINASTIGO ni Senador Francis Tolentino ang Department of Agriculture (DA) sa pagpayag nitong mag-import ng galunggong sa kabila ng sapat ang bilang nito. Ayon kay Tolentino, una nang sinabi ni DA Sec. William Dar na marami ang supply ng galunggong sa bansa kung kaya’t nakapagtatakang kailangang mag-import sa ibang bansa. “Exactly 34 days ago, sinabi mo sa budget hearing na 98.5% ang ating round scad pero bakit ngayon nag import na tayo ng galunggong? Tayo pa naman ang may 5th largest shoreline sa mundo,” pag-uusisa ng senador kay Dar,…
Read MoreTag: da
SMUGGLED POULTRY PRODUCTS SA NAVOTAS IIMBESTIGAHAN
(NI ALAIN AJERO) IIMBESTIGAHAN ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang iligal na pagpapasok ng higit 12.6 toneladang iladong poultry products mula umano sa Tsina na nasabat sa isang storage facility sa lungsod ng Navotas. Sinabi ni Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na tinitingnan na ng bureau ang serial number ng container van na naglalaman ng nasabing kontrabando upang matukoy kung saan ito pumasok at kung sino ang responsable sa inspeksyon nito. Ayon pa kay Maronilla, titingnan ng BOC ang kanilang proseso para malaman kung…
Read MoreP6-B PAMASKO SA MAGSASAKA IPINALALABAS NA SA DOF, DA
(NI NOEL ABUEL) HINIMOK ni Senador Francis Pangilinan sa Departments of Finance (DOF) at Department of Agriculture (DA) ang pagpapalabas ng P6-bilyong cash compensation para sa mga magsasaka ng bigas ngayong Disyembre. Sa ginanap na bicameral conference committee meeting, sinabi ng dating Food Security secretary Pangilinan na magandang regalo sa mga magsasaka ang nasabing cash compensation. “Pamaskuhan naman natin ang ating mga magpapalay na nasalanta ng pagbaha ng murang imported rice. Kailangan na nila ng bayad-pinsala ngayon,” aniya. Noong nakaraang buwan, naghain si Pangilinan ng panukalang batas na naghahangad na dagdagan ang…
Read MorePRESYO NG BILIHIN PINABABANTAYAN SA DTI, DA
(NI NOEL ABUEL) IPINATITIYAK ni Senado Sherwin Gatchalian sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na bantayang mabuti ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado ngayong buwan. Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin ng mga ahensya ng pamahalaan na nababantayan ng mga ito ang presyo ng mga pangunahing bilihin para maiwasan ang mga mananamantala at para mas maging masaya ang Kapaskuhan ng mga mamimili. Dagdag pa ng senador na maliban pa sa panahon ng Kapaskuhan ay may dalang epekto rin sa presyo ng pangunahing bilihin ang…
Read MoreABANDONADONG LUPA NG GOBYERNO, TANIMAN – SOLON
(NI NOEL ABUEL) DAPAT gamitin ang mga abandonadong lupang pag-aari ng pamahalaan para magamit na pagtaniman ng mga pagkain bilang tugon sa kahirapan sa bansa. Ito ang panawagan ni Senador Francis Pangilinan sa gobyerno kung saan dapat aniyang samantalahin ang mga bakanteng lupa na pag-aari ng pamahalaan para pagtaniman ng mga gulay at iba pang pagkain. “Sa ating mga tahanan, pwede tayong mag-umpisa sa pagtatanim ng mga herb gardens, kahit sa mga paso. Bukod sa ligaya sa matitipid sa grocery bills, meron pang ligaya sa pagpitas at pagkain ng sarili…
Read MoreHIGIT 6,000 SA 20,000 BABOY NA PINATAY ANG MAY ASF — DA
(NI ABBY MENDOZA) NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na maliit na porsiyento lamang ng mga baboy ang naapektuhan ng virus na African Swine Fever subalit umabot sa 20,000 kabuuang baboy ang pinatay dahil na rin sa nasa loob ito ng 1 kilometer radius kaya’t nadamay. Ang paglilinaw ay ginawa ng DA sa harap na rin ng mataas na bilang ng baboy na kinailangan nilang ilibing. Sinabi ni DA Spokesperson Noel Reyes, kung tutuusin ay maliit lamang na porsiyento ang tinamaan ng ASF ngunit para hindi na ito kumalat pa…
Read MoreALAGANG BABOY IINSPEKSIYUNIN BAGO KATAYIN – DA
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGBABALA ang Deparent of Agriculture sa mga hog raisers na nagkakatay ng baboy at ibinebenta sa publiko. Ito ay matapos mabisto ng ahensiya ang talamak na bentahan online ng mga baboy sa mga online post. “To ensure that the hog or the meat na na-slaughter ay safe ay dapat na dadaan sa tamang proseso. Ang tamang proseso ay ma-inspect tapos po ay kakatayin sa tamang slaughterhouse,” ani Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, sa panayam. Pinapayuhan ang publiko na bumili lamang ng karne ng baboy sa may…
Read MoreIMPORTED RICE ‘DAGSA’ PERO PRESYO SA MERKADO MAHAL PA RIN
(NI ABBY MENDOZA) MAGTUTULUNGAN na ang Department of Agriculture at Philippine Competition Commission sa imbestigasyon nito kung bakit nanatiling mataas ang presyo ng bigas sa kabila ng pagbaha ng mas murang bigas sa merkado. Sa ilalim ng nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng DA at PCC ay magpapalitan ang dalawang ahensya ng impormasyon at resources para madali ang gagawin nitong imbestigasyon. Ayon kay William Dar, halos nasa 2M metric tons ng imported rice na ang kanilang nailabas sa merkado ngunit hindi pa rin nadidiktahan ang presyo ng bigas sa…
Read MoreDA NAKIUSAP SA HOG RAISERS: MAKIPAGTULUNGAN SA GOBYERNO
(NI ABBY MENDOZA) UMAAPELA si Agriculture Secretary William Dar sa mga hog raisers na makipagtulungan sa pamahalaan para hindi na kumalat pa ang African Swine Flu(ASF) at kapalit nito ay tulong naman ng gobyerno sa kanila. Ayon kay Dar, hindi na kakalat pa ang ASF kung magiging responsable ang mga nag-aalaga ng baboy na agad ipaalam sa DA ang kalagayan ng kanilang baboy at tutulong sa maayos na disposal ng may sakit na alaga sa halip na paanurin sa ilog. “We are again requesting lahat po ng nag-aalaga ng baboy,…
Read More