(NI BERNARD TAGUINOD) PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbababa sa retirement age ng mga government employees. Walang kahirap-hirap na lumusot ang House Bill (HB) 5508 sa botong 192 pabor at walang tumutol, kung saan maaaring magretiro sa edad 56 anyos ang mga government employees. Sa kasalukuyan, 60 anyos ang early retirement age ng mga government employees at 65 anyos naman ang mandatory retirement. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, isa sa mga may akda sa nasabing panukala, kabilang ang…
Read MoreAuthor: Jet
450 AFTERSCHOCKS NAITALA SA DAVAO DEL SUR
(NI ABBY MENDOZA) NASA 450 aftershocks na ang naitala sa Mindanao matapos ang 6.9 magnitude quake na tumama sa Matanao, Davao del Sur at marami pang aftershocks ang maaaring maramdaman sa loob ng susunod na tatlong araw subalit mas magiging mahina na ito. Ayon sa Philippine Institute Volcanology and Seismology (Phivolcs) maliban sa aftershocks ay kanilang pinag iingat ang mga residente sa posible pang dagdag na pinsala dahil sa nakakaramdam pa rin ng bahagyag malalakas na aftershocks. Inaalam pa ng Phivolcs kung magkadugtong ang nangyaring lindol noong Oktubre at ang…
Read MoreBUDGET NG OFW DEPARTMENT APRUB NA
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T hindi pa naitatatag ang Department of Overseas Filipino Workers, inaprubhan na ang pondo ng nasabing departamento na isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatatag. Sa pagdinig ng House appropriation committee, may inisyal na P3 Billion ang nasabing departamento na tatawaging ‘Department of Filipinos Overseas’ dahil hindi lamang ang mga manggagawang Filipino sa ibang bansa ang sasakupin nito kundi lahat ng Pinoy na nakatira sa iba’t ibang panig ng mundo. Base sa inaprubahan ng nasabing komite, sa unang taon ng nasabing departamento lalo na kapag naitatag na ito…
Read More‘ONE STRIKE POLICY’ PAIIRALIN SA OPISYAL VS INDISCRIMINATE FIRING
(NI JG TUMBADO) MAAARING maharap sa agad na pagsibak sa posisyon ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na mabibigong maresolba ang mga kaso ng indiscriminate firing o ilegal na pagpapaputok ngayong holiday season. Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Lieutenant General Camilo Cascolan, may babala na sila sa mga chief of police at police unit commanders na resolbahin sa loob lamang ng 24-oras ang mga kaso ng ilegal na pagpapaputok ng baril. Bahagi ito ng pinaiiral nang operation plan na Paskuhan 2019 para siguruhing magiging mapayapa ang…
Read MoreP200-B FORFEITURE CASE IBINASURA NG SANDIGAN VS PAMILYA MARCOS
(NI ABBY MENDOZA) PANIBAGONG forfeiture case na nasa P200-bilyon laban sa pamilya Marcos at crony nito ang ibinasura ng Sandiganbayan dahil sa kawalan ng ebidensya. Ito na ang ikaapat na civil case laban sa mga Marcoses na ibinasura ng graft court ngayong taon. Matatandaan na 3 pang forfeiture case ang naipanalo ng mga Marcoses dahil din sa kawalan ng ebidensya kabilang dito ang P102B noong Agosto, P1-billion noong September at P267.371M noong October 14, 2019. Sa 58 pahinang desisyon ng Sandiganbayan sinabi nito na ang pagbasura sa kaso ay dahil…
Read MoreDENR, DOT, DA KINALAMPAG SA NAGLALAHONG BANAUE RICE TERRACES
(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Imee Marcos ang mga ahensya ng pamahalaan na agarang kumilos bago pa mahuli ang lahat at hindi na makita ng mga kabataan ang ganda ng Banaue Rice Terraces sa Ifugao. “Nananawagan ako sa lokal na pamahalaan ng Ifugao, sa Department of Environment and Natural Resources, sa Department of Tourism at maging sa Department of Agriculture, magtulungan tayo rito. Pangalan ng bansa ang nakataya rito,” giit ni Marcos. Aniya, hindi sapat ang aksyon ng naturang mga sangay ng pamahalaan na dapat tumutok sa problema ng Banaue…
Read MorePADADA, DAVAO DEL SUR NASA STATE OF CALAMITY NA
(NI NICK ECHEVARRIA) ISINAILALIM na sa state of calamity ang bayan ng Padada, Davao del Sur dahil sa tinamong grabeng pinsala dulot ng lindol. Kasabay nito, tatlo na ang naitalang patay, anim ang nailigtas habang anim din ang patuloy na pinaghahanap sa gumuhong shopping center sa bayan ng Padada, Davao del Sur, matapos yanigin ng 6.9 magnitude na lindol ang nasabing lalawigan, Linggo ng hapon. Ito ang kinumpirma ni Christopher Tan mula sa Padada Municipal Risk Reduction and Management Office. Unang narekober ang balawang bangkay mula sa gumuhong Southern Trade…
Read MoreKAMARA SA CHACHA: ‘WAG MANGARAP NANG GISING — DRILON
(NI NOEL ABUEL) PINAYUHAN ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga kongresista na nagpupumilit na isulong ang Charter (Chacha) na siguraduhin na mayroong return address ang mga ito. Paliwanag ni Drilon, nangangarap lamang ng gising ang mga kongresistang nasa likod ng Chacha dahil sa hindi ito prayoridad ng Senado. Idinagdag pa nito na mismong si Senate President Vicente Sotto III ang nagpahayag na walang oras ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para sa pagsusulong ng Saligang Batas. “If the House of Representatives would insist on passing Cha-cha, make it a…
Read MoreBATO MASAMA ANG LOOB SA KANSELASYON NG US VISA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na masama ang kanyang loob sa impormasyon na kinansela ng Estados Unidos ang kanyang visa. Sinabi ni Bato na hanggang sa ngayon ay wala pa naman siyang natatanggap na opisyal na impormasyon mula sa Amerika hinggil sa pagkansela sa kanyang visa kaya’t makikipag-ugnayan anya siya sa embahada. “Kawawa naman ang Filipino kung hindi natin alam. Halimbawa pumunta ako ng Amerika, hindi nila ako papasukin? Papauwiin nila ako, malaki na nagastos ko. Anyway that is privilege, not a right,” saad ni…
Read More