THAILAND SADSAD SA PINOY BATTERS

(NI DENNIS IÑIGO) NALUSUTAN ng Philippine baseball team ang isa sa pinakamalakas na karibal nang pasadsadin ang Thailand, 3-2, sa buwenamanong hatawan sa baseball event ng 30th Southeast Asian Games sa Day 3 sa Field 1 ng Clark Freeport Zone, Pampanga. Unang nagpadausdos ang Thai batters,  may limang malakas na Thai-American players,  sa ituktok ng unang inning  na sinagot naman ng 3-runs ng Pinoy sa bottom second. Lumutang ang husay sa mound nina Pinoy pitchers  Francis Geizmundo na pumukol ng  8 innings at  isa naman kay Miguel Salud upang hindi…

Read More

10 BUWAN ANG NAKALIPAS PERO DEPT. OF HOUSING BLANGKO PA RIN

(NI BERNARD TAGUINOD) SAMPUNG  buwan pagkatapos pirmahan ang Republic Act (RA) 11201 o Deparment of Housing Settlements and Urban Development (DHSUP) subalit hindi pa naitatatag ang nasabing departamento. Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, mahalaga ang papel ng nasabing ahensya sa panahon ng kalamidad lalo na sa mga kabahayan na masisira tuwing may bagyo. Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa naitatatag ang nasabing ahensya kung saan pag-iisahin ang lahat ng mga opisina na may kinalaman sa pabahay  tulad ng National Housing Authority (NHA) at Housing and Urban Development Coordinating Council…

Read More

IKA-18 SEAG GOLD TARGET NG GILAS

(NI VT ROMANO/PHOTO MJ ROMERO) UMULAN man o umaraw, tiyak na dudumugin ng fans ang Mall of Asia Arena upang saksihan ang pagsisimula ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa men’s basketball event ng 30th SEA Games. Ang Nationals na pangungunahan ni head coach Tim Cone ay kinakatawan nina Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Kiefer Ravena, Chris Ross, Troy Rosario, Christian Standhardinger, Greg Slaughter, LA Tenorio at Matthew Wright. Si Slaughter, sentro ng Brgy. Ginebra, ang ipinalit ni Cone kay RR Pogoy, matapos itong ma-injure…

Read More

BAGYONG TISOY HUMINA NA MATAPOS ANG 4 NA LANDFALL — PAGASA

BAGYONG USMAN-2

(ABBY MENDOZA) MAY apat na beses tumama sa lupa ang bagyong Tisoy na naging dahilan ng tuluyang paghina nito. Bagama’t bahagya na itong humina habang tinatahak ang direksyon patungo sa West Philippine Sea ay nanatiling nakataas ang Storm Signal No 3 sa tatlong lugar habang malaking bahagi pa rin ng Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 batay sa 5:00 weather update na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa). Unang naglandfall ang bagyong Tisoy alas 11:00 ng gabi noong Disyembre 2 sa Gubat, Sorsogon; ikalawa…

Read More

MASBATE EX-MAYOR HINATULAN NG 20 TAONG PAGKAKAKULONG 

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa kabiguan na i-liquidate ang P26.5M cash advances, pinatawan ng 20 taong pagkakakulong ng Sandiganbayan Seventh Division ang dating alkalde ng Masbate matapos mapatunayang guilty sa kasong malversation of public funds. Si Milagros Masbate Mayor Bernardito Abado ay hinatulang guilty at pinatawan ng parusang  pagkakakulong ng 12 hanggang 20 taon, bukod dito  ay diskuwalipikado na din si Abapo na makapagtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno at inatasan ito ibalik sa gobyerno ang nasabing halaga. Binigyang bigat ng Sandiganbayan sa pagdedesisyon sa kaso ang kabiguan ni Abapo…

Read More

MUSLIM COPS IDEDEPLOY SA SEA GAMES

(NI NICK ECHEVARRIA) MAGTATALAGA si National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief P/BGen. Debold Sinas ng mga pulis na Muslim sa mga lugar na pinagdarausan ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) sa bansa para palakasin ang Muslim cultural sensitivity. Ginawa ni Sinas ang hakbang matapos mabatid sa kanilang patuloy na pakikipag-usap sa mga organizers ng SEA Games na ganito rin ang ginagawa ng ibang mga bansa na nag-host ng SEA Games. Ayon kay Sinas maliban sa mga pinagdarausan ng palaro, magtatalaga din ng tig-dalawang muslim cops (1lalaki at 1 babae) sa bawat lugar na tinutuluyan ng…

Read More

SOTTO: MANILA REPRESENTASYON NG PILIPINAS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MISTULANG pinasaringan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III  ang mga kumukwestyon sa pagpili ng kanta sa opening ceremony ng SEA Games, noong Sabado ng gabi. Ipinaalala ni Sotto na ang Manila ay representasyon ng Pilipinas at hindi lamang dapat ituring na isang bahagi. “Inclusion yung sinasabi ng iba e. Hindi, its representation. Manila represents the entire country  anywhere you go in the world. Pag sinabing Manila, alam na nilang Pilipinas yun,” saad ni Sotto. Kasabay nito, kinatigan pa ni Sotto ang musical directo at mga taong nasa…

Read More

NAT’L BUDGET PIPIRMAHAN NI DU30 BAGO MAG-CHRISTMAS BREAK

(NI BERNARD TAGUINOD) MAPIPIRMAHAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion bago maghiwa-hiwalay ang mga mambabatas sa dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa Christmas breaks sa Disyembre 18. Ginawa ni House committee on appropriation committee chairman Isidro Ungab ang nasabing pahayag bago ang kanilang pulong ni Senate Finance committee chairman Sen. Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara nitong Martes. “Hopefully before the Christmas break, the budget will be signed already. That’s our target,” ani Ungab kaya kahit suspendido ang trabaho sa Kamara dahil sa bagyong Tisoy…

Read More

MAS MABIGAT NA PARUSA SA CHILD ABUSE

(NI BERNARD TAGUINOD) BIBIGATAN na ang parusa sa mga mang-aabuso at magsasamantala sa mga bata kasunod ng hindi matigil-tigil na paggamit sa mga ito ng sindikato para mamalimos o kaya ibenta sa internet. Lahat ng mga miyembro ng House committee on the  welfare of children na pinamumunuan ni Tingog party-list Rep. Yedda Romualdez ay bumoto sa House Bill 137 para bigatan ang parusa sa Child abuse law na ginawa pa noong 1992. “The law needs updating now and the penalties imposed therein do not seem attuned to the 21st century. It…

Read More