(NI BERNARD TAGUINOD) KINUMPIRMA ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na totoo ang P160 milyon ang pondo ng bawat kongresista na mas malaki sa P70 Million bago idineklara ng Korte Suprema noong 2013 na unconstitutional ang dating PDAF o priority development assistant funds. “Totoo yun,” ani ACT party-list Rep. Antonio Tinio sa kanilang press conference subalit nilinaw ng mga ito na hindi sila kasama sa nagkaroon ng nasabing pondo. Bukas (Biyernes) ay aaprubahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report sa P3.757 trilyon pondo…
Read MoreAuthor: Jet
DU30: KAMPANYA SA BAKUNA DOBLEHIN
(NI LILIBETH JULIAN) MAHIGPIT na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DoH) na palakasin at doblehin pa ang kampanya para sa pagbabakuna. Ang direktiba ng Pangulo ay kasunod ng ulat na nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na nagkaroon ng measles outbreak. Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, mismong ang Pangulo na ang humihikayat sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak para maprotektahan laban sa sakit. Base sa pinakahling ulat ng DoH ay isinailalim sa measles outbreak ang National Capital Region, Cagayan Valley, Central…
Read MoreSOLONS NABAHALA SA DELAY NG PRINT NG BALOTA
(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang ilang senador sa posibilidad na kulangin ang supply ng balota na gagamitin sa darating na 2019 national elections. Sinabi ni Senador Koko Pimentel na na-delay ang Comelec ng 18 araw maliban pa sa magpi-print din ito ng anim milyong dagdag na balota dahil sa nadagdagan ang bilang ngga botante. “I’m worried sa printing of ballots kasi na delay ang Comelec ng 18 days then magpi-print sila ng mas maraming additional 6m more ballots compared sa last elections, so na-delay ka na ng 18 days…
Read MoreDIOKNO KINASTIGO SA ITINAGONG PONDO
(NI BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil imbes na ibalik nito sa taumbayan ang kanilang binabayarang buwis ay iniipon niya ito. Ginawa ni House appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr., ang pagkastigo kay Diokno matapos aminin ng kalihim na umaabot sa P370 bilyong ng mamamayan ang hindi nagastos ng gobyerno noong 2017. “Hindi trabaho ng gobyerno ang mag-impok sa bangko. Ang buwis ng tao, ibinabalik sa pamamagitan ng serbisyo. Ano yan, pinatutubuan ng interest habang madaming nagugutom…
Read MoreCANVASSING INIHINTO PANSAMANTALA NG COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) PANSAMANTALANG inihinto ng Commission on Elections (Comelec) chair Sheriff Abas ang canvassing of votes para sa ikalawang round ng plebisito matapos mabatid na hindi pa nakararating sa Central Office ng Comelec sa Intramuros, Maynila ang mga certificates of canvass (COC) mula sa mga lugar na sakop ng plebesito sa Lanao del Norte at North Cotabato. Kasabay nito, itinakda na ni Abas ang pagpapatuloy ng canvassing ng mga boto sa Pebrero 11, dakong alas2 ng hapon. Una nang niratipikahan noong Enero 21 ang Bangsamoro Organic Law (BOL) matapos…
Read MoreBASTOS SA KALSADA, SOCIAL MEDIA MAY KALALAGYAN
(NI BERNARD TAGUINOD) PIRMA na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte at paparusahan na ang mga sisipol at mambabatos sa mga kababaihan sa lahat ng lugar, kasama na sa sa social media. Ito ay matapos ratipikahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Safe Space Philippines Bill na magbibigay proteksyon sa mga kababaihan na karaniwang sinisipulan, binasbastos sa kalsada, eskuwelahan, opisina at maging sa social media. Ipinadala na ng Kamara ang kopya ng nasabing panukala kay Duterte at umaasa ang mga mambabatas na pipirmahan agad ito ng Pangulo upang maipatupad na agad…
Read MoreASG LEADER IDANG SUSUKAN PATAY SA OPENSIBA
(NI JG TUMBADO) KINUMPIRMA ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakasawi ni Abu Sayyaf Group sub-commander Idang Susukan matapos ang mas pinaigting na air at ground assault ng militar at pulisya laban sa mga terorista sa Patikul, Sulu noong February 2. Batay sa ipinahayag kahapon ni Asst. Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations at tagapagsalita ng AFP na si Brig. General Edgard Arevalo, February 4, araw ng Lunes ng malagutan ng hininga ang notoryus na ASG sub leader bunsod ng kumplikasyon mula sa tinamong mga…
Read MoreALERT STATUS NG NCRPO IBINABA NA
(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY EDD CASTRO) MULA sa full alert, ibinaba na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa heigthened alert status ang Metro Manila. Ito ang pahayag kahapon ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar. Ayon kay Eleazar, simula kahapon ay epektibo na ang pagbababa ng antas sa alerto matapos ideklara ni Philippine Nationa Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na lutas na ang kaso ng pambobomba sa Jolo Sulu. Sinabi ng opisyal, maliit lang ng pagkakaiba ng heigthend alert at full alert status dahil bahagya lamang ang pagbabawas at…
Read MoreSUBPOENA KAY DIOKNO IPINADALA NA NI GMA
(NI BERNARD TAGUINOD) NILAGDAAN at naipadala na ni House Speaker Gloria Macapagal ang subpoena ang subpoena laban kay Departmet of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno. Sa kopya ng subpoena ad testificandum na inisyu laban kay Diokno, inaatasan ni Arroyo ang kalihim na dumalo sa pagdinig ng House committee on appropriation ngayong (Biyernes) ng umaga sa Batasan Pambansa. Ipinaalala ni Arroyo kay Diokno ang Section 13 ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation ng Kamara na may karapatan ito na asistehan ng abogado. “Failure to comply…
Read More