NAGTAKDA ng oras ng curfew para sa mga menor de edad ang barangay Fort Bonifacio magmula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw. Ayon kay Barangay Captain Sonny Vertulfo, ng Fort Bonifacio, pinagbabawal na lumabas ng bahay at gumala ang mga may edad 18 pababa sa loob ng oras ng itinakdang curfew. Gayunman, nilinaw ng barangay na papayagang lumabas ang mga menor de edad na may kasamang magulang o legal guardian at may sapat na dahilan. Sinabi ni Vertulfo na ang curfew ay hindi lamang simpleng pagbabawal, kundi isang…
Read MoreAuthor: admin 3
EXPANDED PENSION SA LAHAT NG SENIORS ISINUSULONG NI VILLAR
INIHAIN ni Senador Mark Villar ang Senate Bill No. 95 o Universal Social Pension for Senior Citizens na naglalayong magbigay ng pantay na pensyon sa lahat ng nakatatanda, anoman ang kanilang estado sa buhay. Sa ilalim ng panukala, lahat ng senior citizen ay makatatanggap ng buwanang stipend na hindi bababa sa ₱500, at tataas ito sa ₱1,000 sa loob ng limang taon, kahit pa mayroon na silang natatanggap na ibang pensyon. Binigyang-diin ni Villar na panahon nang amyendahan ang Republic Act No. 7432 upang matugunan ang mabilis na paglaki ng…
Read MoreOFW SA SAUDI ARABIA HILING AGARANG REPATRIATION
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa OFW JUAN sa Saksi Ngayon ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang hospital cleaner sa Saudi Arabia, upang manawagan ng tulong para makauwi agad sa Pilipinas dahil hindi umano siya maayos na pinasasahod ng kanyang employer. Kinilala ang OFW na si Jhayzell Marasigan Vito, 28-anyos, dalaga, at kasalukuyang naka-deploy sa Abha, Saudi Arabia. Dumating siya sa nasabing bansa noong Nobyembre 30, 2024 sa pamamagitan ng lokal na ahensya na Sun Hikkari at foreign agency na Geha Company. Ayon sa…
Read MoreSENADO BUBUWAGIN SA BAGONG KONSTITUSYON
DPA ni BERNARD TAGUINOD KUMAKALAT ngayon sa social media ang draft ng bagong Saligang Batas na tuluyang bubuwag sa Senado dahil magiging unicameral ang sistemang isinusulong ng mga nasa likod ng pag-amyenda sa 1987 Constitution. Sa ilalim ng bagong saligang batas, Parliament na ang gagawa ng batas kung saan ang mga miyembro nito ay ihahalal sa 254 parliamentary districts na ngayon ay tinatawag nating congressional district. Hindi na sila tatawaging congressmen kundi MP as in Members of the Parliament. Magkakaroon pa rin ng 76 sectoral representatives na tulad ng party-list…
Read MoreTHESIS SA PRESYONG LIMANG LIBO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAINGAY ang usapan online lalo na sa X tungkol sa isang content creator na tinatawag ang sarili niysang “Your Thesis Bestie.” Hayagan niyang sinabi na nag-aalok siya ng serbisyo para gumawa ng thesis. Kapalit ng limang libong piso, ginagamit niya ang ChatGPT para buuin ang mga research paper ng mga estudyante. May mga video pa siyang ipinakikita kung paano niya ito ginagawa. May mga natawa, marami ang nagalit, at karamihan ay nagsabing hindi ito tama. Sumasang-ayon ako roon. Ipinagmamalaki rin niya na siya ay…
Read MoreDPWH DIST. ENGR. NA NAHULI SA ENTRAPMENT GAGAWING STATE WITNESS
PUNA ni JOEL O. AMONGO NANINIWALA si Batangas 1st District Congressman Leandro Leviste na may mas mataas pa na gumagamit kay Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st District Engineer Abelardo Calalo kaya nagawa nitong tangkain siyang suhulan kamakailan sa Taal, Batangas. Bunsod nito, gusto ni Cong. Leviste na maging state witness si Engineer Calalo para ituro nito ang malalaking isda na nasa likod ng maanomalyang flood control projects sa 1st District ng Batangas. Ayon sa mambabatas, sinabi ni Engineer Calalo na ang ibibigay sanang P3.1 milyong suhol sa…
Read MoreGHOST PROJECTS SA BULACAN PINONDOHAN NG DUTERTE ADMIN?
PROYEKTO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang flood control projects sa Bulacan na umano’y substandard. Ito ang nilinaw ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na nangangalap ng mga dokumento bilang paghahanda sa isasagawang imbestigasyon ng Tri-Infra Committee sa mga anomalya sa flood control projects. Inihalimbawa ng mambabatas ang P96.4 million “Rehabilitation of River Protection Structure sa Bulusan, Calumpit, Bulacan na ipinatupad ng DPWH First District Engineering Office at St. Timothy Construction…
Read MoreSOLONS: MARCOS UNAHIN SA LIFESTYLE CHECK
(BERNARD TAGUINOD) SI Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat mauna sa kanyang iniutos na lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng ilang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa flood control project. Ayon ito kina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Renee Co. Bagama’t sinusuportahan umano ng dalawang mambabatas ang kautusan ng Pangulo, mas kapani-paniwala anila kung siya ang maunang sumailalim sa lifestyle check dahil sa sistematikong corruption sa ilalim ng kanyang administrasyon. “Marcos should be the first one since he has confidential and…
Read MorePagsibak kay Torre trending MAHINA TALAGA SI PBBM – NETIZENS
KINUYOG ng mga netizen ang Malakanyang matapos ang biglaang pagsibak sa pwesto kay dating Philippine National Police (PNP) Chief si P/Gen. Nicolas Torre III kamakalawa. Hindi lamang mga ordinaryong netizen ang nagdabog sa social media kundi maging ilang kilalang personalidad at miyembro ng Kamara tulad nina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ay napa-ANYARE? Dismayado si de Lima sa pagkakasibak kay Torre na may malaking papel na ginampanan sa high profile arrests nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Apollo Quiboloy. Post niya sa…
Read More