INULAN sa online ng pagbabanta na pasasabugin ang isang catholic school sa Bacoor City Cavite noong Miyerkoles ng umaga. Kabilang sa pagbabanta mula sa Facebook account ng St. Michael Institute Inc. na matatagpuan sa General Evangelista St., Tabing Dagat, Poblacion, Bacoor City, Cavite, na natanggap ng isang guro ang sumusunod: 1. “Greetings St. Michael’s Institute Of Bacoor first of all gusto ko lang magpakilala, isa akong taong hindi studyante o guro ngunit gusto ko lang makaganti sa may mga atraso sa kin dyan sa school nyo, mas lalo na yung…
Read MoreAuthor: admin 3
TULAY NA MAG-UUGNAY SA SAMAL AT DAVAO CITY PINAPAPASPASAN
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agarang aksyunan ang mga usapin sa pondo upang mapabilis ang konstruksyon ng Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Project at matiyak ang pagkumpleto nito sa itinakdang panahon. Inaasahang magpapabilis sa biyahe at magpapalawak ng oportunidad sa negosyo at ekonomiya sa Davao City at Island Garden City of Samal ang proyekto sa sandaling matapos ang tulay. Ayon sa Pangulo, dapat maghatid ng makabuluhang pagbabago sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan ang mga pamumuhunan ng pamahalaan…
Read MorePNP, PDEA PINALALAWAK IMBESTIGASYON SA 67 KILONG SHABU; DRUG NETWORK TINUTUTUKAN
PINALALAWAK ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang imbestigasyon upang matukoy at mawasak ang buong drug network sa likod ng pagkakasamsam ng 67 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱455.6 milyon sa Zamboanga City. Nilinaw ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na hindi magtatapos sa pagkakaaresto sa apat na suspek ang operasyon dahil kailangang matukoy ang mga pinagmumulan ng droga, financier, distributor at iba pang personalidad na sangkot sa ilegal na kalakalan. “Inutusan ko ang ating mga kinauukulang yunit na palawigin ang…
Read MoreJUDGE PATAY SA PAMAMARIL SA ZAMBOANGA CITY
PATAY ang isang judge ng Regional Trial Court sa Basilan makaraang pagbabarilin habang lulan ng kanyang sasakyan. Ayon sa ulat ng Zamboanga Police Station, sakay si Regional Trial Court (RTC) Branch 2 Presiding Judge Joseph M. Wee Sit sa kanyang sasakyan nang pagbabarilin dakong alas-5:25 nitong Huwebes ng umaga sa Tumaga-Putik Road, Barangay Tumaga, Zamboanga City. Kaagad namang nagresponde ang Zamboanga City Police Station 7 matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen. Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Police Regional Office 9 at Zamboanga CPO upang…
Read MoreCOMELEC WALANG ‘K’ MAGTAKDA NG BAGONG PETSA NG BSKE — GARCIA
WALANG kapangyarihan ang Commission on Elections (Comelec) na magtakda ng bagong petsa para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na unang nakatakdang idaos noong Nobyembre 2 ngunit ipinagpaliban, ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos maghain si election lawyer Romulo Macalintal ng motion for partial reconsideration sa desisyon ng Supreme Court (SC) na nagpapatibay sa constitutionality ng Republic Act No. 12326. Sa ilalim ng batas, pinalawig sa limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at itinakda sa Nobyembre 13, 2028 ang susunod…
Read MoreLA FESTEJADA, TAMPOK SA IKA-45 GRAND MARIAN PROCESSION SA INTRAMUROS (Mahigit 100 imahen ng Birheng Maria, lalahok sa makasaysayang pagtitipon)
Imahe ng Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción INTRAMUROS, Maynila — Muling magiging sentro ng debosyong Marian sa bansa ang makasaysayang Intramuros sa Disyembre 6, 2026, sa pagdaraos ng ika-45 Grand Marian Procession, na lalahukan ng mahigit 100 imahen ng Mahal na Birheng Maria mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Tampok sa taunang pagtitipon ang opisyal na host image na Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción – Mater Purísima, na mas kilala bilang La Festejada. Bilang sentrong imahen at Reyna ng pagdiriwang, pangungunahan nito ang pagtitipon na pinangangasiwaan ng…
Read MoreOVERCHARGING AT UNDERCHARGING SA PAMASAHE PAGLABAG SA PRANGKISA — LCSP
PAREHONG itinuturing na paglabag sa prangkisa ang paniningil ng mas mataas (overcharging) at mas mababang (undercharging) pasahe kaysa sa itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ang paliwanag ni Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) founder Atty. Ariel Inton kaugnay ng mga reklamo sa overcharging at undercharging sa pampublikong transportasyon na saklaw ng mga regulasyon ng LTFRB. Ayon kay Inton, sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01, kapwa itinuturing na franchise violation ang dalawang uri ng paglabag sa itinakdang pamasahe. Karaniwang reklamo ng mga pasahero…
Read MoreLPG PLAYERS, INALMAHAN PUBLIC CONSULTATION SA DOE DAHIL SA UMANO’Y IREGULARIDAD
UMALMA ang National LPG Alliance of the Philippines Inc. (NLAP) at iba pang independent LPG dealers at stakeholders sa isinagawang public consultation ng Department of Energy (DOE) hinggil sa panukalang guidelines para sa LPG Cylinder Swapping Centers dahil sa umano’y iregularidad sa proseso. Ginanap ang konsultasyon sa DOE gym sa Taguig City sa pangunguna ng Oil Industry Management Bureau (OIMB). Ayon kay NLAP President Jose “Jojo” Cruz, kuwestiyonable umano ang paunang proseso dahil limitado sa dalawang kinatawan lamang ang pinapayagang dumalo sa conference room at hindi rin pinahihintulutan ang media.…
Read MoreNEPOMUCENO, NAG-IWAN NG MAS MATATAG AT MAS PINAGKAKATIWALAANG BUREAU OF CUSTOMS
NAG-IWAN ng mas matatag, mas nagkakaisa at higit na pinagkakatiwalaang institusyon si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa paghahanda niyang ipasa ang pamumuno ng Kawanihan sa susunod na mamumuno nito. Sa inilabas na pahayag ng BOC, sinabi na higit pa sa mga nakamit sa pangongolekta ng kita at pagpapatupad ng batas ang pamana ni Nepomuceno, dahil naitatag din niya ang mga repormang nagpalakas sa integridad, pananagutan at modernisasyon ng ahensya. Mula nang maupo sa puwesto noong Hulyo 2025, itinaguyod ni Nepomuceno ang programang Integrity, Accountability, and Modernization…
Read More