MAGING ang pinakamalaking grupo ng mga negosyante na kabilang sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII,) ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa inilabas na AI-generated video ng China Daily na naglalarawan sa Pilipinas sa pamamagitan ng derogatory caricature. Kasabay nito, sama-samang hiniling ng lahat ng kasapi ng FFCCCII sa China Daily na tanggalin ang nasabing nakasisirang puri na caricature. “We respectfully urge that this video be taken down and removed. No matter how sincere or deeply held the differences between governments on maritime or territorial…
Read MoreAuthor: admin 3
POLICE CAPTAIN PATAY SA PAGRESPONDE SA GULO SA VIDEOKE BAR
DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang pulis makaraang barilin nang magresponde sa isang kaguluhan sa videoke bar sa Capiz. Kinilala ang biktimang si PCapt. Rian Fuentes Ampoyos, nakatalaga sa 1st Capiz Provincial Mobile Force Company. Ayon kay PRO 6 Regional Director P/B General Randulf Tuaño, nagresponde si Ampayos kasama ang dalawa nitong tauhan makaraang makatanggap ng tawag hinggil sa kaguluhan sa isang videoke bar sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz nitong Lunes ng madaling araw. Habang inaawat ng biktima ang mga nag-aaway, minalas naman itong mabaril sa ulo ng isa…
Read More‘FORGIVENESS CLAUSE’ SA MGA KASONG RAPE, PINAAALIS
NAGHAIN si Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula ng House Bill No. 10099 na naglalayong alisin ang “forgiveness clause” sa Revised Penal Code kaugnay ng kasong rape. Layunin ng panukala na alisin ang Article 266-C ng Revised Penal Code na nagpapawalang-bisa sa criminal liability ng rapist kapag pinakasalan nito ang biktima o kapag pinatawad ng asawa ang asawang nanggahasa. Ayon kay Ismula, hindi dapat gamitin ang kasal o kapatawaran upang makaiwas sa pananagutan ang salarin. Katuwang ni Ismula sa panukala sina Akbayan Party-list Reps. Chel Diokno at Perci Cendaña, at…
Read MoreDIOKNO: BUONG FINANCIAL PICTURE KAILANGAN SA MGA KASONG UNEXPLAINED WEALTH
IGINIIT ni House prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa Senate impeachment court na dapat masuri ang kabuuang kalagayang pinansyal ng isang opisyal sa pagdinig ng mga kasong may kaugnayan sa unexplained wealth. Ayon kay Diokno, batay sa jurisprudence ng Korte Suprema, hindi sapat ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at income tax return (ITR), kaya hinihiling ng prosekusyon ang bank records, Bureau of Internal Revenue (BIR) records, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice President Sara Duterte. Binanggit niya ang desisyon ng Korte Suprema…
Read MorePAG-AMIN NA ‘KOMUNISTA’ NI ROBIN IPINAUBAYA NA SA AFP
IPINAUBAYA ng Department of National Defense (DND) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-aksyon kaugnay ng pag-amin ni Senator-Judge Robinhood Padilla na siya ay isang “komunista” sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang AFP ang dapat magsagawa ng kaukulang proseso kaugnay ng naturang pahayag, lalo’t si Padilla ay isang colonel sa Philippine Army Reserve Force. Nauna nang sinabi ni Padilla sa pagtatanong kay National Bureau of Investigation (NBI)-BARMM Regional Director Atty. Jeremy Lotoc na, “Komunista po ako,”…
Read MoreCAYETANO SA SENATOR-JUDGES: TUNGKULIN NATING LITISIN AT PAGDESISYUNAN KASO NI VP DUTERTE
IGINIIT ni Senate Minority Leader at Senator-Judge Alan Peter Cayetano na ang tungkulin ng Senate impeachment court ay litisin at pagdesisyunan ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte batay sa ebidensiya. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad ng impeachment court at ng bawat senator-judge sa gitna ng mga isyung nakapalibot sa paglilitis. “Ilang beses ko na narinig dito na it’s our job to clear or prosecute the Vice President. Hindi po, it’s our job to try and to decide. It’s the prosecution’s job to… prosecute. And…
Read MoreALERTO NG PH ARMY ITINAAS SA SERYE NG HARASSMENT BAGO BARMM POLLS
ITINAAS ng Philippine Army ang alert status ng kanilang mga tauhan matapos ang serye ng harassment incidents laban sa mga military detachment sa Maguindanao, mahigit dalawang buwan bago ang nakatakdang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre 14. Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Ronald Suscano, ilang pag-atake na ang naitala laban sa mga tropa at pasilidad ng Philippine Army sa mga lalawigan ng Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang naghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections. Sa ulat, hinarass ng may 15 armadong kalalakihan…
Read MoreDOJ DUMISTANSYA SA TAGUIG GHOST FLOOD CONTROL PROJECTS PROBE
DUMISTANSYA ang Department of Justice (DOJ) sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y 11 ghost flood control projects sa Taguig City. Sa isang ambush interview, sinabi ni DOJ Secretary Fredderick Vida na iginagalang ng kagawaran ang mandato ng NBI na magsagawa ng sariling imbestigasyon. Ayon kay Vida, hindi ipinag-utos ng DOJ ang naturang imbestigasyon kundi bahagi ito ng mandato ng NBI na magsiyasat sa mga posibleng paglabag sa batas. Iginiit din ng kalihim na hindi dapat makaapekto ang naturang usapin sa ginagampanang tungkulin ng mga…
Read MoreWISHLIST SA SONA NI PBBM: GERIATRIC HOSPITAL AT UNIVERSAL PENSION
UMAASA si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na mabanggit at isulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang dalawang mahalagang panukalang-batas para sa nakatatandang populasyon ng bansa. Sinabi ni Ordanes ang pinakamahalagang marinig ng senior citizens sa SONA ni Marcos Jr., ang pag-apruba sa panukalang universal social pension ar Geriatric Health Act. Binanggit din niya ang tama at maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan para mabawasan ang bayarin ng senior citizens sa kanilang pagpapa-ospital. Ilang taon nang…
Read More