SANHI AT EPEKTO NG MAGKAKASUNOD NA BAGYO, HABAGAT PINASUSURI SA SENADO

ISINUSULONG ni Senate President Pro Tempore Vicente C. Sotto III ang malalim na imbestigasyon sa Senado kaugnay ng ugat at matinding epekto ng sunod-sunod na bagyo at Southwest Monsoon o Habagat na tumama sa bansa. Layunin nitong mapalakas ang disaster mitigation at paghahanda ng Pilipinas sa panahon ng kalamidad. Sa ilalim ng Senate Resolution No. 631, sinabi ni Sotto na halos lingguhan ang pananalasa ng mga bagyo at habagat noong Agosto, na nagdulot ng malawakang pagbaha, suspensyon ng klase at trabaho, pagka-stranded ng mga commuter, pagsasara ng mga negosyo at…

Read More

‘MASTERMIND’ TAG PINALAGAN NG KAMPO NI ROMUALDEZ; REMULLA PINAG-IINHIBIT

PINUNA ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez ang Office of the Ombudsman dahil sa umano’y maagang paghatol o “prejudgment” matapos siyang tawaging “mastermind” kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga flood-control project. Ayon kay Atty. Ade Fajardo, legal counsel ni Romualdez, lubhang nakababahala ang pagpapataw ng naturang label habang nagpapatuloy pa ang preliminary investigation. Aniya, lumilikha ito ng impresyon na mayroon nang pinal na konklusyon ang ahensya kahit hindi pa ganap na nasusuri ang mga ebidensya at naihaharap ang panig ng depensa. Dahil dito, muling iginiit ng mga…

Read More

DOH NAGBABALA SA EPEKTO SA KALUSUGAN NG HAZE SA ILANG BAHAGI NG LUZON AT VISAYAS

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na maaaring maging mapanganib sa kalusugan ng publiko ang kumalat na usok o haze sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas. Partikular na tinukoy ng DOH ang lugar sa Anda Circle sa Port Area, Manila, kung saan nananatiling unhealthy ang kalidad ng hangin, lalo na para sa mga bata, matatanda at mga taong may iniindang karamdaman. Iniuugnay ang haze sa forest fire sa Kalimantan, Indonesia, na nagdulot ng transboundary smoke na umabot sa ilang bahagi ng Pilipinas. Ayon sa DOH, maaaring maapektuhan ang respiratory…

Read More

NAVOTAS TANGING CAMANAVA CITY NA WALA SA MMDA FLOOD LIST NOONG AGOSTO 29

NAVOTAS CITY — Habang maraming lugar sa Metro Manila ang binaha kasunod ng biglaang pagbuhos ng malakas na ulan noong Agosto 29, kapansin-pansing naiwasan ng Navotas ang matagalang pagbaha, na nagsilbing aktuwal na pagsubok sa flood-control system na matagal nang binuo at pinatatakbo ng lungsod. Batay sa listahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na iniulat ng DZRH, Navotas ang tanging lungsod sa CAMANAVA area na hindi kabilang sa mga lugar na naitalang binaha. Sa Navotas, mabilis na nailabas ang tubig mula sa mga kalsada habang patuloy na gumana ang…

Read More

PBBM HINIMOK DEPED NA ITURO CLIMATE CHANGE SA MGA BATA

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Education (DepEd) na palakasin ang climate change education sa mga paaralan upang maagang maunawaan ng mga bata ang epekto nito sa kapaligiran at kanilang mga komunidad. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagtuturo ng climate-change awareness sa mga mag-aaral sa murang edad. “Sa DepEd, ituro sa mga bata, kahit sa murang edad ay makatulong na sila,” pahayag ni Castro, na muling binanggit ang direktiba ng Pangulo kasunod…

Read More

ECONOMIC MANAGERS HINIMOK NI VILLAR NA SUPORTAHAN TAX RELIEF BILL

PASAY CITY — Hinimok ni Senator Mark A. Villar ang mga economic manager ng bansa na suportahan at pag-aralan ang mga benepisyong maaaring idulot ng kanyang panukalang pagtataas sa annual income tax exemption ceiling upang magbigay ng agarang ginhawa sa mga manggagawang Pilipino at mapalakas ang household consumption at ekonomiya. Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance hinggil sa panukalang 2027 national budget, sinabi ni Villar na dapat ikonsidera ng pamahalaan ang tax relief sa gitna ng paghina ng consumer spending at mabagal na government spending. Inihain ni Villar ang…

Read More

MGA HAKBANG PARA PROTEKTAHAN ANG MGA PILIPINONG NANGANGAILANGAN, ISINUSULONG NI CAYETANO

Isinusulong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga hakbang na naglalayong palakasin ang proteksyon at suporta para sa mga Pilipinong higit na nangangailangan ng tulong. Apat na committee report ang nilagdaan ni Cayetano “with reservation” bilang pagpapakita ng suporta sa mga panukala, habang nananatili sa kanya ang karapatang kwestiyunin o punahin ang ilang probisyon kapag umabot na ang mga ito sa plenaryo. Tatlo sa mga panukala ang sasailalim sa period of interpellation sa pagbabalik ng sesyon ng Senado. Kabilang dito ang panukalang Free Housing Through Usufruct Act, na…

Read More

Baka mas dumami stranded LIBRENG TOLL SA NLEX TINABLA NG MALAKANYANG

HINDI sang-ayon ang Malacañang sa panukalang pansamantalang gawing libre ang toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX) habang marami pa ring sasakyang stranded dahil sa matinding traffic at pagbaha na nagsimula noong Sabado. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, maaaring lalo lamang lumala ang sitwasyon kung aalisin ang toll fee dahil mas marami pang motorista ang mahihikayat na dumaan sa NLEX. “Pero kung ililibre natin, ‘di ba mas maraming sasakyan ang papasok. So kapag maraming papasok na sasakyan, mas lalong magkakaroon ng trapik.…

Read More

PAGASA may binabantayang bagong bagyo 178 LGUs NAGDEKLARA NG STATE OF CALAMITY

PATULOY na dumarami ang mga local government unit (LGU) na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa epekto ng mga nagdaang sama ng panahon at ng patuloy na Southwest Monsoon o Hanging Habagat. Umabot na sa 178 LGUs ang nagdeklara ng State of Calamity, habang isang bagong tropical cyclone naman ang nabuo at patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Kahapon ng umaga ay muling nagpulong ang mga miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang talakayin ang nagpapatuloy na response operations…

Read More