ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bibigyang prayoridad ng Kamara de Representantes ang pagpasa ng panukala kaugnay ng legalisasyon ng motorcycle taxi at ireporma ang kasalukuyang regulasyon ng transportation network vehicle service (TNVS) sa bansa. Nauna nang ipinakita ni Pangulong Marcos ang pagnanais na bigyan ng mas maraming opsyon ang mga komyuter na Pilipino, batay sa kanyang suporta na gawing legal ang operasyon ng motorcycle taxi at paluwagin ang regulasyon sa TNVS. Ang posisyon ng Pangulo ay kanyang…
Read MoreAuthor: admin 5
P1.2-B cash aid, programa inihatid sa 150,000 benepisyaryo PINAKAMALAKING SERBISYO FAIR NI PBBM GINANAP SA SULTAN KUDARAT
GINANAP sa Sultan Kudarat ang pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isang pagpapakita ng dedikasyon nito na mailapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno. Dala ng iba’t ibang ahensya sa BPSF ang may P1.2 bilyong halaga ng cash assistance at programa na para sa may 150,000 benepisyaryo. Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos, si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang nanguna sa pagbubukas ng BPSF na sinimulan ngayong Linggo at magtatagal hanggang Lunes. Ginaganap ito sa Provincial Capitol Compound sa Isulan, Sultan Kudarat.…
Read MoreBUNDOK BANAHAW: SAGRADO AT MAJESTIC DESTINATION SA LENTEN SEASON
ANG Bundok Banahaw, na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon, ay kilala bilang isang aktibong bulkan at ang pinakamataas na bundok sa Rehiyon IV-A (CALABARZON). Dahil sa kahanga-hangang katangian at sagradong kasaysayan, ito ay naging isang popular na destinasyon tuwing Lenten Season. Sagradong Bundok Ang Bundok Banahaw ay itinuturing na isang sagradong bundok. Maraming tao ang umaakyat sa tuktok nito dahil may “milagro” raw ang tubig na nakapagpapagaling ng maysakit. Ang sagradong mga batis ay kinikilala bilang “holy water” dahil sa kanilang umano’y magagandang…
Read MoreSEARCH AND RETRIEVAL OPERATIONS SA MASARA LANDSLIDE ITITIGIL NA
INIREKOMENDA na itigil na ang isinasagawang search and retrieval operations sa Masara landslide sa Maco, Davao de Oro base sa assessment ng Incident Management Team, makaraang ilang araw nang walang nakikitang labi sa ilalim ng guho. Sa kabuuan mula Pebrero 6, umakyat sa 93 ang bilang ng mga bangkay na narekober, 79 dito ay naibigay na sa kani-kanilang pamilya habang sinasabing may walo pa ang nanatiling missing. Nilinaw naman ng IMT na ang naunang bilang na 98 retrieved bodies ay kabilang ang recovered body parts. Kaugnay nito, oras na mabigyan…
Read MoreINDONESIAN NATIONAL ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indonesian national dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking sa Jakarta. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Aris Wahyudi alyas “Romeo”, 43, nadakip sa Salcedo Street, Legaspi Village, Makati City, ng mga miyembro ng BI Fugitive Search Unit (FSU). Ayon sa BI, nag-isyu ng mission order si Tansingco laban sa dayuhan nang makatanggap ng impormasyon mula sa gobyerno ng Indonesia na hinihiling ang deportasyon nito upang harapin sa kanilang bansa ang kasong human trafficking. Sinasabing si Wahyudi ay nag-o-operate…
Read MoreKOREANO NAGBIGTI SA CONDO
NATAGPUANG nakabigti ang isang 49-anyos na Korean national sa tinutuluyang condominium unit sa Adriatico Street, Malate, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Park Jae Eluing, hinihinalang ilang araw nang patay. Base sa ulat na isinumite ni Det. John Teddy Siguen kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, nadiskubreng nakabigti ang Koreano noong Pebrero 21. Ayon kay Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Remedios Police Community Precinct, sakop ng Ermita Police Station 5, masusing iniimbestigahan ang insidente upang mabatid kung may nangyaring…
Read MoreRIDER NA PARAK PATAY NANG SUMALPOK SA TRUCK
SOUTH COTABATO – Patay ang isang pulis matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa likuran ng isang trailer truck sa National Highway, Barangay Saravia, Koronadal City sa lalawigan. Kinilala ang biktimang si Patrolman Eric John Sulam, residente ng Barangay Poblacion, bayan ng Tupi, at nakatalaga sa Koronadal PNP. Ayon sa Operations and Response Center ng CDRRMO, nangyari ang aksidente dakong alas-4:30 ng umaga, habang patungo sa Tupi ang prime mover truck. May marinig na lamang umano ang driver ng truck na kalabog sa likuran at inakala nitong gulong ng sasakyan ang…
Read MoreP3.4-M SHABU NASAMSAM SA MALL PARKING AREA SA BACOOR
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa parking area ng kilalang mall sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Kasong paglabag sa Section 5, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si alyas “Alim”. Ayon sa ulat, dakong ala-1:35 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA RO) IV-A, PDEA Cavite Police Provincial…
Read MoreTUMANGGING MAGBALATO, SABUNGERO PATAY SA SAKSAK
RIZAL – Patay ang isang sabungero matapos saksakin umano ng lalaking tinanggihan niyang balatuhan sa kanyang panalo sa sabong sa Brgy. San Juan, sa bayan ng Taytay, sa lalawigan. Nalagutan ng hininga noong Huwebes ng gabi habang nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center ang biktimang si Ricky Del Rosario dahil sa tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan. Ayon sa report ng Taytay Police, kalalabas lamang mula sa Taytay cockpit arena ng biktima nang lumapit ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Mando” para humingi ng balato nang…
Read More