QUEZON – Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang birthday celebrator nang malunod sa ilog ang isang batang lalaki na anak ng isa sa mga bisita sa Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Infanta Police ang biktimang si Reymark Aga Ruzol. Ayon sa report, nagtungo sa gilid ng Agos River ang pamilya ng biktima upang makisaya sa birthday party at outing ng kanilang kaibigan. Huling nakita ang biktima na naglalaro kasama ng iba pang mga bata sa mababaw na bahagi…
Read MoreAuthor: admin 5
Hamon ni Defense Sec. Teodoro sa China SOVEREIGNTY CLAIM SA WPS ILATAG SA ARBITRATION
HINAMON ni Department of National Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang China na ilatag ang sovereignty claim nito sa arbitration sa gitna ng sunod-sunod na pangha-harass ng China Coast Guard at China Militia sa West Philippine Sea. Kahapon, kinumpirma ni National Security Adviser Eduardo Año na may tatlong Philippine Navy personnel na sakay ng civilian chartered boat ng Navy para magsagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa may Ayungin Shoal, ang malubhang nasugatan. Kasunod ng panibagong pambu-bully na naranasan ng mga sundalong Pinoy, nagbanta pa…
Read More2 DRUG PERSONALITIES HULI SA P1-M DAMO
TINATAYANG umabot sa mahigit P1 milyong halaga ng pinatuyong marijuana ang nakumpiska sa dalawang drug personality kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na Linggo sa Brgy. Poblacion, Aguila, Pangasinan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang buy-bust operation ang inilatag ng kanyang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 2. Sa isinagawang anti-narcotics operation, katuwang ang PDEA RO IV-A, RSET, kasama ang PDEA Pangasinan PO, matagumpay na naaresto ang dalawang suspek na kinilalang…
Read MoreRIDER NA PULIS PATAY SA TRAILER TRUCK
DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 42-anyos na pulis makaraang masagasaan ng trailer truck habang nagmamaneho ng motorsiklo sa westbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Sampaloc, Manila noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Arnel Robiro, may asawa, ng Health Service sa Camp Crame at residente ng Sta. Maria, Bulacan. Batay sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-2:15 ng madaling araw nang mabundol ng trailer truck ang biktima…
Read MoreHindi nasibak lahat MAY CHINESE AUXILIARIES PA SA PCG – SOLON
POSIBLENG may natitira pang Chinese nationals sa Auxiliary Force Corps ng Philippine Coast Guard (PCG). Duda ito ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kaya hiniling nito sa PCG na i-terminate o alisin ang lahat ng Chinese nationals na posibleng nabigyan ng National Security Clearance para maging miyembro ng AFC. “Apparently, doon sa binanggit ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, patuloy pa rin ang investigation nila. Maaaring may mga naiiwan doon na Auxiliary members na hindi Filipino or Chinese ang kanilang nationality,” ani Barbers sa isang panayam. Noong…
Read More2024 National Women’s Month LIPUNANG PATAS SA BAGONG PILIPINAS: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!
Simula Marso 1 hanggang Marso 31, 2024 ipinagdiriwang ang National Women’s Month sa ibat-ibang tanggapan ng gobyerno sa buong bansa bilang pagkilala sa kahusayan na naiaambag ng kababaihan sa lipunan. Ang tema ay “We for gender equality and inclusive society” at sub-theme na “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas; Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”, tungo sa pagbabago ng kaugalian o pananaw at kulturang naiuugnay sa kasarian. TRATO SA KABABAIHAN NABAGO NA Ang pagpupugay kay inay, kay ate at kay inday kasama na ang pagsusulong ng kanilang mga karapatan upang magkaroon ng patas…
Read MoreSa National Women’s Month Celebration “TRABAHO PARA KAY JUANA” ALAY NG PASAY
Pinangunahan ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ang ginanap na “TRABAHO PARA KAY JUANA” sa tulong ng Public Employement Service Office (PESO) ng nasabing siyudad noong nakaraang Marso 8. 2024 sa Cuneta Astrodome. Ang okasyon ay bahagi ng pagpupugay sa mga kababaihan sa National Women’s Month na ang selebrasyon ay nagsimula noong Marso 1 hanggang 31, 2024 na ginaganap sa ibat-ibang tanggapan ng gobyerno sa buong bansa. “Trabaho, negosyo, kabuhayan — lahat po yan ay tatalakayin natin ngayong araw na ito. At hopefully, by the end of this heartwarming…
Read MoreANG KWENTONG PAGLAGO NG BAYONG REPUBLIC SA BUWAN NG KABABAIHAN
Ipinakita ng nagmamay-ari ng Bayong Republic Philippines kung ano ang kakayanan ng isang babae para mapalago niya ang kanyang sariling negosyo. Sa panayaman ng Luto Mo Saksi Ko (SAKSI NGAYON – LMSK) host Tess Escuadro, sinabi ni Ms. Joyce Griño, CEO of Bayong Republic Philippines na sa halip na kinasayan na traditional na Bayong noong araw ay in-upgrade niya ito na ginawang Modernong Bayong. Ayon pa sa kanya, ang kanyang Modernong Bayong ay 100% Pinoy made na nakakarating sa Hongkong, Japan, Taiwan, United States, Canada at Europe. Sinabi pa niya…
Read MoreANG “BACSILOG QUEEN” SA NATIONAL WOMEN’S MONTH CELEBRATION
Pinatunayan ng nagmamay-ari ng isang negosyong food business sa bansa na kung ano ang kaya ng mga kalalakihan ay kaya rin ng mga kababaihan. Ito ang pagmamalaking sinabi ni Rica Peñalosa na tinaguriang “BACSILOG QUEEN” na nagmamay-ari ng Ate Rica’s Bacsilog na may 200 branches sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila. Ayon kay Ate Rica, nagsmula ang kanilang kauna-unahang Bacsilog business noong 2006 na nakalagay lamang sa isang di-tulak na food cart sa may tapat ng prestisyosong unibersidad sa may Taft Avenue, Maynila. Kabilang sa mga tumangkilik sa kanilang Bagsilog…
Read More