MARCOS AT BLINKEN MAGPUPULONG

NAKATAKDANG makapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si US Secretary of State Antony Blinken sa darating na Martes para talakayin ang pagtutulungan at usapin sa seguridad. Ang kanilang nakatakdang pagpupulong ay bunsod ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa territorial disputes sa South China Sea. Nangako rin ang Pangulo na idedepensa ang maritime claims ng Pilipinas matapos manawagan si Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan sa paghahanda para sa military conflicts sa karagatan. “So, I’m not surprised, but we will have to…

Read More

MALAKIHANG PROTESTA KONTRA ECO CHA-CHA NG KAMARA IKAKASA

NAGKAKASA na ng malaking kilos protesta ang mga anti-Charter change (Cha-cha) group sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na linggo matapos itong pagtibayin sa ikalawang pagbasa noong Miyerkoles ng gabi. Inanunsyo ng Makabayan Bloc ang plano ng No To Charter Change Network na biguin ang Eco Cha-cha na nakatakdang isalang ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo. Gayunpaman, tila wala nang atrasan ang tuluyang pagpapatibay sa eco Cha-cha dahil 231 boto o katumbas ng ¾ votes ang kailangan mula sa 308 miyembro ng Kamara sa…

Read More

‘CHINESE MAFIA’ NAMAMAKYAW NG LUPA SA PROBINSYA

NAMIMILI na ng lupa ang mga Chinese national na nakakuha ng lehitimong dokumento sa Pilipinas tulad ng mga government ID at passport. Dahil dito, hiniling ni House committee on dangerous drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Local Chief Executives (LCEs), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Immigration at iba pang ahensya ng gobyerno na mag-ingat sa pakikipagtransaksyon sa mga dayuhang ito. “I received reports that Chinese nationals with forged Filipino identification cards are engaged in huge lands acquisition spree in Bulacan, Palawan, Zambales, Isabela and…

Read More

MAINTENANCE CREW TIMBOG SA SEXTORTION

CAVITE – Nabitag sa ikinasang entrapment operation ang isang 23-anyos na maintenance crew na nanakot sa kanyang dating girlfriend na ipakakalat ang kanyang hubad na mga larawan at kanilang sex videos kung hindi siya makikipagkita sa suspek, sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009; Art. 286 (Grave Coercion) ng RPC, at RA 11313, (The Safe Space Act) in relation to Section 6 ng RA 10175; at RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act), ang suspek na…

Read More

Tangkang ipuslit sa Antipolo jail P1-M DROGA NADISKUBRE SA ARI NG 2 BABAE

ANTIPOLO – Arestado ang dalawang babae makaraang madiskubre ang umano’y shabu na nakatago sa kanilang ari nang bumisita sa kanilang live-in partner na nakapiit sa BJMP Antipolo. Ayon sa ulat ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, kinilala ang magkapatid na suspek na sina alyas “Saly”, 34, at “Kath”, 39, parehong taga Brgy. San Isidro, Antipolo City. Base sa imbestigasyon ng Antipolo Component City Police Station, dadalawin ng mga suspek ang kanilang live-in partner na nakapiit sa BJMP Antipolo na may mga kasong ilegal na droga. Ngunit ng…

Read More

3-ANYOS PASLIT PATAY SA HATAW NG PAYONG

ARESTADO ang isang 30-anyos na lalaki na napatay ang isang 3-anyos na lalaking paslit makaraan umanong hatawin ng payong sa Barangay Cupang, Antipolo City. Nahaharap sa kasong homicide ang suspek na kinilalang si Kevin Ramirez, may asawa, isang customer service representative at nakatira sa Antipolo City. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-12:30 ng hapon noong Marso 12, 2024 nang isilbi sa suspek ang warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Cecilyn Burgos –…

Read More

MILYONG HALAGA NG PUSLIT NA SIGARILYO NADISKUBRE SA SUMALPOK NA TRUCK

NADISKUBRE ang tangkang pagpuslit ng kahon-kahong mga sigarilyo sa Davao City nang masangkot sa aksidente ang truck na pinagkargahan ng multi-milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Brgy. Panacan, Davao City. Kasalukuyang pinaghahanap ng Davao City PNP ang driver ng nasabing 10 wheeler truck na may kargang puslit na mga sigarilyo matapos maaksidente at bumangga sa center island na ikinasira pa ng traffic lights bandang alas-9:30 ng gabi noong Miyerkoles. Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng DCPO, kasalukuyan nilang tinutunton ang may-ari ng dump truck na may kargang 30…

Read More

Flexible work arrangement isinulong KABABAIHAN BIGYAN NG TRABAHO – NOGRALES

ISINULONG ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles ang pagkakaroon ng ‘flexible work arrangement’ para sa mga babae na gustong magtrabaho habang nasa bahay. Ayon kay Nograles, maraming babae ang nais magtrabaho at kumita habang nasa bahay upang matulungan ang kanilang mga asawa sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. “Unpaid domestic and care work hinders women from fulfilling their potential and engaging in paid labor. Especially in a climate where it is increasingly becoming difficult for sole breadwinners to provide for their families, we must exert more effort so that women…

Read More

LGU OFFICIAL, 1 PA ARESTADO SA P6.8-M SHABU BUY-BUST

ARESTADO ang isang umano’y local government official at kasamahan nito sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Don Alejandro Roces Ave. sa Quezon City noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa PDEA, nakumpiska sa mga suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon makaraang kumagat sa kanilang pain. Inihayag ni PDEA agent Grace Cruz, team leader ng PDEA RO-NCR RSET1, bago ang nasabing buy-bust operation, isinailalim nila sa halos dalawang buwang surveillance operation ang dalawang drug personalities na umano’y magpinsan…

Read More