AUV DRIVER NA NAG-FULL TANK AND RUN, TINUTUGIS NG NCRPO

TINUTUGIS ngayon ng mga otoridad ang isang AUV driver na sangkot sa “full tank and run” na insidente sa isang gasolinahan sa Quezon City.

Batay sa ulat, nagpakarga ang suspek ng mahigit P5,000 halaga ng gasolina sa isang istasyon sa Balintawak bago mabilis na tumakas nang hindi nagbabayad.

Nakuha ng CCTV ng gasolinahan ang insidente kung saan makikitang sinubukan pang habulin ng gasoline boy ang mabilis na tumakas na sasakyan.

Ayon kay NCRPO Spokesperson PMaj. Hazel Asilo, posibleng maharap ang suspek sa kasong theft. Maaari ring magsampa ng hiwalay na reklamo ang pump attendant at ang may-ari ng gasolinahan.

Nakikipag-ugnayan na ang Quezon City Police District (QCPD) sa pump attendant habang nagpapatuloy ang tracing at tracking operations upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang sasakyan nito.

Nanawagan ang NCRPO sa suspek na kusang sumuko bago pa ito madakip ng mga awtoridad.

(TOTO NABAJA)

81

Related posts

Leave a Comment