AWAY NG PAMILYANG MARCOS BUNGA NG POLITICAL DYNASTY

LALONG lumutang ang pangangailangan na ipagbawal na ang political dynasties sa bansa kasunod ng bangayan ng pamilya Marcos na malinaw na nag-aagawan sa kapangyarihan at walang pakialam sa kapakanan ng mamamayan.

Pahayag ito ni Kabataan party-list Rep. Renee Co matapos ang pasabog ni Sen. Imee Marcos na bata pa lamang sila ay alam na umano ng kanilang pamilya na gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“The Marcos sibling meltdown is a prime example of why public office should not be a family business. Ang sumisira sa pamilya nila at sa bawat pamilyang Pilipino ay ang pagkagahaman nila sa poder,” ani Co.

Giit ng kongresista, panahon na para seryosohin ng Kongreso ang pagpasa ng batas na tuluyang magbubuwag sa political dynasties na itinuturing na ugat ng katiwalian at paghina ng mga institusyon sa bansa.

Una nang sinabi ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato ang paggawa ng batas laban sa political dynasty, bukod sa pagbuo ng isang independent commission na tututok sa mga anomalya sa flood control projects at iba pang imprastraktura.

Ayon kay Co, dapat malinaw at mahigpit ang magiging batas na magtatakda na isang miyembro lamang kada pamilya ang dapat tumakbo sa posisyon, at hindi tulad ngayon na halos buong angkan ay nakaupo sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno.

Sa kasalukuyan, tatlong miyembro ng Pamilyang Marcos ang nasa national positions β€” ang Pangulo, si Sen. Imee Marcos, at House Majority Leader Sandro Marcos bukod pa sa kanilang mga kaanak na nakaupo sa Ilocos Norte.

Tinawag naman ni Akbayan party-list Rep. Perci CendaΓ±a na “toxic family drama” ang pasabog ni Sen. Imee, na aniya’y patunay na hindi dapat umiikot sa isang pamilya ang pamamahala sa bansa.

“After natin marinig ang pasabog ni Sen. Imee, mas lalong tumindi ang paniniwala nating hindi dapat family matter ang pamumuno. ‘Yung mga bagay na over Sunday lunch pinag-uusapan, hindi dapat nakakaapekto sa lagay ng bayan,” ani CendaΓ±a.

Dagdag pa niya, mawawala ang ganitong pampamilyang gulo kung ipapasa na ang anti-political dynasty law na matagal nang nakabinbin sa Kongreso.

(BERNARD TAGUINOD)

103

Related posts

Leave a Comment